Chapter 28

1 0 0
                                    

□ □ □ ■ □ □ □

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

□ □ □ ■ □ □ □

Chapter 28: Misunderstanding

Arianna's POV

"Miranda sorry sa isturbo pero alam mo ba kung saan nagpunta si Nate ngayon?" tanong ko kay Miranda sa tawag habang sinusuot ko ang aking hoodie. 

Papasok na sana ako sa trabaho ko pero nakakapagtaka lang dahil paggising ko, umalis na si Nate. 

Saan naman siya nagpunta? At bakit hindi siya nagpaalam sa akin? 

"Si Nathan? Teka anong oras pa ba? Mamayang lunch pa ang first class namin ah" saad ni Miranda at halata sa boses niya na kakagising niya lang. 

"Teka..." saad niya kaya nakuha niya ang aking atensyon. 

"Subukan mo sa sementeryo... itetext ko sa iyo ang address" saad niya at ibinaba ang call. Napabuntong hininga naman ako bago umalis sa kwarto ni Naomi. 

"Auntie aalis na po ako" saad ko kaya nilingon niya muna ako. 

"Kumain ka muna Arianna" saad niya pero umiling ako. 

"Malalate na po ako sa trabaho ko" saad ko kaya napatango nalang siya. 

Naglakad na ako papunta sa terminal ng mga jeep at naghintay ng jeepney. Eksakto namang natanggap ko ang address na itenext ni Miranda. Ginamit ko ang google maps upang malaman ko kung saan ako dapat sumakay. 

Halos kalahating oras din pala ang byahe bago ako makaabot doon. Malaki ang sementeryo kaya mahihirapan siguro akong hanapin si Nate ngayon. 

Ngunit napahinto ako noong makita ko si Nate. 

Inilagay niya ang isang pting bulaklak sa isang lapida at nilinisan pa ito. 

"I'm sorry kung hindi ko na matutupad ang pangako kong mamahalin ko ng tunay si Sabrina tito pero pinapangako kong aalagaan ko siya katulad ng pag-alaga mo sa kanya" saad niya. Naririnig ko ang boses niya dahil hindi naman ako masyadong malayo sa kanya at napakatahimik din ng paligid. 

Ngunit napahinto ako noong mapansin kong may babae pala sa may likuran niya. Doon ko lang napansin na si Sabrina pala ito. 

Anong ginagawa niya dito? 

"Bakit ka nagsosorry kay papa? Ako dapat ang humihingi ng tawad sa iyo" saad niya kaya napalingon si Nate sa kanya. Kaagad naman akong nagtago s alikuran ng isang puno upang hindi niya ako makita. 

"Sab" gulat na saad niya. 

"Dad huwag mong sermonan si Nathan ha. Ako po ang nakipaghiwalay sa kanya at hindi po siya. Ako dapat ang sermonan mo" saad ni Sabrina kaya napatawa si Nate. Bigla namang nadurog ang puso ko dahil sa tawa niya. 

Worlds [Time Traveler Series #3] ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon