Chapter 31

1 0 0
                                    

□ □ □ ■ □ □ □

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

□ □ □ ■ □ □ □

Chapter 31: Talk About Our Future

Arianna's POV 

"Gus.." saad ni Miranda ngunit umiwas ng tingin si Gus. 

"Aalis na ako" saad niya at umalis na ng hindi man lang kinakausap si Miranda o si Yael. 

Gustong habulin ni Miranda si Gus pero nagdadalawang isip siya.

"Habulin mo na siya" saad ni Yael kaya nakuha niya ang atensyon ni Miranda. 

"I'm sorry Miranda pero hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa iyo. May nararamdaman pa ako kay Naomi kaya hindi naman nararapat na magtake-advantage ako sa iyo dahil lang may gusto ka sa akin. Oo ginagawa ko ito sa ibang babae, nakikipagrelasyon ako sa kanila upang maramdaman ang pagmamahal nila sa akin na ipinagkait ni Naomi, pero iba ka sa kanila Miranda. Ayaw kong masaktan ka. Ayaw kong masaktan ang kaibigan ko" saad ni Yael kaya napatango si Miranda. Halatang may namumuong luha sa kanyang mata ngunit pinigilan niya ito. 

"You have to confront Gus too, Miranda. Kailangan niyang marinig mismo sa iyo na hanggang kaibigan lang kayo upang hindi na siya aasa at masasaktan katulad ng ginawa ko. Kaibigan lang ang tingin mo sa kanya hindi ba?" tanong niya pa kaya napahinto si Miranda. 

"I need to clear this up. Thanks for clearing everything up Yael. Kakausapin ko muna si Gus"  saad ni Miranda at iniwas si Yael sa park. 

Noong tuluyan ng nakaalis si Miranda ay napasabuno si Yael sa kanyang sarili. Sinipa niya ng ng napakalakas ang bato na nasa harap niya. 

"Damnit Yael!" saad niya kaya siniko ko si Nate na hanggang ngayon ay kumakain pa din ng popcorn. 

"Puntahan natin siya" saad ko kay Nate kaya tumango siya. Niligpit niya ang kanyang popcorn at inilagay ito sa kanyang jackpack. 

Sabay naming nilapitan si Yael at nagulat siya noong makita kami. 

"Bakit ngayon lang kayo?" tanong niya kaya nginitian namin siya. 

"Ah eh k-kasi najejebs si Ari kanina hehe" saad ni Nate at pilit na tumawa. Ang sama ng tingin ni Yael sa amin at sa tingin ko papatayin na niya kami ngayon. 

"Ano ba tong plano niyo ha? NABABLIW NA BA KAYO??" inis na tanong niya at binatukan si Nate sa ulo. Kinamot naman ni Nate ang kanyang ulo dahil sa sakit. 

Babatukan na sana niya ako kaya isinangga ko ang dalawang kamay ko sa aking ulo at napapikit ngunit laking gulat ko dahil wala akong maramdamang sakit. 

Binuksan ko ang aking mata at napansin kong niyakap ako ni Nate upang isangga ang kanyang sarili. Napangiti naman ako at bumilis ang tibok ng aking puso. 

Worlds [Time Traveler Series #3] ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon