Clarifications

0 0 0
                                    

A/N:

So para sa mga naguguluhan pa din sa part nung Scene at Off-Screen, ipapaliwanag ko ulit dito upang maliwanagan kayo...

So si Arianna Stone, Zed Octavion at Agent Fox ang main characters ng storyang ginawa ni Nate so that means sa kanilang tatlo lang nagrerevolve ang buong mundo nila. Lahat ng mga bagay at tao ay naeestatwa sa tuwing wala sila sa lugar na iyon, except sa mga taong aware sa totoong sitwasyon ng mundo nila (kasali na dito sina Nathan, Señor, and of course our new recruit, Ellise)

Ang Scene ay isang pangyayari or eksena na nagaganap sa storya or naisulat ni Nathan sa storya. So para sa mga taong aware na, napapansin nila ang pag-glitch ng paligid, nangangahulugan ng panibagong Scene, maaaring hindi sila kasali sa Scene na iyon (katulad nung time na biglang nakalabas sa opisina ni Señor si Nathan dahil hindi siya kasali sa Scene nina Arianna at Señor) o maaaring kasali din sila (katulad nung biglang napadpad si Nathan sa Scene kung saan nakita niyang niligtas ni Zed si Arianna laban kay Ellise)

Kung hindi naman aware ang isang character ay hindi nila ito namamalayan at magpapatuloy lang sila sa kanilang ginagawa. (For example, sina Damon, mom ni Arianna, Chloe, Astrid, etc.)

Para din sa mga taong aware, hindi nila nakokontrol ang kanilang kinikilos at pananalita sa tuwing kasali sila sa Scene and kung mapapasaiyo man ang Point of View sa Scene na iyon (hindi pa ito naiintroduce pero in the next chapter I think isususlat ko na ito) hindi mo din makokontrol ang iyong pag-iisip dahil syempre kontrolado ng author ang iniisip mo since iyon ang point of view mo sa Scene na iyon.

Ang Off-screen naman ay ang mga pangyayaring walang kinalaman sa storyang ginawa ni Nathan. Libreng nakakakilos ang mga taong aware sa Off-screen at maaari silang mamuhay ng naaayon sa kagustuhan nila.

Kapag may nakalagay na Point of View sa ibabaw ng isang character (usually sina Arianna, Zed, at Agent Fox lang ang nakaka-experience nito) ay nangangahulugang siya ang nagmamaneho sa Scene na iyon. Ang Third Person's POV ay nirerepresenta ng isang misteryosong tao. Nakaitim lang ito at walang mukha. Lalabas ito sa tuwing third person's pov at ang tanging gagawin lang nito ay tingnan ang mga ginagawa ng characters sa isang particular na Scene.

Ang mga taong aware lang din (kasali si Nathan) ang maaaring makabasa sa iniisip ni Ari at Zed sa tuwing POV nila sa isang Scene.

So that's all... sana ay mas naliwanagan kayo sa storyang ito :) Stay safe everyone...

Worlds [Time Traveler Series #3] ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon