Chapter 18

1 0 0
                                    

□ □ □ ■ □ □ □

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

□ □ □ ■ □ □ □

Chapter 18: Rose 

Scene

Arianna's POV 

Huminto kami sa tapat ng kagubatan. Walang katao-tao dito kaya hindi na kami nagtataka. Dito ba talaga nakatira si Nyx? 

Binuksan ko ang pinto at lumabas. Sumunod naman si Agent Sky, Agent Queen, at Agent Fox. 

"So dito nakatira si Nyx?" tanong ni Agent Fox pero umiling si Agent Sky. 

"Nasa unahan pa ang kaharian niya" saad niya at nauna nang maglakad. Walang niisa ang umangal sa amin at sinundan lang namin siya. 

Naglakad kami papasok sa kagubatan at napakatahimik ng paligid at tanging mga kuliglig lang ang naririnig namin. 

"Omg!" sigaw ni Agent Queen kaya napalingon kaming lahat sa kanya. Nahuli kasi siya sa paglalakad kaya nasa pinakahuli siya ngayon. 

"Anong nangyari??" nag-aalalang tanong ni Agent Sky kaya napakunot ang aking noo. 

"My gosh! Ang daming lamok!" maarteng saad niya at hinampas pa ang paa. Napatawa nalang ako dahil hindi pa din nagbabago si Agent Queen. Siguro pag nagkakilala sila ni Astrid paniguradong magiging close din sila. 

"Akala ko pa naman napano ka" inis na saad ni Agent Fox at nagpatuloy na sa paglalakad ngunit nagulat kami noong bigla siyang nilapitan ni Agent  Sky at hinila. 

"Dito ka nalang sa tabi ko para hindi ka lalapitan ng mga lamok" saad niya kaya nagkatinginan kami ni Agent Fox. 

What the hell is happening? 

"Geez ano ka ba baygon? Urrrgh nakakainis " saad ni Agent Queen pero sumunod din kay Agent Sky. 

"My loves may something ba sa kanila?" tanong ni Agent Fox kaya napatingin ako sa kanilang dalawa na ngayon ay nauna nang naglakad. 

"Mukhang may gusto ata si Agent Sky kay Agent Queen" saad ko kaya napangisi si Agent Fox. 

"Kailan kaya tayo my loves?" pang-aasar niya kaya napahinto ako sa paglalakad at seryoso siyang tiningnan. 

Pagkatapos ng sinabi ko sa kanya nuong umamin siya... hindi pa din nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Akala ko pa naman mag-iiba na siya pagkatapos nun. 

"Biro lang. Alam kong may iba kang nagugustuhan. Pero kahit ganoon nandito pa din ako sa tabi mo at masaya akong masaya ka sa piling ng mahal mo." saad niya kaya napangiti ako. 

"Napakaswerte ko at nagkaroon ako ng kaibigang katulad mo Agent Fox..." saad ko at niyakap siya. Hinipo naman niya ang aking likuran. 

"Pero huwag ka munang mag-aasawa ha.. Dahil hindi na kita makikita" saad niya kaya napatawa ako. Oo nga.. kapag nag-asawa na ang isang miyembro sa Agency ay hindi na sila pinapasabak sa labanan o sa mga misyon except kung emergency. Katulad ni mom... matagal na siyang hindi nakakapunta sa mga misyons dahil nag-asawa na siya at nakakapunta lang siya sa Agency tuwing pinapatawag siya ni Señor. 

Worlds [Time Traveler Series #3] ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon