Note: ang ibang scene sa page na ito ay nangyari sa island ni dr. hiroshi ng mapunta sina Blue, Ivory, Dew at First doon. (Nasa chapter yun ng Me and the Dark Knights) May kinalaman din ito sa pagkakainject ng antidote dievil drug kay First.***
First points of view:
Ang totoo ay noon ko pa alam na kapatid ko si Miracle at anak ako ng taong tinatawag kong babae ni dad.
Noon pa mang pinapahirapan ako ng madrasta ko ay alam kong totoo niya akong anak.
Una pa lang akong nakita ng tunay kong ina, pagkamuhi kaagad ang pinaramdam niya sa akin kaya nawalan din ako ng lakas ng loob na aminin ang totoo.
Nakakatawang isipin na hinayaan ko lang na pahirapan at saktan niya ako kahit pwedi ko namang sabihin sa kanya ang totoo pero mali ba ang maghangad na kusa niya akong makilala dahil mananaig pa rin ang lukso ng dugo namin bilang mag-ina?
Ngunit sa halip na lukso ng dugo ang maramdaman niya sa akin, galit at paninisi ang binigay niya.
Galit dahil sa pag-aakala niyang anak ako ng babaeng sumira ng pamilya niya. Binunton niya ang sisi sa akin sa nagawa ng nakagisnan kong ina at ang pagkamatay ng anak niya.
Labis ang pagpapahirap na pinaranas niya sa akin na tumumbas pa sa pagpapahirap ng kinilala kong ina noon.
Nakaramdam ulit ako ng takot. Gusto ko ulit magtago. Gusto ko ulit makawala. Natakot din ako na baka humantong ang pagpapahirap niya sa akin katulad ng nangyari sa amin ni Mama.
Aaminin kong naiinggit ako kay Miracle noon. Naiinggit ako kung paano siya pakitunguhan ni dad na hindi niya magawa sa akin. Naiinggit ako kung paano siya alagaan ng kanyang ina na ina ko din kahit pa mahigpit ito sa kanya.
Nainggit ako. Ginusto ko siyang mawala. Hiniling ko na sana siya na lang at hindi ako ang nakuha ni Mama noon. Ginusto kong maramdaman din niya ang paghihirap na dinanas ko. Ginusto ko ang lahat ng bagay na meron siya. Ginusto kong maging mabait katulad niya. Ginusto ko kung ano at kung sino siya. Kasinungalingan ang sinabi ko noong gusto niyang kunin kung anong meron ako dahil ako ang totoong may gustong kunin kung anong mayroon siya. Ako ang totoong masama sa amin at wala akong karapatan pa upang ipaalam pa sa kanyang magkapatid kami dahil sa masamang kagustuhan kong iyon.
Miracle h-help me..
Parang sirang plakang paulit-ulit na bumabalik sa ala-ala ko ang araw na iyon.
Ang araw kung kelan unang beses akong humingi ng tulong sa kanya ngunit tumalikod siya.
Tuluyan na akong sumuko sa buhay sa mga oras na iyon.
Ngunit kung kelan handa na akong mamatay sa mga sandaling iyon, siya namang pagdating ni dad. Nakaligtas ulit ako muli sa kamatayan.
Pinaalis niya ako. Pinasok niya ako sa mental hospital dahil iyon daw ang kailangan ko.
Nakawala ako sa pagpapahirap ng madrasta ko pero parang nakakabit pa rin ang kadenang patuloy na nagpapasakit ng buo kong pagkatao. Simula sa nakagisnan kong ina hanggang sa mga tunay kong pamilya. Lahat sila ay iisa lang ang gusto, ang patayin ako sa sakit at pagdurusa.
Inaamin kong ninais ko na lang na mag-isa. Ninais kong makalayo sa kanila dahil hindi ko na kaya. Ninais kong ibaon na lang sa limot ang katotohanang sarili ko pa ring pamilya ang patuloy na nagpapahirap sa akin.
Noon pa man alam ko na kung ano ang gusto ng nakagisnan kong ina. Niloloko ko na lang siguro ang sarili ko sa tuwing nagtatanong ako kung bakit nila ako pinapahirapan.
Gusto nilang maghigante. Gusto nila ng kabayaran at kamatayan ko ang kapalit ng lahat upang tuluyan na silang makuntento.
Si Mama gusto niyang maghigante sa namatay niyang anak noon. Ang madrasta ko naman ay ganoon din ang gusto para sa inakala niyang namatay niyang anak.
Minsan gusto ko na lang talagang matawa kung bakit ganito kamiserable ang buhay ko.
Minsan naiisip ko din na sana noon pa man ay namatay na ako.
Nang makalabas ako sa mental institution, ninais kong kalimutan ang lahat ng mapait na nangyari noon. Gumawa ako ng alaala sa utak ko at iyon ang pinili kong paniwalaan upang maisantabi ko lang ang katotohanang napatay ko si Mama noon.
Naghanap ako ng masisisi. Naghanap ako ng bagay na magsisilbing pantakip upang makalimutan ko ang masamang nagawa ko. Ginamit ko si Tork upang hanapin ang mga taong pwedi kong sisihin. Pinilit ko silang umamin sa kasalanang alam kong ako ang may gawa.
Alam kong napakasama kong tao. Napakaduwag ko sa naisip kong solusyon upang pansamantala lang akong makawala sa kadenang magiging dahilan ng tuluyan kong pagkawala sa sarili.
Nang mainject ako ng antidote dievel drug ng mapunta kaming apat nina Blue, Ivory at Dew sa isla ni Hiroshi, doon bumalik sa akin ulit ang lahat ng alaalang pilit kong binabaon sa limot.
Sumariwa sa akin ang lahat ng eksenang pilit kong tinatakpan. Ang bangungot ko kay Mama at sa totoo kong ina, ang pagkamatay ni Yaya Sally, at ang ginawa ko sa mga taong sinisi ko sa pagkamatay ni Mama.
Bumalik ako sa La Carlota dala ang libro ni Mama ng makuha ko iyon mula kay Yaya Nati. Isa akong baliw na pinaniwala ang sariling hindi ko alam kung ano ang nilalaman niyon dahil noon ko pa nabasa ang nakasulat doon.
Tunay akong baliw. At tanggap ko na mag-iisa na lang ako habambuhay.
***
Author's note: Medyo nahirapan ako sa page na ito. Hahhaha hindi ko masyadong na-express kung ano talaga ang gusto kong iparamdam sa page na ito. Hays balikan ko 'to kapag hindi na ako lutang. ✌️
night-firefly 💙
Please vote and leave your comments. Thank you.
BINABASA MO ANG
Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-
Teen FictionFirst Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in live #1 in Bookmark I'll carve the secrets between you and I. (From Fiction to Bookmark to MATVIP) Page Series 1: *First Villera, Clover...