Chapter 27

1 0 0
                                    

□ □ □ ■ □ □ □

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

□ □ □ ■ □ □ □

Chapter 27: Sabrina

Arianna's POV 

"Nate?" kunot noo kong tanong.  Tulala lang siyang nakatitig sa kanyang iniinom na matcha kaya napakunot ang aking noo. 

Ang lalim ata ng iniisip niya. 

Tumabi ako sa kanya at tinapik siya. Dahil sa pagtapik ko ay nakuha ko na sa wakas ang kanyang atensyon. 

"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya kaya napaayos siya ng upo. 

"Kanina ka pa ba diyan?" tanong niya at muling ininom ang matcha. 

"Medyo... okay ka lang ba?" tanong ko ulit. Ibinigay niya muna sa akin ang isang capuccino kaya ininom ko ito. 

"M-may iniisip lang ako tungkol sa isang project" saad niya kaya napatango ako. 

"Teka ano ba ang sinabi nila?" pag-iiba niya ng topic kaya napangiti ako. 

"Hulaan mo~" saad ko at napangisi pa. 

"Nakuha ka no??" tanong niya kaya tumango ako. Napangiti naman siya at tumayo upang yakapin ako. 

"I'm so proud of you" saad niya habang nakayakap pa din sa akin. 

"Sabi nila magsisimula na daw ako bukas" saad ko. 

Ilang minuto lang din kaming nanatili sa cafe dahil malapit na ang second class ni Nate. Pinasakay muna niya ako ng taxi bago siya pumunta sa school niya. 

"Bye Nate! Goodluck sa school mo!" saad ko bago pumasok sa loob ng taxi. Ngunit bago ko pa naisara ang pinto ng taxi ay nilapitan muna niya ako at hinalikan sa pisngi. 

"Mag-ingat ka Ari" saad niya at isinara ang pinto. Tulala ko naman siyang tiningnan mula sa bintana. Nakangiti siya sa akin ngayon habang nagwa-wave kaya napangiti din ako. 

Ba't ba pabigla-bigla niya nalang yung ginagawa? Akala ko aatakehin na ako sa puso kanina. 

"Mga kabataan talaga" bulong ng taxi driver kaya nginitian ko nalang siya na may halong hiya. 

Amputa... 

"Nobyo mo ba yun hija?" tanong niya habang nagsimula na sa pagdrive. 

"Hindi pa po" saad ko kaya napangiti siya. 

"Pakiramdam ko magkakatuluyan kayo" pambobola niya. Bigla namang bumilis ang tibok ng aking puso noong marinig yun. 

Kami? Magkakatuluyan ni Nate? 

Biglang pumasok sa imahinasyon ko na ikinasal kami ni Nate tas nagkaroon ng isang lalaking anak and we lived happily ever after.... 

Charots

Worlds [Time Traveler Series #3] ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon