Chapter 29

3 0 0
                                    

□ □ □ ■ □ □ □

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

□ □ □ ■ □ □ □

Chapter 29: Curse

Damon's POV 

8 years ago

Scene

"Tulong"

Kaagad akong natigilan dahil sa boses na iyon.

Nandito ako sa kagubatan at uuwi na sana ako sa rest house namin pero hindi ko na matandaan kung saan ako dumaan.

Sinundan ko ito at napahinto ako gitna ng gubat. Napaatras namana ko dahil sa nakikita ko.

"Tulong"

Dito nga. Dito nanggagaling ang boses.

Napatingala ako sa isang abandonadong bahay. Isang floor lang ang bahay na ito at maliit. Maliit man ito ngunit pangvictorian ang desenyo nito kaya nga lang medyo hindi na matibay ang bahay at natatakot ako na baka gumuho ito. 

Nakakapagtaka lang dahil nasa gitna talaga ito ng kagubatan at napapalibutan ng mga kakahuyan.

"Tulong"

Pagkatapos niyang sabihin ang katagang iyon ay nagpakita siya sa akin. Isang batang babaeng nakasuot ng isang itim na bestida at natatakpan ang kanyang mata ng  puting palamuti na may desenyong bulaklak. Nakatayo siya ngayon sa harap ng pinto ng bahay niya.

"S-sino ka?" Kunot noo kong tanong. Pagkarinig niya sa boses ko ay bigla siyang napatingin tingin sa paligid.

"Nakikita mo ba ako?" Halos pasigaw niyang sabi dahil sa saya.

"Hindi ba kita kakausapin kung hindi kita nakikita?" Tanong ko naman pabalik sa kanya. Napangiti naman siya dahil sa sinabi ko.

"Eh ikaw ba nakikita mo ako?" Tanong ko kaya biglang nawala ang ngiti niya. Umiling lang siya.

So bulag siya...

"Bakit ka ba humihingi ng tulong?" Tanong ko. Humakbang siya ng isang beses bago sumagot.

"Bakit hindi ka lumapit sa akin para malaman mo?" Tanong naman niya pabalik saakin.

Naisahan niya ako dun ah.

Sinunod ko siya at lumapit ako sa kanya.

Ng malampasan ko ang gate ng bahay niya ay may kakaiba akong naramdaman. Parang.. parang biglang lumamig.

Nagpatuloy lang ako sa paglakad hanggang sa naabutan ko siya. Nakangiti pa din siya hanggang ngayon.

"Now tell me" naiinip kong sabi. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.

Worlds [Time Traveler Series #3] ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon