Chapter 19

1 0 0
                                    

□ □ □ ■ □ □ □

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

□ □ □ ■ □ □ □

Chapter 19: Nyx and Apollo 

Scene

Third Person's POV

Nakatitig lang ang prinsesa sa isang estatwa sa sentro ng kanilang bayan.

Malungkot ito tulad niya.

Hindi pangkaraniwang tao ang prinsesang ito dahil may kapangyarihan siya na ipinasa ng kayang mahal na ama na pumanaw na.

Lahat ng klaseng kapangyarihan ay nasa kanya. Nasa kanya na nga ang lahat ngunit malungkot pa din siya.

Namumukod tangi ang kagandahan ng prinsesa dahil nababagay ang kanyang blonde na buhok sa maputing balat niya. Golden brown ang mga mata nito at matangos ang ilong. Mapupula din ang kanyang labi pati na din ang kanyang pisngi.

Hinawakan niya ang estatwa.

"Hindi ka man nakakapagsalita ngunit batid ko'ng malungkot ka din katulad ko" sabi niya habang nakatitig pa din sa estatwa.

Malalim na ang gabi at wala ng katao tao sa lugar na iyon. Marahil ay tulog na sila.

Ipinikit ng prinsesa ang kanyang mga mata at sa pagdilat niya ay unti-unting nabigyang-buhay ang estatwa.

Naging isang makisig at gwapong lalaki ito.

Gulat na napatingin sa kanya ang lalaki pero nginitian niya ito.

"Ako si prinsesa Nyx. Bibigyan kita ng kapangyarihan at ang kapalit nito ay ang pagiging tapat mo sa akin. Kapag sisikat na ang araw babalik ka sa pagiging estatwa at paglulubog na ang araw saka ka magiging tao ulit" paliwanag ni Nyx. Dali-dali namang napaluhod ang lalaki sa harapan niya.

"Maraming salamat kamahalan" inutusan niyang tumayo ang lalaki.

"Tawagin mo akong Nyx. At simula ngayon tatawagin na kitang Apollo" mas lalong lumawak ang ngiti ng lalaki.

Isa lang pumasok sa isipan ng lalaki. Ang kagandahang taglay ng prinsesa.

Off-screen 

Apollo's POV 

"Urgh! Sa wakas tapos na din ang nakakasakal na Scene" saad ni Nyx kaya napakunot ang aking noo. 

"Scene?" inosenteng tanong ko kaya gulat siyang napalingon sa akin. 

"B-bakit gumagalaw ka pa? Aware ka din ba??" tanong niya at dali dali akong nilapitan. 

"Aware?" tanong ko pa kaya napabuntong hininga siya. 

"Ganito kasi yan. Nasa loob tayo ng isang storya. Yung nangyari kanina ay Scene. Ang Scene ay ang mga pangyayaring isinulat ng author ng storyang ito. Hindi din natin nakokontrol ang sarili nating katawan sa tuwing nasa Scene tayo. Ang Off-screen naman ay opposite sa Scene. At ang halimbawa ng Off-screen ay ngayon. Tuwing Off-screen lahat ng mga tao sa paligid, pati mga bagay at hayop ay hindi nakakagalaw. Except sa mga taong aware katulad ko."

Worlds [Time Traveler Series #3] ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon