Page 62

112 13 1
                                    


Clover points of view:

"Dude, ano bang nangyari?" nagtatakang tanong ni Acid ng ilang minuto na ang nagdaan mula ng umalis si First.

Nanatiling nakakuyom ang kamao ko habang nakatitig pa rin sa dinaanan ng sasakyang sinakyan nila ng mga kaibigan niya.

Sobrang naguguluhan ang isip ko dahil sa biglaang nangyari. Lalo pa akong naguluhan sa nakita kong reaksyon ni First kanina habang sinasabi ni Sage ang mga bagay tungkol sa pagkamatay ng ina niya maging ang Mama ni First. Para kasing inaasahan na ni First na mangyayari ang nangyari kanina kaya parang wala na sa kanya kung malaman man namin ang mga bagay na ikakagulat namin.

"Clover?" patanong ulit na tawag ni Acid sa akin ngunit hindi ko pa rin siya sinagot, sa halip ay mabilis akong bumalik sa pool kung nasaan ang babaeng may kinalaman sa pag-alis niya.

"Hey dude! Where are you going?" tanong pa nila habang maingay na nakasunod din sa akin.

Mabilis kong tinungo ang pool. Naabutan ko pang tulala ang batang pabibo habang nagtatalo pa rin si Jelly at ang kapatid niyang si Sage tungkol sa sinabi nito.

"Ate stop it please. Wala tayong ebidensya na si First ang pumatay kay Mama noon." umiiyak na sambit ni Jelly sa kapatid niya na saktong naabutan ng mga kaibigan ko.

"What?!" nagtatakang sambit pa ni Craig sa tabi ko. Inabot pa niya ang balikat ko upang bumaling lang ako ng tingin sa kanya. "What did they say? Anong kinalaman ni First?" patuloy niya pa ring tanong na hindi ko pa rin magawang sagutin.

Napatingin ako sa ibang mga babaeng nandito na tulala pa rin hanggang ngayon maging si Tork na hawak-hawak pa ng kapatid niya.

"What the hell?" gulat at pabulong na sambit ni Acid maging ang iba naming kasama dahil sa narinig nila.

Patuloy naman sa pagtatalo sina Jelly at Sage kaya napunta na naman sa kanila ang atensyon namin.

"What? Gusto mo pa rin bang ipagtanggol ang baliw na babaeng iyon kahit ako na mismo ang nagsasabi sayo ng katotohanan? Hustisya para kay Mama ang gusto ko Jel! Huwag mo namang kalimutan iyon dahil lang sa kaibigan mo ang taong siyang pumatay sa kanya!" galit na saad ni Sage kay Jelly bago bumaling ng tingin sa amin.

"What are you talking about?!" pagalit na tanong ni Craig kay Sage na marahil hindi nagustuhan ang narinig niya mula dito.

Kumunot muna ang noo ni Sage na bumaling sa kanya ng tingin bago ito muling nagsalita.
"First is a murderer! She's a mental patient! She killed her own mother at siya rin ang pumatay sa ina namin!" muli na naman niyang pahayag na lalong ikinagulat ng mga kasama ko.

"No!" madiing saad ni Craig sa sinabi niya ngunit nginisian niya lang ito bago bumaling sa akin ng tingin.

"Bakit hindi mo sabihin sa kanila ang totoo Mr. Dominguez? She admitted it to you, right?" seryosong sambit nito sa akin na inilingan ko lang.

"H-how? Why? I- I- can't believe what you said. It's not true,right?" naguguluhang sambit ni Craig na hindi makapaniwalang tumingin sa akin.

"Clover?" patuloy pa ring tanong ni Craig sa akin na inilingan ko lang kaya galit namang bumaling si Sage sa akin.

"Hindi pa ba sapat ang pag-amin niya sayo, huh?!" galit nitong saad.

I just can't believe what she said. I don't know too kung ano ang una kong paniwalaan sa mga oras na ito. Ang pag-amin ba ni First o ang sinabi ng kaibigan niya na inaamin kong ito ang mas pinipili kong pinaniwalaan ngayon.

I still hope na nagsisinungaling lang si First. I still hope na tama ang sinabi ng kaibigan niya.  Yeah, I know may iba kay First at kaunting naliwanagan iyon ng mabanggit ni Sage na galing siya sa mental institution. But I know and still believe na hindi niya kayang pumatay ng tao dahil kung masama ang pagkakakilala ng iba sa kanya, mabuti naman ang nakikita ko sa kanya sa tuwing magkasama kaming dalawa.



***

First points of view:

"What's your plan?" tanong ni Blue sa akin.

Napatingala ako sa langit katulad ng ginagawa niya din ngayon. Kaming dalawa lang ang andito sa likurang harden ng bahay niya dahil nagpapahinga na sina Dew at Ivory sa loob.

Nagbuntong hininga pa muna ako bago magsalita.

"Ano bang magandang plano?" balik ko ding tanong sa kanya.

Nanatili lang ang pagtitig niya sa mga maliit na bituin sa langit. Rinig ko din ang pagbuntong hininga niya. Ilang segundong naghari ang katahimikan sa aming dalawa bago siya ulit nagsalita.

"They're still alive.. I mean your Mom.," sandali siyang nagbaling ng tingin sa akin bago ulit ibalik ang paningin sa langit.

Tahimik naman akong napangiti ng mapait dahil sa sinabi niya.

"Yeah.. you're right.. buhay pa nga sila." mapait kong sambit. Mahina pa akong natawa bago dagdagan ang sinabi ko. "..pero alam mo 'yung nakakatawa? . . they both want to torture me. . they both want me to die." mapait akong napalunok sa masakit na katotohanan. "..buti ka pa nga Blue, kahit maagang napunta sa langit ang ina mo, alam kong minahal ka ng Mama mo."

"Maybe, minahal ka din ng Mama mo sa maling paraan." sambit naman niya na inilingan ko lang.

"Nang ma-inject ako ng antidote drug nung nasa isla tayo ni Dr. Hiroshi, doon bumalik ang lahat sa akin. Lahat ng alaalang pinilit kong binaon sa limot noon at kasama na doon ang katotohanang hindi talaga ako minahal ng nakagisnan kong ina. Ginamit niya lang ako upang paghigantihan ang mga taong nanakit sa kanya at iyon nga ang tunay kong mga magulang."

Malalim akong napahugot ng hininga bago sinserong tumingin sa kanya na ngayon ay nakatitig na din sa akin.

"Sorry Blue kung nagpanggap man ako sa inyo noon. Sorry kung nagsinungaling ako. Natakot kasi ako na baka husgahan niyo ako. Inaamin kong natuwa talaga ako 'nung mga araw na pinakilala ako ni Dew sa inyo ni Ivory. Kailangan ko ng masasandalan noon, ng mga kaibigan kaya salamat din dahil tinanggap niyo ko ng walang halong pilit."

"Hmm." napalingon naman ako sa biglang tumikhim sa likuran ko. "..medyo napilitan ako, to be honest." malditang sambit pa ni Ivory bago tumabi sa akin ng upo.

"Tsk." tanging reaksyon lang ni Blue at umusog na din ng pagkakaupo dahil tumabi din sa kanya ng upo si Dew na umiikot pa ang mata sa akin.

"Humingi ka din ng tawad sa akin gaga ka!" ismid ni Dew sa akin. "Alam mo? Dapat nanatili ka pa sa mental hospital, mga limang taon pa siguro ang kailangan para tuluyan ka ng maging normal." mahaba pa niyang dagdag na nginisian ko lang.

"Kung ako limang taon, sampung taon naman ang sayo Dew." balik ko sa kanya na inungusan lang niya. Nagsinungaling ako pero hindi lang ako ang baliw dito.

"Tsk! Nakaisip ka na ba ng gagawin mo?" tanong naman ni Ivory sa akin na inilingan ko lang.

"Out of the country ang work ni Dad ngayon kaya hindi ko din siya makakausap ng matino." buntong hininga kong sagot sa kanya.

"Call him.." sambit naman ni Blue na ikinatingin ko na lang sa mga bituin. Hindi ko kasi alam kung paano ko tatanungin si Dad. Dahil kung totoo mang alam niyang buhay pa si Mama, anong dahilan niya kung bakit sinabi niya sa aking patay na ito? Gusto lang ba niyang pahirapan ako? Gusto ba niyang magdusa ako at makonsensya sa kasalanang hindi naman pala totoo?


***

Author's Note: Pasensya matagal ang update. Nag-umpisa na kasi ang online class kaya medyo busy na.


night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon