Page 16

290 91 157
                                    


Clover pov:

"Where are you?" I texted her.

"Home."—First replied..

"Where? Sa unit mo?". tanong ko ulit.

"No!".. —reply ulit niya..

Ang tipid naman nitong magreply..

"Saan ka nga?!" 😒 —text ko with emoji! naiinis ako sa tipid niyang magreply.

"Home." 😏 —reply niya with an smirking emoji.. nang-iinis siya.

"Tsk!" 😑. —tipid kong reply..

Akala ko pa naman nasa unit siya yayain ko sana siyang magmukbang.. —ay kumain pala.

Tumunog ulit ang phone ko at tamad kong binuksan ang mensahe nito.

"Help!" 😞napaayos ako sa pagkakaupo ko at kaagad siyang tinawagan. May load naman pala ako nagpakahirap pa akong magtext sa kanya..

"Why? What happen?" tuloy-tuloy kong tanong sa kanya na tinawanan lang niya ng bahagya. Niloloko lang ba niya ako sa help niya?

"Wala kasi akong maisip!" —sagot niya sa kabilang linya. Hindi ko alam sa babaeng ito kung normal lang talaga sa kanya ang walang maisip. Ganoon din kasi ang sinabi niya noong naabutan ko siyang tulalang nakaupo sa sofa niya.

Ano kayang laman ng utak niya kung wala siyang naiisip?

"Tsk! Kumain ka para may maisip ka.. Doon ka magaling diba?" suhestiyon ko..

"Good idea! Hihi.. wanna come?" —tanong niya..

"Yeah.. Sa mall na lang tayo magkita gutom na din ako.." aayain ko naman kasi talaga siya kaya tinext ko siya. Siya kasi ang naiisip ko ngayong mga nagdaang araw kapag naaalala ko ang pagkain..

She always have the appetite! Gusto ko tuloy magmukbang.

"Tss! Patay-gutom.. bye!"

Hindi ko man lang nasagot ang sinabi niya. Patay-gutom? —nagsalita ang hindi!

Kaagad na akong nagbihis at mabilis na umalis ng unit ko.. Gusto ko na din naman siyang makita kaya kaagad na akong pumayag sa alok niya..

Sa isang mall kami dito sa city nagkita. Akala ko magcocommute siya but she's driving her car.

"Woahhh!"bungad ko sa kanya habang tinitignan ang sasakyan niya. A top down Ferrari.. ngayon ko lang siya nakitang nagmaneho ng sasakyan..

"Ganda ba?" may pagmamalaki niyang tanong kaya tumango ako.

Ngunit sa pagtango kong iyon ay napangisi siya.

"Ako? ..hihi! Thank you!" dagdag niya. Napailing na lang ako sa kanya. Lakas ata ng trip niya ngayon.

Pumasok na kami sa isang buffet restaurant at kaagad na pumili ng pagkain. Natuloy nga ang mukbang na iniisip ko kanina dahil pinili niyang dito kami kumain.. Eat all you can!

Sabay kaming kumuha ng pagkain at napapatingin ako sa plato niya dahil kaunti lang ang laman nito. —Kaunti na lang at mapupuno na ang laman nito. Napapailing na lang ako sa katakawan niya. Dapat ata siya ang tawaging patay-gutom sa aming dalawa.

"Kumuha ka pa, huwag kang mahiya.." ani First.

Umiling lang ulit ako at napanguso naman siya sa harap ko. Ang cute niya tignan.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon