Page 31

198 48 83
                                    



Ivory POV; (special cameo ito ni Ivory)

(Kelangan kong hiramin si Ivory dahil may kinalaman siya sa buhay ni First)

Skl: Ivory Villafuerte is from my onhold story (Lost in the wild)

————————-

"What's your name?" tanong sa akin ng batang kaibigan ni First. Tahimik ko lang siyang binalingan ng tingin at tinuon ulit ang paningin sa daan.

"Ivory." tipid kong sagot sa kanya. Hindi talaga ako masalitang tao. In other words— tamad talaga akong magsalita. Tamad din akong makisalamuha sa iba kaya iilan lang ang nagiging kaibigan ko.

Kung si First at Dew ay may pagkabaliw.. ako naman ay tamad.

Ilang minuto siyang nanatiling tahimik bago ulit nagsalita.

"I'm worried about her." sambit nito patungkol kay First. "She's acting weird earlier." dagdag pa nito.

Inatake na naman marahil ng pagkabaliw ang babaeng iyon kaya nagtaka ang batang ito.

I know First. She's crazy kapag hindi na napipigilan ang galit niya at magkatulad lang sila ng iba ko pang kaibigan.

"Don't worry her too much Tork. She can handle herself." napatingin lang ito sa sinabi ko at maya-maya ay nag-iwas din ng tingin. Ang ilap talaga ng batang ito sa ibang tao at tanging pamilya lang niya at si First ang nakakapag paamo dito.

"How did you know me?" malamig nitong muling tanong sa akin. Nakalimutan ko, genius pala ang batang ito at masyadong mausisa.

"First told me about you." tipid kong sagot na lang sa kanya kahit ang totoo ay nakilala ko talaga siya dahil madalas kong nadedetect ang ginagawa niyang panghahack sa mga pribadong database na naglalaman ng impormasyong gustong mahanap ni First noon tungkol sa mga taong umano'y pumatay sa ina niya.

"Please go to her again. I know she's not okay right now." pakiusap na naman niya kaya napailing na lang ako dito. Masyado siyang nag-aalala sa baliw na babaeng iyon.

Nang hindi niya makuha ang sagot ko ay muli na naman niya akong hinarap kaya napatango na lang ako sa kanya.

Matapos ko siyang ihatid sa bahay nila, mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko pabalik ng condo unit ni First ngunit wala na siya doon ng dumating ako. Paalis na sana ako ng may babaeng pumasok sa unit niya kaya mabilis akong nagtago sa likod ng malaking estante.

Mabilis nitong nilinis ang unit ni First. Ilang oras din akong nagtago upang hindi niya lang ako makita. Napangiti pa ito ng matapos niyang linisin ang lahat ng kalat at pansin kong may tinititigan siyang bagay kaya bahagya akong sumilip sa kinaroroonan niya at kita kong tumaas ang gilid ng labi niya habang hawak-hawak ang isang libro.

Weird. Who is she?

Ilang minuto itong nakatingin sa hawak nitong libro bago ito ilapag sa maliit na lamesa at nagdesisyong lumabas na sa loob ng unit ni First.

Ilang minuto din muna ang hinintay ko bago lumabas sa pinagtaguan ko. Mabilis akong lumapit sa librong hawak ng babae kanina ng masiguro kong nakaalis na talaga siya ngunit nagdalawang-isip akong buksan ito.

Napanganga ako ng mabasa ang nilalaman ng libro. Binasa ko pa ang mga nakasulat dito at alam kong may kinalaman ito sa totoong pagkatao ni First. Bawat bookmark na nakaipit sa ilang pahina ay naglalaman ng bahagi ng buhay ni First at alam kong ito ang dahilan ng pagwawala ni First kanina at alam ko ding hindi niya pa nababasa ang lahat ng nilalaman ng librong ito dahil sa reaksyon niya kanina.—-

Dahil kapag nalaman na niya ang lahat ng ito   alam kong higit siyang masasaktan at baka sa mga sandaling iyon hindi na niya makayanan ang lahat. —-baka magbigti na talaga ang babaeng iyon.

Matapos kong basahin ang libro niya, napagdesisyonan kong itago ang librong ito.

Hindi niya kakayanin kapag mabasa niya pa ang ibang nilalaman nito.

First is my friend at ayokong lalo lang siyang mawawala sa sarili niya. I met her because of Dew and Blue. Our friendship remains secret at kaunti lang ang nakakaalam na magkakakilala kami.

May iba pa kaming mga kaibigan na busy din sa kani-kanilang buhay. We also study in different schools.

We have different worlds to live with kaya hindi kami pweding makialam sa buhay ng isa't isa pwera na lang kung kinakailangan ng sitwasyon na mangialam ang isa sa amin at sa sandaling ito, I know she needs someone.

Paalis na sana ako ng makita ko ang lalakeng isa sa mga kaibigan ni First.

Nagtaka pa itong napatingin sa akin at kunot-kilay niya akong nilapitan. Ayokong magtanong pa siya sa akin kaya inunahan ko na siya.

"Give it to her when the things gets worsen." sambit ko ng maibigay ko sa kanya ang isang bookmark na naglalaman ng petsa.

Isa iyon sa bahagi ng katotohanan tungkol sa buhay ni First. —her real birthdate.

Nagtaka lang siyang nakatitig sa akin kaya pinasya ko ng iwanan siya ngunit bago pa man magsara ang pintuan ng elevator binalingan ko ulit siya.

"Please,. Make her happy." masyado na siyang nagdurusa sa kasinungalingang ginawa ng kinilala niyang ina.

Malungkot akong napatingin dito bago magsara ang pinto. I'm hoping na sana kahit siya na lang ay magawang pasayahin ang magulong buhay meron si First.

She deserves to be happy and she deserves to be love.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon