Part 85

82 10 0
                                    


First points of view:

Nagising ako sa isang madilim na paligid. Kinurap-kurap ko pa ang mata ko upang masanay man lang ang mata ko sa kadiliman.

"First." rinig kong banggit ng isang babae sa tabi ko. Pabulong lang iyon kaya hindi ko makilala kung sino. Hindi ko rin siya nakikita kaya hindi ko alam kung nasaan siya.

"Nasaan ako? Bakit sobrang dilim." nagtataka ko pang tanong sa babaeng iyon. Pinipilit ko pa ring makakita pero wala talaga akong maaninag.

"First.. ako 'to si Miracle.." rinig ko ring sambit niya ulit.

"Miracle?" banggit ko naman sa sinabi niyang pangalan habang iniisip kung sino ang taong sinasabi niya.

"First?" banggit na naman niya sa pangalang hindi ko maalala kung sino.

"What happened? Bakit parang hindi mo na ako kilala?" tunog nagtataka niyang saad na tuluyan ng nagpakunot ng kilay ko. Pinilit kong alalahanin ang tungkol sa sinasabi niya pero biglang sumakit ang ulo ko na parang mabibiyak na ito.

"Ahhhhhhh!!!" nasasaktan kong sigaw. Napahawak pa ako sa ulo ko na parang mawawala ang sakit niyon kapag hinawakan ko. Nagpakurap-kurap ako. Unti-unting nabibigyan ng liwanag ang kadilimang nakikita ko kanina ngunit malabo pa rin iyon. Ibig sabihin ay maliwanag talaga ang lugar na ito. Lalo lang sumasakit ang ulo ko sa tuwing pinipilit kong aninagin ang liwanag na namumuo na sa paningin ko. Ngunit bigla na naman iyong naglaho.

Napatigil ako sa paggalaw. Pilit ko na namang hinahagilap ang kakaunting liwanag na nakita ko kanina. Bumalik ang purong kadiliman sa paningin ko na lalong nagbigay ng takot sa akin.

"I .. I c-can't see!" natatakot kong sambit. Pinilit kong kumapa sa paligid ko upang may mahawakan lang ako.

"First.. h-hey I'm here." sambit ng babaeng nagpakilalang Miracle sa akin habang hawak na niya ang kamay ko.

"W-who is First?" naguguluhan kong tanong sa kanya na ikinahawak ko ulit sa ulo ko. Bakit wala akong maalala?

"I-ikaw.. ikaw si First.. ang— ang kapatid ko." pansin ko ang pagkabasag ng boses niya ng sabihin niya iyon at naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa akin na lalo ko lang na ikinagulat.

"K-kapatid?" di makapaniwala ko pang sambit sa kanya. Bakit hindi ko maalala iyon?

"First.. ako 'to si Miracle.. you used to call me Suzie before.. b-bakit hindi mo na ako maalala? What happened to you? Bakit pati pangalan mo ay hindi mo na alam?" umiiyak niyang sambit na ramdam ko ang pag-aalala niya habang mahigpit niya pa rin akong niyayakap.

"I.. I don't know.. I'm scared.. I still c-can't see.. W-wala akong maalala.. natatakot ako.. p-please.. please help me." mahina kong paghingi ng tulong sa kanya na ramdam kong lalo niyang ikinahigpit ng yakap sa akin.

"I'm so sorry.. I'm sorry dahil nangyari ang bagay na ito sayo ngayon.. Hindi man lang kita kayang protektahan.. I'm so sorry First." nagsisisi niyang sambit na hindi ko alam kung bakit nasasaktan ang puso ko ngayon kahit pa wala akong maalala.

"Miracle." muli kong tawag sa kanya habang ramdam ko ang pangingilid ng luha ko kahit wala pa rin akong makita ngayon.

Bakit kumikirot ang puso ko ng ganito?

"Ahhhhhhhhhhh!!!!!"

Muling sumakit ang ulo ko. Napabitaw pa ako ng yakap sa kanya habang hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Wala akong makita ni kaunting liwanag. Gusto kong iuntog ang ulo ko sa kahit anong bagay upang mawala lang ang sakit nito.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon