Page 12

317 97 183
                                    


Craig pov;

Hapon na ng magising ako..

Masyado atang napatagal ang tulog ko.. Ang sarap kasing mahiga sa kama ni First., ang bango at komportable ng higaan niya..

Nag-ayos muna ako ng katawan bago lumabas ng kwarto niya.. Pinakialaman ko na ang gamit niya at naghanap ng pweding maisuot dahil kagabi pa pala ako hindi nakakapagpalit..

May dalawang room akong nakita bukod sa banyo.. Pinihit ko ang unang kwartong nakita ko pero naka-lock pala ito kaya lumipat ako sa isa. Walk-in closet pala ang isang ito kaya naghanap na ako ng kahit tshirt man lang o shorts.. Napangiti ako ng mapansin ko ang kulay itim na damit na may naka-design na paru-paro.. Nandito pa pala ito.. Bigay ko pa ito noon sa kanya.. Natatandaan ko pang ang hilig niya sa mga paru-paro lalo na kapag pumupunta siya sa harden ng bahay namin.. 

Alam ko na ata lahat ang mga gusto at hindi niya gusto at marahil ay ganoon na din ang alam niya sa akin.. Hindi ko lang alam kung sa paglipas ng panahong nagkalayo kami ay may nagbago na sa kanya..

She's a lovely girl, na kapag nakikita ko na siyang nakangiti at tumatawa ay natutunaw ang puso ko..

She's sweet na kahit minsang pasaway siya, kapag nagpapaka-sweet na siya ay mawawala din kaagad ang inis ko sa kanya.. Ako na ang marupok.. —

Marupok ako pagdating sa kanya na kahit nagalit ako noong umalis siya at iniwan akong di man lang alam ang totoong dahilan niya, patuloy ko pa rin siyang minahal.. —nakita ko lang muli ang maganda niyang mukha ay nawala na din bigla ang kinimkim kong galit at sama ng loob sa kanya..

Tinrato ko ulit siyang pinakamahalagang babae sa buhay ko.. Sa puso ko siya pa rin talaga at alam kong kahit ano mang mangyari ay hindi na magbabago ang nararamdaman ko sa kanya..

Kahit pa nakalaan akong ipakasal sa iba..— kay Miracle na bestfriend niya!

Noong umalis siya tsaka ko lang din nalamang may arrange marriage na napagkasunduan sa aming pamilya..

Miracle is also my friend kaya ayoko din siyang masaktan.. Pinabayaan ko muna ang issue na iyon sa pag-aakalang baka mapawalang bisa din iyon dahil alam ni Miracle na si First ang mahal ko.. Alam kong iba ang trato sa kanya ng tunay niyang ina kaya di ko magawang ipawalang-bisa noon ang napagkasunduan dahil iniisip kong baka siya pa ang mapagbuntunan ng kanyang ina..

Palagi niyang sinasabi noon na sinasaktan at napagbubuhatan siya ng kamay ng kanyang ina kaya hindi ko magawang iwanan siya.. Ginusto kong hanapin si First noon pero hindi nila mabigay ang impormasyon kung saan ito naroon kaya tinuon ko muna ang oras ko kay Miracle.. Mabait siyang tao kaya ganoon na din ang pinakita ko sa kanya.. Hindi ko narinig na nagreklamo siya noon kahit araw-araw kong nababanggit sa kanya si First, kung gaano ko na ito ka-miss, kung gaano ko ito kamahal at kung gaano ko kagustong makita na siyang muli..

Minsan napahiling akong sana mapawalang-bisa ang arrangement namin dahil si First ang gusto kong makasama habang-buhay., ngumiti lang siya at sinabing magiging maayos din ang lahat.. Pero noong magkaroon ng dinner party ang pamilya., parang nawalan na ako ng pag-asang hindi na iyon matutuloy..

Hindi ko din inaasahang dadalo sa dinner party noon si First at hindi ko man lang magawang lapitan at kausapin siya.. Alam ng pamilya kong siya ang minamahal ko ngunit pinagbawalan na din nila akong lapitan siya lalo na si Dad..

Ang sakit sa aking naroon nga siya malapit sa akin pero hindi ko man lang siya mahawakan.. Nakatitig lang ako sa kanya ng mga sandaling iyon ngunit kahit baling man lang ay hindi niya naibigay sa akin..

Binigyan niya lang ako ng mainit na tingin ng mapansing niya akong nakatitig sa kanya dahil sa gaspang pa rin ng ugaling pinapakita niya kay Miracle. Ayokong may kampihan pero naaawa ako kay Miracle. Mahal ko si First pero ayoko namang kunsintihin ang mga maling ginagawa niya.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon