Page-6

358 124 224
                                    


Maaga akong pumasok kasama si Butter dahil maaga din kaming hinatid ni Tito Bash.. —may early meeting daw siya sa office niya kaya ginising niya kami ng maaga para mahatid niya pa kami..

Binigyan pa ako ng baong chocolate ni Tork bago siya bumaba sa kotse papasok sa school niya..

Napaismid naman si Butter sa akin.. Inggit siguro dahil hindi siya binigyan. Sneakers to men. Sarap ng mani..

Maganda na din to para may nginunguya ako habang naglelecture si Sir Jacinto para malabanan ko yung antok.

Pagdating ko ng room., akala ko ako na ang pinakamaaga pero lahat sila andito na pala..

Takte! Sila na ang early birds!

Umupo na ako sa upuan ko at ang creepy ng atmosphere sa loob. Lahat kasi sila nakayuko at nagbabasa ng mga notes nila. Putspa.. ganito ba talaga ang section na ito?

Kelangan talaga ng notes? Hihi.. decoration lang kasi sa bag ko yung mga notebook. Minsan pa pang-doodle lang o di kaya listahan ng utang..

Tinignan ko si Acid na nagbabasa din.

"Ang creepy." bulong ko sa kanya..

"Huh?.. Bakit?.." nagtatakang baling niya sa akin..

"Lahat kasi kayo nakayuko." nakangiwi kong sambit na ikinatawa niya. May joke ba sa sinabi ko?

Napalingon ang iba dahil sa tawa nitong baliw na Acido..

"Bakit ka na naman tumatawa?" gigil na bulong ko sa kanya.

"You're funny First." napapailing na sabi niya at nilahad din sa akin ang notes niya..

Wow! Ganda ng hand written niya. Tinalo pa yung malakahig nang manok na sulat kamay ko.. Nahiya naman ako bigla.

"Magbasa ka din." suhestiyon niya kaya napilitan din akong tignan ang notes niya.

Isa lang ang narealized ko ng mabasa ang notes niya.. Ang dami na pala ng nalecture ni Sir Jacinto.. nasa panaginip ata ako nung diniscuss niya ito sa amin.

Nagbell na at pumasok na si Sir Jacinto..

"Good morning class! Are you ready?" tanong kaagad nito pagkalapag ng gamit niya sa table..

Lumingon pa siya sa gawi ko at pinaningkitan pa ako ng mata..

"Problema mo Sir?" bulong ko na narinig ng Acidong katabi ko kaya bahagya niya akong siniko..

"Problema mo?"baling ko sa kanya.. Naniniko kasi..

Sumenyas lang siyang umayos ako at makinig sa harap!

Nag-umpisa na ang long test at pasahan na ng test papers hanggang likod.. Nasa akin na at test paper ko at inabot ko naman sa likod ang iba..

Pero nambubwesit ata ang impaktong lalake sa likod ko at nagawa pang hawakan ang kamay ko imbes na ang test paper ang hawakan niya..

Napalingon ako sa kanya at nakasimangot ko siyang tinignan..

"Problema mo din?" pabulong kong tanong at binawi ang kamay kong hawak niya..

Napatingin din ako kay Craig na simula kahapon ay naka-kunot kilay pa ring nakatingin sa akin..

"Problema mo diyan?" tanong ko din sa kanya.. Dami ata nilang problema sa akin..

Napailing lang siya at inumpisahan ng sagutan ang test paper niya.. Inayos ko na din ang sarili ko at inumpisahan nang sagutan ang mga tanong..

Tsk! Long test nga.. hanggang 300 eh.. wala pang choices..

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon