Ivory points of view:Alam kong naguguluhan si First sa mga sinasabi ko ngayon. Ngunit ilan lang iyon sa mga nakalap kong impormasyon. Wala sa isip kong ungkatin pa ang naging nakaraan ng kanyang ina ngunit konektado iyon sa mga taong gusto kong mahanap.
Isa sa mga doctor na nagsagawa ng human experiment noon gamit ang drogang dievil drug ang ina ni Acid na si Dr. Pamela Fem Costales.
Sa una ay hindi ko alam na magkakilala pala sila ng kinilalang ina ni First na si Donya Feliz. Hanggang sa lumalim ang naging pag-iimbestiga ko at nalaman ko nga ang koneksyon nilang dalawa.
Si Donya Feliz ay ina ni First na inakala niya noong napatay niya. Sa di ko pa malamang pangyayari, buhay pa ito at naging pasyente din ng mental institution na pinanggalingan ni First noon ng dinala siya nito ng sarili niyang ama.
Ang pinagtataka ko ngayon na alam kong pinagtaka din ni First. Bakit doon siya dinala ng ama niya? May alam kaya itong buhay pa ang dating asawa?
***
First points of view;
Matapos naming makapag-usap ni Ivory ay pinuntahan ko si dad sa mansyon ng mga Villera.
Sumalubong kaagad ang pagka-disgusto ng madrasta ko ng makita niya akong papasok pa lang sa bahay.
"What are you doing here?" mataray kaagad niyang tanong na halatang ayaw niya talaga akong nakikita kahit isang segundo lang.
Napabuntong hininga ko na lang siyang tinitigan. Sa ilang taon na pagkamuhi niya sa akin ay hindi pa rin nababawasan iyon.
"First." tawag ni dad kaya napalingon naman ako sa kanya. Tumango lang ako sa kanya bago magsalita.
"Can we talk?.. privately." saad ko na nagpatikhim sa madrasta ko. Nakatuon lang ang paningin ko kay dad na naghihintay ng sagot niya. Ilang segundo muna ang lumipas tsaka niya ito tinanguan at seryosong nagpatiuna papunta sa harden nitong mansyon.
Ilang minuto pa ang nagdaan ng kapwa kami tahimik lang na nakatanaw sa magkaibang tanawin. Napahugot muna ako ng hininga bago magsimulang magtanong sa kanya.
"Buhay pa si Mom, right?" sambit ko na ramdam kong ikinatigil niya kaya nagsalita akong muli. "Why did you lie to me? Buong buhay ko pinagsisihan ko ang kasalanang napatay ko si Mom noon."
"First." baling niya sa akin. Ramdam ko ang pagkagulat niya sa sinabi ko. Marahil inakala niya noong totoong nakalimot ako sa nakaraan ko. Oo. Inaamin kong nagsinungaling din ako sa kanya noon. Nagsinungaling akong nakalimutan ko na ang hindi ko sinasadyang kasalanan kay Mama. Na nakalimutan ko ang masalimuot na ala-alang tinatak ni Mama sa utak ko. Pero sa bawat gabi habang nag-iisa lang ako, halos bangungutin ako kahit nakamulat pa ang mga mata ko.
"I remembered it all dad.. lahat ng nangyari noong bata pa ako ay naalala ko.. ang pananakit ni Mom, ang pagkulong niya sa akin sa madilim na kwarto.. ang pagtangka niyang lunurin ako at ang inakala kong pagkamatay niya dahil ginusto ko pang mabuhay noon kaya n-nasaktan ko siya." amin ko sa kanya. Nanatili lang siyang gulat na nakatingin sa akin. Sa haba ng panahon, ngayon ko lang nasabi sa kanya ang katotohanan.
"H-hindi ko alam na naranasan mo ang lahat ng iyan First." halos garalgal niyang sambit habang nakikita ko sa mga mata niya ang awa at pagsisi dahil sa sinabi ko.
"Dahil wala kang alam dad.." mapait akong napangiti.. —lage kang wala sa tuwing kailangan kita.. lage mong nilalayo ang loob mo sa akin dahil akala mo hindi mo ako tunay na anak di'ba?" sumbat ko.
"No.."
"Iyon ang totoo dad.." napatingin muna ako sa mga mata niya bago magsalitang muli. ..tinanong kita noon kung minsan ba tinuring mo akong tunay mong anak.. haha.. payak akong napatawa habang hawak-hawak ang dibdib ko. —sobrang sakit.. parang sinasaksak ang puso ko ng paulit-ulit dahil sarili kong ama ay hindi ako nakikilala.. sarili kong ama ay hindi ako magawang mahalin.." paulit-ulit akong napakurap-kurap habang tumingala na sa papagabing kalangitan. Sinisikap kong huwag maiyak pero sobrang sakit na ng lalamunan ko sa pagpipigil ko ng emosyon ko.
"Minahal kita—
"No dad! Don't say a word na hindi mo naman talaga nararamdaman dahil mas masakit ang umasa kaysa tumanggap ng katotohanan. Tanggap ko naman eh, matagal ko nang tanggap na sarili kong pamilya ay hindi ako kayang tanggapin.. hindi niyo ako nakilala dahil hindi niyo din ako kayang mahalin.. nakangiti kong tanggap sa kanya upang pagtakpan lang ang pangungulila dito sa puso ko. ..pero alam mo bang kahit matagal ko ng tanggap ang lahat? Sobrang sakit pa rin dito.. sambit ko habang tinuturo ulit ang puso ko. Sobrang sakit pa rin na kahit bawat paghinga ko ay gumagasgas dito sa puso ko." tuluyan ng tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"First..— tanging sambit lang niya habang tumutulo na din ang luha niya.
"Anak mo ako dad.. tunay mo akong anak.. tunay niyo akong anak.. tunay akong kapatid ni Miracle.." sambit ko pa na lalong nagpalakas ng iyak niya.
"Alam niyo 'yun di'ba?" tanong ko na sinagot niya lang ng hagulhol.
"Alam mo bang kinuha ako ni Mom upang maghiganti sa inyo dahil kayo ang dahilan kung bakit namatay ang anak niya noon? Ako ang ginamit niya.. sa akin niya binuhos ang lahat ng sama ng loob na dapat ay sa inyo niya ginawa.. kulang na lang ay patayin niya ako noon.. pero alam mo ba ang mas nakakatawa.. dahil kung ano ang gustong gawin ni Mommy sa akin noon ganoon din ang ginagawa ng tunay kong ina ngayon.. pero katulad ng dati wala pa rin kayong ginawa.. wala pa rin kayong alam kung gaano ako nasasaktan.. kung gaano ako naghihirap.. kung gaano kadilim ang mundo ko.. kung gaano kamiserable ang buhay ko!" sumbat ko habang umiiyak sa harap niya.
"I- .. I'm sorry.. halos makaawa niyang sambit. Ramdam ko sa bawat hagulhol niya ang pagsisi niya ngayon.
Malakas akong napabuga ng hangin habang unti-unti kong pinapatahan ang sarili ko. Hindi ko intensyon ang sumbatan siya kaya nagpunta ako dito. Gusto ko lang itanong sa kanya kung alam niya bang buhay pa si Mama noon pero kahit itanong ko pa iyon sa kanya ngayon isa lang din naman ang kalalabasan na pati buhay nila ng pamilya niya ay manganganib dahil sa paghihigante ni Mama.
"Don't say sorry.. hindi naman iyon ang dahilan kung bakit ako nandito. . Gusto ko lang ipaalam sa inyo na buhay si Mommy at hindi malayong sa inyo na siya maghihiganti ngayon. . Kung inakala mong baliw ako noon, mas baliw si Mommy kaya mag-iingat kayo."
"What about you?" nag-aalala niyang tanong na hindi ko nakasanayang marinig.
Ilang segundo ko pa siyang tinitigan bago siya sinagot.
"Don't worry about me.. I'm used to it.."
"First, anak.. —
"Don't! Please, don't call me your daughter.. isipin mo na lang na isa lang itong bangungot dahil ayokong sanayin ang sarili ko na may pamilya pa ako." putol ko sa pagtawag niya sa akin.
"F-irst..
"One more thing dad., please don't tell your wife na siya ang totoo kong ina.. ayokong magsisi siya sa malaking kasalanang nagawa niya sa akin.. Let her hate me like she always makes me feel.. dahil hindi naman na din magtatagal ang buhay ko." pabulong ko na lang na sambit bago mabilis na nilisan ang lugar kung saan iniwan kong umiiyak si dad.
***
night-firefly 💙
Please vote and leave your comments. Thank you.
BINABASA MO ANG
Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-
Teen FictionFirst Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in live #1 in Bookmark I'll carve the secrets between you and I. (From Fiction to Bookmark to MATVIP) Page Series 1: *First Villera, Clover...