Chapter 8

2 0 0
                                    

□ □ □ ■ □ □ □

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

□ □ □ ■ □ □ □

Chapter 8: Accident

Nathan's POV

Scene

"Let's go Ari" saad ko sabay hila sa kanya. Noong tuluyan na kaming nakatalikod ay napahinto kami at nanlaki ang aking mata. Natulala din si Ari dahil sa kanyang nakita.

Zed? Isip ni Ari

Dahan dahan akong lumingon kay Ari habang tulala siyang nakatingin kay Zed. Hindi ko naman alam kung bakit ko hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya.

Nakatayo si Zed sa tapat namin ngayon habang bitbit ang backpack niya. May towel din na nakasabit sa kanyang leeg at mukhang kakabihis niya lang dahil kakatapos lang ng kanyang training.

Anong ginagawa niya dito?

Pilit kong binabalewala ang mga iniisip ni Ari dahil paniguradong pupurihin na naman niya si Zed.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo Ellise?" Tanong niya habang seryosong nakatingin kay Ellise. Bigla namang kinabahan si Ellise ngunit hindi niya iyon pinahalata.

"She started it fi---"

"Nasaksihan ko ang lahat ng nangyari kanina kaya huwag kang magsinungaling sa akin" saad niya kaya iniyukom ni Ellise ang kanyang kamao.

"Why are you defending her? I'm like your fiance hindi ba?" Mataray na saad niya at pilit na pinipigilan ang kanyang sarili.

"Hindi pa kita fiance so stop this nonsense" saad niya kaya napatingin ako kay Ari.

Hindi pa fiance? Bakit may 'pa' sa pangungusap na iyon? Ibig sabihin ikakasal talaga sila?

Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Ari kaya natauhan siya.

"Let's go" saad ko at hinila siya papaalis doon. Noong malapit na kami sa pwesto ni Zed ay hindi ko inaasahang titingnan niya kami ni Ari. Napansin kong napayuko si Ari dahil sa hiyang nararamdaman. Noong nagtama ang mata namin ni Zed ay bigla siyang napatingin sa magkahawak na kamay namin ni Ari.

Off-screen

Noong tuluyan na namin siyang nalagpasan ay hindi ko mapigilang hindi maisip na nabago ko ang aking storya..

Hindi dapat nangyari iyon...

Sa orihinal na storya ay si Zed ang pipigil sa kamay ni Ellise at hindi ako. Siya dapat ang naghihila kay Ari ngayon. Siya dapat ang tagapagtanggol niya.

Worlds [Time Traveler Series #3] ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon