Page 84

92 10 3
                                    



First points of view:

Dalawang oras ang nakaraan ng marating namin ang La Carlota. Sobrang bilis magpatakbo ng sasakyan si Ivory kaya ang normal na apat na oras na byahe ay naging dalawa na lang.

Hindi pa rin nawawala ang pag-aalala ko kay Tork. Sumasagi din sa isip ko ang mga posibilidad na maaaring gawin ni mommy sa kanya habang hindi pa namin siya naliligtas.
Tahimik na lang akong nananalangin na sana ligtas siya. Na sana hindi pa huli ang lahat.

Napag-usapan pa namin kanina ang gagawin namin. We first need to study the place before anything else. Kahit kabisado ko na ang dating tinitirhan ko, sigurado akong marami ng tauhan ni mommy ang nakabantay sa lugar na iyon.

Ilang distansya na lang ang layo namin sa mansyon. Katulad nga ng hinala ko kanina, napapaligiran na nga ito ng mga armadong lalake.

I remembered the secret path way which I made when I was young kaya nasabi ko sa kanila na doon kami dadaan.

It was the garden.. Doon din kami unang nagkita ni Craig noong mga bata pa kami.

I lead them the way. Tahimik naming pinasok ang mansyon papunta sa kwarto ko. Balak naming dumaan sa bintana niyon upang makapasok kami.

"Be careful." bulong ni Blue sa akin ng muntikan na akong makita ng tauhan ni mama.

Napahinga naman ako ng malalim, kung hindi niya ako napigilang gumalaw ay nakita na sana kami ng lalakeng iyon.

"What do we do next?" rinig kong tanong ni Dew.

Nagpalingon-lingon si Blue at Ivory sa paligid. At nang masiguro na nilang walang bantay ay tsaka na nila sinenyas sa akin ang pag-akyat sa bintana papasok sa kwarto ko.

Nauna akong pumasok.. kasunod si Blue, Ivory at panghuli si Dew.

Malalim pa akong humugot ng hininga ng mapagmasdan ko na ang paligid ng silid ko. Ayokong alalahanin ang mga bagay na nangyari dito noon. Ayokong makaapekto iyon sa plano naming pagligtas kay Tork.

"Naiisip mo ba kung saan posibleng kinulong ng ina mo si Tork?" tanong ni Ivory sa akin. Seryoso akong nag-isip kung saan banda nitong mansyon ang pweding paglagyan niya kay Tork.

"Maybe sa may attic nitong mansyon." sagot ko.

"Attic? Ilang palapag ba itong bahay niyo?" usisa ni Dew.

"Tatlo.. pagkatapos non ay attic na." sagot ko.

"How sure you are First na doon niya kinulong si Tork?" si Blue na ang nagtanong.

Napayuko ako sa tanong niyang iyon bago siya sinagot.

"Dahil doon din ako kinukulong ni Mommy noon." sagot ko na ramdam kong ikinatahimik nilang tatlo.

"Let's wait for the right time.. kapag wala ng gaanong bantay ay aakyat tayo sa lugar na iyon." sambit ni Blue kalaunan.

"Today is your mom's birthday First.. Ihanda mo na ang sarili mo sa gagawin niyang plano." bilin naman ni Ivory sa akin.

"And it's also your engagement party with Clover.. tsk.. hindi ka na single girl." iling pa nito.. "..parehas na parehas kayo ni Blue.. 'yan jowa pa!" dagdag pa niya na parehas naming inilingan ni Blue.

Mas nauna pang ma-engage sina Blue at Mikael kaysa sa akin kaya siguro inggit na inggit ang Devil na ito.

"Yan, ang dami kasing pwedeng gustuhin.. pinsan mo pa ang nais mo." balik ko namang pang-asar sa kanya na ikinalukot ng mukha niya.

"Hindi kami magpinsan!" singhal pa niya na ikinaikot ng mata ni Ivory.

"Stop it, will you? Maririnig na tayo ng mga kalaban oh." bored pa niyang sambit sa amin ni Dew.

Hinarap naman namin siya at love life na din sana niya ang sasabihin namin pero sabay na lang kaming napatakip ni Dew ng bibig ng umaksyon na siyang mananabunot. Tsk! Ayaw niya pang mapag-usapan eh may-ari naman ng club ang may gusto sa kanya, pati nga dalawang apo ng paaralang pinag-aaralan niya ay nabihag din ng pagkatamad niya. Tsk!

Nang umalis ang bantay upang pumunta siguro sa banyo ay sinimulan na namin ang pag-akyat papunta sa attic.

Mabilis kaming dumaan sa hagdan paakyat sa ikatlong palapag. Ngunit bumulaga sa amin ang dalawang bantay na nakaupo lang pala sa gilid ng pintuan. Mabilis na sinikmuraan nina Ivory at Dew ang dalawa na bago pa man nito matutok ang dala nilang baril sa amin ay nawalan na sila ng malay.

"Kingena! Muntik na tayo don." mura ni Blue.

Paakyat na sana ulit kami sa panghuling hagdan papunta sa attic ngunit biglang bumukas ang pintuan ng kwartong kaharap lang namin at nakangiting pagmumukha ni mama ang sumalubong sa amin.

"Welcome home First." nakangiting sabi pa nito sa akin.. "..it's gonna be my best birthday.. thank you for coming honey.. and thank you for taking your friends with you.. —the carrier."

Masaya pa niyang nilibot ang paningin niya sa aming apat bago pa man niya pinindot ang manipulation control na hindi namin pansing hawak-hawak niya na pala sa simula pa lang.

"M-mom please.. not my friends." nahihirapan ko pang pakiusap sa kanya na nginisian lang niya.

Bumulagta ako sa sahig ganun din ang mga kasama ko. Tulad ko ay nahihirapan din sila ngayon dahil sa ginawa ni mommy. Di ko mapigilang huwag tumulo ang luha ko dahil sa pag-aalala para sa kanila. Hindi namin ito napaghandaan. Inaamin kong kulang ang naging plano namin ngayon kaya naisahan kami ni mommy.

"Don't worry First.. maya-maya lang ay makakasama mo na ang kapatid mo." rinig ko pang sambit niya bago pa man ako mawalan ng malay.

Miracle..

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Thank you.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon