First points of view:Uwian na at hinintay ko pang matapos si Acid sa pratice nila bago kami pumunta sa bahay nila kaya no choice ako, pinanood ko na lang silang nagp-practice ngayon.. tsk
May pakaway-kaway pa ang kumag sa akin habang hinahampas ang bola papunta sa kalaban. Spike daw ang tawag doon..
Si Race naman ang tosser at si Clover ang blocker.. Infearness ang gagaling nila.. Kung mukha lang ang bola siguradong kanina pa tabingi ang mukha dahil sa kakahampas nila..
"First! Mag-cheer ka naman!" nakakalokong sigaw ni Mickey sa akin.
Ano kayo sinuswerte?
Inirapan ko lang siya.
"Oyy Uno baka mapanisanin ka ng laway. Cheer-cheer din pag may time." si Race naman.. mga bwesit hindi talaga dadaan ang araw na hindi nila ako aasarin..
"Dadamihan ko ang handa mamaya basta mag-cheer ka lang First." sigaw ni Acid..
Oyy! Foods..
"Go Acid." tamad kong cheer..
"Tsk!" rinig kong sambit ni Clover..
Problema niya sa tsk? Lagi niya kasing sinasabi iyon..
Napapailing lang sa tabi si Craig.. Nagtataka na talaga ako sa isang to..
Lumipas ang isang oras at natapos din ang practice nila.. Pawisan silang lahat na lumapit sa pwesto ko dahil andun ang inumin nila..
Nakangisi pa silang nakatingin sa akin habang isa-isang nagpapalakihan ng muscle. Takteng trip na naman ng mga impakto!
"First sinong mas hot sa amin?" nakangiting tanong ni Race habang pinuporma pa ang muscle niya..
"Tumigil ka jan pare.. Mas hot ako sayo.. Tabi!" singit ni Krys na bahagya pang tinulak sa gilid si Race para mapakita lang ang nakabakat niyang abs mula sa basa niyang jersey. Takte kung andito lang ang mga lukaret kong kaibigan kanina ka pa sinunggaban..
Napapikit-pikit na lang akong nakatingin sa kanya..
"Oyy Krys manahimik ka.. mas madami abs ko sayo." at sumingit din si Acid.. hindi talaga ito nagpapahuli sa pandesal sa katawan..
May tumikhim sa gilid at automatikong nagbigay ng space ang mga impakto..
"I got this." sabi ni Clover at nagbalak itaas ang suot niyang pang-itaas.. Napalunok na lang ako ng wala sa oras at mabilis siyang pinigilang itaas ang damit niya.. Takte! Baka may iba akong makita..
"Impakto ka! Huwag kang maghubad sa harap ko!" pigil ko sa kanya na tinawanan lang niya..
Nakakatawa ba ang sinabi ko? Dahil ako kinakabahan sa mga pinag-gagawa nila..
Napatingin lang ako sa kanya dahil napahagalpak na siya sa tawa. Tuluyan na siyang nabaliw..
Pero ang gwapo niya tignan sa tawa niya— ayy peste! Bakit ko sinasabi iyon..
Napapatingin na naman ako sa gawi ni Craig dahil tahimik lang itong nakikitawa sa mga kaibigan niya.. Asan kaya si Miracle bakit pinapabayaan niya itong si Craig.. Baka mamaya kasi maisipan na naman nitong mangulit na makipag-usap sa akin.. I'm not yet ready.
Bumalik na ako sa upuan ko at hinayaan na silang makapagbihis sa boys room..
Ilang minuto akong naghintay at ginutom ako sa pandesal na nakita ko kanina. Hayop na mga impaktong yun.
Lumabas na sila at feeling fresh na ulit ang mga hitsura ng mga kumag..
"Let's go." Yaya ni Acid sa akin na agad kong sinang-ayonan.. Nadagdagan ang gutom ko sa mga itsura nila ngayon.. Ang gagwapong impakto..
BINABASA MO ANG
Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-
Teen FictionFirst Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in live #1 in Bookmark I'll carve the secrets between you and I. (From Fiction to Bookmark to MATVIP) Page Series 1: *First Villera, Clover...