Chapter 2

9 0 0
                                    

□ □ □ ■ □ □ □

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

□ □ □ ■ □ □ □

Chapter 2: Agent Grande

Wattpad World

Arianna's POV 

Kapag ba nabigyan kayo ng isang pagkakataong mabiyayaan ng kapangyarihan, ituturing mo ba itong isang biyaya? O isang sumpa?

Para sa akin... itinuring ko na parang isang sumpa ito noong pinakaunang pagkagising ng kapangyarihan ko. Hindi ko alam kung papaano ito kontrolin at minsan na ko na din na nasaktan ang isang mahal ko sa buhay mabuti nalang at dinala ako ni mom kay Señor Apollo. Siya ang nag-aruga at nagturo sa akin kung papaano ko makokontrol ang aking kapangyarihan hanggang sa hindi ko namamalayan na tinuturing ko na ito bilang isang biyaya mula sa kalangitan. Sinali ako ni Señor sa agency niya na naglalayong talunin ang lahat ng mga kasapi ng kadiliman. Tinutulungan din namin ang mga nangangailangan kaya sa tuwing nakakatulong ako ay mas lalo tuloy akong nagpapasalamat kasi kung hindi dahil sa kapangyarihan ko paniguradong hindi ko matutulungan ang mga taong nangangailangan.

Naging top one agent ako sa agency namin dahil sa angking taglay ko at kapangyarihan din. Ako din ang ina-assign ni Señor sa mga mahihirap at malalakas na kalaban since ako ang pinakahuling alas niya sa agency.

Napatingin ako sa sarili kong repleksiyon. Nakalugay ang kulay purple kong buhok na unti unting nagiging kulay pink sa pinakadulong bahagi nito. Mahaba din ang pilikmata ko at kakaiba ang kulay asul kong mata na halos magkasing kulay na sa malalim na karagatan. Matangos din ang ilong ko at natural na mapupula ang aking labi. Napakaputi ko din at minsan nga tinatanong nila kung naiinitan pa ba ako ng araw.

Isinuot ko ang aking salamin at inayos ang bow tie ng uniporme ko. Kulay maroon ang blazer ng school namin at may logo ito sa right side habang pocket naman ang nasa left side. May puting blouse din kami sa ilalim ng blazer at doon namin sinasabit ang aming bow tie. Maikli din ang pleated maroon skirt namin at required talaga kaming magsuot ng puting knee socks at itim na school shoes. At kung babae ka, dapat may heels ang sapatos mo at hindi lang basta ordinaryong heels kung hindi yung five inch talaga. Para sa mga lalaki naman ay hindi required ang knee socks pero kailangang maayos ang pagkakagupit ng buhok mo kung ayaw mong maputulan ng buhok ng inyong prof.

Kukunin ko na sana ang aking bag ngunit biglang nagbeep ang relo ko.

Tumatak mula sa screen ng aking relo ang logo ng aming agency, ang ACE Agency. Hugis bilog ito na mayroong color black na kulay. May mga roman numerals din na nakatatak sa loob nito gaya ng isang orasan. Apat lang ang mga roman numerals at ito ay ang number twelve, three, six, at nine. Ang short hand nito ay nakatutuok sa number three habang ang long hand naman nito ay nasa six. May ibig sabihin ang mga numerong iyon dahil iyon ang passcode ng aming agency. Actually may dalawang passcode kami at ito ang pinakaunang sinasabi namin kasunod yung isa pang passcode.

Worlds [Time Traveler Series #3] ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon