First pov:'Help... p—please h-help me.'
'Hindi ako makagalaw.'
I want to close my eyes para maiwasan lang ang nakakatatakot niyang mga titig pero di ko magawa.
She was smiling but she was not happy at all.
—-her stare ..—— I'm scared please somebody help me!I hardly breath. Parang tinakasan ako ng kaluluwa dahil sa lakas ng tibok ng puso ko ngayon.
'I'm begging.. please wake me up.'
Miracle pov;
"H—help... please h—help me."
Naalimpungatan ako sa mahinang iyak na naririnig ko sa loob ng kwarto. Dito na kasi kami ulit natulog ng umulan ng malakas kanina.
I thought I was dreaming pero nang tignan ko ang pwesto ni First napansin ko ang pagbaling ng ulo niya.
Dahan-dahan akong bumangon at pinuntahan siya sa higaan niya. Napansin ko kaagad ang pawis niya sa noo at basa sa mukha niya. She's crying.
"H—help..."
She said again while her eyes close. Is she dreaming?
"F-First wake up.. h-hey.. First." niyugyog ko ang balikat niya upang marinig niya lang ako. Pero hindi pa rin siya nagigising.
Her sobbing again and this time she trembled. Ano kaya ang napapanaginipan niya?
Parang takot na takot siya sa panaginip niya kaya nilakasan ko na ang pagyugyog sa balikat niya.
"Hey First wake up.. please wake up!"
Napabangon siya mula sa pagkakahiga kasabay ng malalim niyang paghinga.
Hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin siya ng marinig ko siyang mahinang humikbi kasabay ng bawat malalalim niyang paghinga. Nanginginig pa rin ang katawan niya na parang takot na takot siya at ramdam ko din ang lakas ng pintig ng puso niya.
"F—first y-your awake now. Don't be scared hmm?" mahina kong bulong upang kumalma siya. I can't help myself to cry too. My conscience hit me more when I heard again how she beg.
"Miracle please help me." Lalo akong napaiyak ng maalala ko na naman ang paghingi niya ng tulong sa akin noon. But I choose to turned my back at her.
"Suzy.." natigilan ako ng marinig ko ulit ang pangalang iyon. Siya lang ang tumatawag sa akin ng ganoon.
Naramdaman kong natigilan din siya sa binigkas niyang pangalan. Mabilis siyang kumawala sa pagkakayakap sa akin at napasapo pa siya sa mukha niya ng hindi malaman ang sasabihin.
Kahit mahina ang ilaw sa kwarto pansin ko pa rin sa mukha niya ang pagkailang sa pwesto naming dalawa. Sa ilang taon na naputol ang pagkakaibigan namin. Ito ang unang sandali na masyado kaming malapit sa isa't isa. Ito ulit ang unang sandali na muli naming nayakap ang isa't isa.
Ilang minuto ang nagdaan, kapwa lang kami tahimik na parang parehas naming pinapakiramdaman ang bawat isa.
Gusto ko siyang kausapin kung ano ang napanaginipan niya pero nagdalawang-isip ako kung may karapatan pa ba akong kausapin siya.
Narinig ko siyang malalim na napabuntong hininga bago siya tahimik na lumabas sa kwarto.
Gusto ko siyang tawagin pero pinangunahan ako ng hiya at takot na baka mas magalit pa siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-
Teen FictionFirst Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in live #1 in Bookmark I'll carve the secrets between you and I. (From Fiction to Bookmark to MATVIP) Page Series 1: *First Villera, Clover...