Page 23

279 71 195
                                    


dedicated to: Psycholexx  and archer_marcher

shaneblessangus
—-please visit thier stories too guys. Thank you.

**********

First pov;

Ito ang araw ng paghuhukom—ay este ang performance day. Puspusan pa ang pag-eensayo namin sa nagdaang mga araw. Nagpunta pa kami sa bahay ni Race para makakuha talaga kami ng magandang ideya para sa acapella namin. May lahing performer daw ang mga magulang nito kaya matutulungan nila kami sa gagawing performance. Sobra naman atang paghahanda ang ginagawa naming ito. Lumalakas tuloy ang pakiramdam kong magiging una at huling apak ko na ito sa entablado.

Nakakakilabot!

Yesterday.....

Kasalukuyan akong naglilinis sa gym dahil na din syempre sa community service na punishment ko. Kasama ko ngayon ang mga kaibigan kong sina Ash, Butter at Jelly na imbes na tulungan ako, puro pa-cute naman ang ginagawa nila sa mga players na naglalaro sa court.

"Ay shit! Tumingin siya! Nagka-eye contact kami. Ayiiiiieeeee!!" may kalakasang tili ni Jelly, hinahawi niya pa paipit ang imaginary hair niya sa tenga.

"Sa akin siya tumingin, Gaga! Tumayo nga balahibo ko sa kilig! Ayiieieeee!!!" utas ni Ash habang finlip ang hair sa likod. Kinilabutan siguro siya. Tumayo ang balahibo daw eh.

"Oppa!" tanging kinikilig na sigaw ni Butter. Oppa—-kan ko kaya ang mga ito, mga walang kwentang kasama eh. Hindi man lang magawang tumulong.

"First tapos ka na? Bagalan mo naman gusto ko pang makita yung ideal man ko!" si Jelly pa rin na hindi na hair ang iniimagine pati na lalake. Ideal man? Ano bang gusto niya sa isang lalake? Gwapo, hot, mabait, matalino? Loyal? —tss! Mas maganda pa rin ang ideal man ko, chef! Hihi.

Inikutan ko lang siya ng mata at patuloy na pinupulot ang mga boteng nakakalat sa mga bleachers. Mga walang manners ang nag-iwan ng mga boteng ito dito. Hindi man lang matapon-tapon sa basurahan ang kalat nila.

"Bakit kaya mas cool ang mga basketball player kaysa sa ibang player?" nakangiting sambit ni Jelly habang tumitingin pa rin sa court. Gusto ko siyang sagutin dahil mas cool ang humampas ng bola kaysa mag-shoot pero naisip ko kung anong pinaglalaban ko kung sasagutin ko siya kaya hinayaan ko na siya sa iniisip niya! -kung makatili naman siya sa mga impaktong player ng Volleyball . —Wagas!

"First! Andito ka lang pala!" sigaw ni Mickey mula sa pintuan ng gym. Putspa sumigaw! Mukhang nabulabog tuloy ang mga studyanteng nandito sa gym.

"Oh my God si Mickey!" natatarantang pa-cute ng mga kaibigan ko.

"Hi Acid." si Butter ang bumati.

"Hello Krys." si Jelly naman na siyang nagsabing mas cool ang mga basketball player. Ang bilis atang umikot ng bola. Mas gusto na ata niya ngayon ang hampasan.

"Hi girls." Sabay-sabay na bati ng tatlo. "Susunduin lang namin si First. May rehearsal kasi kami." Pagpapaalam ni Acid sa mga kaibigan ko.

"Rehearsal?" nagtatakang tanong ni Butter. "Ano yun, kanta o sayaw?"

"Acapella..Wala ba kayong ganon sa music?" baling ko sa kanila.

"Meron. Pero hindi naman kami sumali. Pwedi daw audience na lang 'yung mga walang talent sa singing." sagot niya. Buti pa sila. "May talent ka ba don?" dagdag pa niya.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon