Part 81

85 9 0
                                    



Clover point of view:

I'm not jealous.. maybe a bit.. But yeah.. Nagseselos talaga ako. Tsk!

Ilang beses pa akong huminga ng malalim upang mawala lang ang selos na nararamdaman ng puso ko ngayon. He's a kid.. yeah.. Bata pa siya kaya hindi sila bagay ni First. Kami ni First ang para sa isa't isa and I know that she really loves me..

She loves me.

Bumalik muna ako sa unit ko upang magpalit na din ng suot. Kagabi pa akong nasa unit niya habang sinasamahan siya.

I'm worried about her.

Last night, naabutan ko pa ang ina at asawa nito sa loob ng unit niya. I don't know what they're doing pero nakita ko na lang na nakahiga si First sa sahig habang walang malay.

Mabilis ko siyang dinaluhan. Hindi ko na nga pinansin pa ang ina niyang nanatili lang na nakatingin sa amin.

"Hmm.. how sweet." sambit pa nito ng mabuhat ko na ang anak niya upang ilagay sa kwarto nito. Hindi ko man lang siya nakitaan ng kaunting malasakit para sa anak niyang walang malay.

"She will leave you soon Clover." natigil ako sa paghakbang dahil sa sinabi na naman niya. Napatitig pa ako sa pagngisi niya sa akin. She's not what she was when she's on my unit. Ngayon ko napagtanto kung bakit natatakot si First sa kanya. She have this kind of aura na kakabahan ka na kahit wala pa man siyang ginagawa.

"Be sure na makakapunta ka sa engagement party ninyo sa birthday ko, okay? It will be the last day that you will see her.. hmm.." patuloy pa nitong sambit.

"W-why?" tanong ko naman.

"Hmm?" paglilinaw pa niya sa naging tanong ko.

"Why your doing this to her.. She's your daughter.. She value you as her mother kahit pa hindi ka niya talaga tunay na ina.. I know she's scared towards you but I also knew that she loves you.. dahil kung hindi ka niya mahal, hinding-hindi niya babanggitin ang pangalan mo sa tuwing naaabutan ko siyang nanaginip habang umiiyak siya.. she will not call your name kung hindi ka niya kailangan.. Bakit ba hindi niyo siya kayang mahalin?" mahabang sabi ko na pansin kong nagpatigil sa kanya ng ilang segundo.

"Because I hate her Clover." mariin niyang bigkas. Kita ko sa emosyon niyang totoo talagang galit siya dito.

"But she loves you." sambit ko taliwas sa sinabi niya.

"No!" madiin pa rin niyang pagtutol. Napailing ako sa kanya.

"She only wants to be love by you."

"Shut up!" pigil niya sa akin. Seryoso akong napatitig sa kanya bago ulit nagsalita.

"Hindi niyo ba naiisip kung bakit hindi niya sinabi sa tunay niyang ina ang katotohanan sa pagkatao niya?" sambit ko. Kumunot naman ang kilay niya.

"What you're talking about?"

"Because she only wants you to be her mother.. I don't know what she's thinking.. pero alam kong ikaw ang kailangan niya higit pa sa tunay niyang ina." either it's true or not. Kailangan kong guluhin ang utak niya. Besides, iyon ang pinaniniwalaan ko. Nang maamin ni First ang totoo ng gabing iyon, ramdam kong kahit may galit man siya sa ina niya, hindi niya pa rin tuluyang nakakalimutan ang pagmamahal dito. Na kahit taliwas man iyon sa nararamdaman ng kinilala niyang ina.

"Sa tingin mo ba ay paniniwalaan ko ang sinasabi mo?" sarkastiko pa siyang napangisi sa sinabi ko ngunit kaagad ko lang na tinanguan ang tanong niya.

"Yes.. and I'm hoping that you believe it." sambit ko pa na nagpailing lang sa kanya.

"Pwes! Hindi ako naniniwala!" singhal niya. Nanggigil pa siyang bumaling ng tingin kay First bago iyon ibalik sa akin. "Tsk! Tsk! Katulad ka talaga ng ama mong may matatamis na dila."  naiiling niyang sambit. "Alam mo bang I was the subject of your father before? ..Katulad ng pag-ukit mo sa larawan ni First.. bago pa ang ina mo ay ako ang minahal ng ama mo!" madiin niyang dagdag.

Kaya ba nasabi niya kanina habang nasa condo ko siya na manang-mana ako kay Dad dahil minahal ko din ang anak niya katulad ng pagmamahal ni dad sa kanya noon? How about Mom? Alam niya ba ang tungkol sa bagay na ito?

"Your mother betrayed me before Clover.. my bestfriend betrayed me before.." sambit pa niya na hindi ko alam kung totoo ba ang mga sinasabi niya ngayon. "..but that's okay now.. past is past.. we all need to move on, right?" nakangiti pa niyang dagdag.

Tumayo siya sa pagkakaupo maging ang asawa nito.

"Take good care of her, okay?" baling niya pa sa akin bago pa sila nagdire-diretsong lumabas ng pintuan.

Halos maiwan akong tulala. Nang balingan ko ng tingin ang tulog na hitsura ni First ay tsaka lang ulit bumalik ang sarili ko.

I still can't believe what she have said. Mula pagkabata ko ay hindi ko nakitaan ng problema ang mga magulang ko.. ni ang tungkol sa sinabi ng ina ni First ay hindi kailanman nababanggit ng mga magulang ko. Did she want to fool me upang mawala lang sa kanya ang usapan?

Pinasok ko na si First sa kwarto niya upang doon na ihiga. Ramdam kong habang patagal ng patagal ko siyang nahahawakan ay lalo lang umiinit ang temperatura ng katawan niya? What happened? Ano bang ginawa ng ina niya sa kanya?

"Hey.." pilit ko pa siyang ginigising upang magawa kong itanong kung anong nararamdaman niya. Alam kong nahihirapan siya pero hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon.

I touch her forehead, even her neck ay sobrang init na pwede ng mapaso ang balat ko kapag ididikit ko pa sa kanya iyon ng matagal. Alam kong hindi lang iyon basta lagnat pero ang nakakapagtaka, wala naman siyang masamang nararamdaman kanina habang nasa condo ko siya. Did her mother really done something to her?

Bigla na lang siyang gumalaw. She want to stand up at mabuti na lang napigilan ko pa siya. She tried reaching something invicible kaya ako na ang kumuha sa kamay niya upang tigilan lang niya ang pag-abot sa kung ano.

"First," i tried to call her name hoping that she would hear but she's still asleep.

"It's h-hot." nahihirapan niyang sabi habang sinusubukan ng tanggalin ang mga damit niya.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya kaya mabilis ko siyang kinumutan.

"It's h-hot.. p-please . ." lalo lang siyang nahirapan sa paglagay ko ng kumot sa kanya kaya tinanggal ko din iyon.

I search for my phone to call someone na posibleng may alam kung anong gagawin sa taong sobrang init ang katawan. Ilang beses pang nag-ring bago niya iyon sinagot.

"Hey Acid.. w-what should I do.. I mean. . Ano ang gagawin kapag may lagnat ang isang tao?" kaagad kong tanong sa kanya. Narinig ko pa ang paghikab niya sa kabilang linya bago pa pabulong na nagsalita.

"It's still midnight dude. I'm sleepy." angal pa niya. Napalingon naman ako kay First ng subukan na naman niyang hubarin ang damit niya.

"Fuck!" mahina ko pang mura. Napaiwas ako ng tingin doon.. Hindi ko naman first time na nakita iyon pero.. shit!

"Just answer me Acid!" singhal ko pa sa kanya sa kabilang linya.

"Punasan mo ng basang bimpo ang katawan kapag mataas ang lagnat.."

"And then?"

"Medicine."

"Then?"

"Let that person rest.. let me rest too."

"Tsk. alright.. thank you."

"But wait.. sino ba ang may lag— .." hindi ko na pinatapos ang tanong niya at pinatay ko na ang telepono ko.

I rush to the bathroom and look for a small towel and a basin. Mabilis din akong bumalik upang mapunasan din siya kaagad.. But to my surprise.. -tuluyan na talaga niyang nahubad ang lahat ng suot niya.

***

Author's Note: Jusmeyo Clover.. kinakabahan ako sayo. Huwag na nating ituloy ang pagki-kwento mo pa sa ibang nangyari. Ahahahahahha 😂

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Thank you.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon