First points of view:Mag-iisang minuto na siguro akong nakababad sa shower pero hindi ko pa rin nalinis ang utak ko. Nadagdagan pa nga iyon sa isiping baka tutuhanin nga ng impaktong iyon ang sinasabi niyang magpapakasal kami ngayon.
Jusmeyo.. bakit ba kasi ako pumayag?
Dahil nag-i love you too ka gaga.
No! Hindi eh..
Kasi nahawaan ka din ng pagkalasing niya.
No! Hindi pa rin eh.
Kasi sinaniban ka ng malanding kaluluwa kaya ka pumayag..
"Tangina naman First.. baliw ka na nga.. lalo ka pang naging baliw." himutok ko sa sarili ko.
Isang katok sa pintuan ng banyo ang gumising sa nababaliw kong utak. Automatiko pa akong napakagat sa labi ko sa pag-aakalang ang impakto na naman iyon.
"First.. are you done honey?" tanong ng babaeng pamilyar ang boses sa akin.
Mabilis ko namang kinuha ang tuwalyang nakasabit upang ilagay iyon sa katawan ko bago ko pa sinilip kung sino ang nasa labas ng pinto.
"Mom— tita?" gulat kong tawag kay tita Lovie na ina ni Clover. Matamis pa itong nakangiti habang tinitignan ako. Pansin ko pa ang pagbaba ng paningin niya sa katawan ko habang nanatili pa rin ang saya sa mukha niya.
"Oh, honey.. I'm sorry.. haha." natawa pa nitong sambit ng nakangiwi na akong nakatingin sa kanya.
"A-ano po ang ginagawa niyo dito tita?" medyo nahiya ko pang tanong sa kanya.
Nakangiti naman niya akong nilapitan at hinawakan sa braso ko upang igiya sa dressing room ko. Napatingin pa ako sa kanya ng mapansin kong nakahanda na ang damit na susuotin ko.
"Bagay na bagay yan sayo, hmm." natutuwa niya pang sambit na hindi ko na naman alam kung ngingiwian ko ba o pilit na lang na ngitian.
"Bakit po dress na white, hihi.." ngiwi ko ng tanong kay tita na ngayon ay ngumiti na naman na parang kinikilig siya sa naiisip niya.
"Alam mo bang ganito din kami dati ng daddy ni Clover.. omg.." kinikilig niyang sambit habang may inaalala siyang pangyayari sa buhay na sobra talaga siyang natutuwa.
"A-ano pong ganito?" usisa ko na naman sa kanya. Napangiti siya sa akin tsaka ako tinulungan sa pag-aayos ng susuotin kong damit.
"Like this.. hmm alam mo na.. nakwento na kasi sa akin ni Clover tsaka hindi naglilihim ang anak kong iyon sa akin. Hihi." napanganga ako sa sinabi niya. Jusmeyo mahabagin baka pati ang pag-ungol ko ay na-kwento ng impaktong iyon.
"He love you very much First.. he told me everything he feels for you.. kahit na nga ang simpleng bagay na nakikita at nagustuhan niya sayo ay sinasabi din niya. My Clover is snob to other people but for us na magulang niya, he's the most caring, loving and soft hearted person. .He cares for his love one more than his own self.. kaya sana mahalin mo din siya ng katumbas ng pagmamahal niya sayo. . You love him, right?"
"O-opo."
"Please give him what he deserve First, iha. I really love my son but he's now inlove with you. Sana iwasan niyong dalawa ang masaktan ang isa't isa., okay?"
"O-opo tita." tango ko ulit sa sinabi niya na ikinangiti niya naman sa akin ng matamis.
"Hay.. kinikilig talaga ako sa love life ng anak ko. Kelan niyo ba kami bibigyan ng apo?" halos mapaubo ako sa tinanong ni tita. "Sana pagkatapos ng handaang ito ay mapagbigyan niyo na ang hiling ko. Hihi.. baby girl sana.. pero okay lang din naman kung baby boy and much much better kung kambal na pala. Haha." dagdag niya pa. Nahimas ko ng wala sa sarili ang lalamunan ko. Parang bigla akong nauhaw dahil sa pinipigilan kong pagkasamid.
BINABASA MO ANG
Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-
Teen FictionFirst Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in live #1 in Bookmark I'll carve the secrets between you and I. (From Fiction to Bookmark to MATVIP) Page Series 1: *First Villera, Clover...