Chapter 21

1 0 0
                                    

□ □ □ ■ □ □ □

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

□ □ □ ■ □ □ □

Chapter 21: Final Battle 


Arianna's POV

Scene

Napahinto ako. Tinitigan ko ang rosas na nasa unahan ko. Nakalagay ito sa lamesa at lumilitaw ito habang nasa loob ng isang puting glass. May nakatutok din na ilaw sa tapat nito at napatingin ako sa paligid ngunit parang dead end na ito.

Babalik nalang ba ako sa dinaanan ko?

Pero yung rosas... bakit nakapwesto ito dito?

Noong nakalapit na ako ng tuluyan sa rosas ay may napansin akong sketch na nakasulat sa sinaunang papel at napakunot ang aking noo dahil sa nakita.

Isa itong sketch ni Nyx at Señor noong kabataan nila. May rosas na nakasabit sa tenga ni Nyx at nakangiti siyang nakatingin sa rosas na hawak niya habang ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa kamay ni Señor. Si Señor naman ay nakatingin sa pwesto ni Nyx habang abot tenga ang ngiti.

Hindi maaari... may relasyon ba sina Señor at Nyx noon??

Kung ganoon bakit hindi sinabi ni Señor sa amin ang tungkol sa bagay na ito?

"Hindi niya sinabing may nakaraan kami noon hindi ba?" rinig kong boses ni Nyx kaya kaagad akong tumalikod at tama nga ang hinala ko. Nakatayo siya ngayon sa aking harapan. Hanggang paa ang kulay itim niyang buhok at kulay itim din ang kanyang buong mata. Maputi siya at may maputlang labi. Nakasuot siya ng kulay itim na bestida at nakapaa lang siya. Ang mga naaapakan niya, katulad ng sahig, ay nagiging kulay itim kaya nakakapagtaka.

"Alam kong hinding-hindi niya sasabihin ang side ng storyang ito dahil natatakot siyang malalaman niyo ang katotohanan..." saad niya kaya mas lalong napakunot ang aking noo.

"Katotohanan?"

"Na isa siyang traydor...at siya ang rason kung bakit ako nagkakaganito ngayon..." saad niya kaya napailing ako.

"Hindi.. hindi magagawa ni Señor ang bagay na iyon" saad ko kaya napangisi si Nyx.

"Kung ganoon ipapakita ko sa iyo ang lahat" saad niya sabay turo sa rosas na nasa lamesa.

"Hawakan mo ang rosas upang makabalik ka sa nakaraan" saad niya kaya napatingin ako sa rosas

Wala namang mawawala kung hahawakan ko ang rosas hindi ba?

Gusto ko din na malaman kung totoo bang trinaydor ni Señor si Nyx noon...

Dahan dahan kong tinanggal ang glass na nakatakip sa bulaklak. Hinawan ko ang rosas at sa isang iglap biglang pumasok sa isip ko ang mga alaala nina Nyx at Señor noon.

Worlds [Time Traveler Series #3] ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon