Page 63

120 10 2
                                    



First points of view:

Ilang araw din kaming namalagi sa bahay ni Blue. Pareho kaming hindi muna pumasok kaya medyo nakakabored nang kaming apat lang ang araw-araw na magkakasama.

Umuwi muna ako sa unit ko ng malaman kong pauwi na si Dad. Nagawa ko din siyang tawagan kagabi at tinanong ko lang kung kelan siya makakauwi. Medyo nabigla pa nga siya dahil siguro sa pagtawag ko pero binalewala ko na lang iyon.

Sumalubong sa akin ang tahimik at madilim na paligid ng unit ko pagpasok ko sa loob.

Hindi ko na binuksan pa ang ilaw at nagtuloy-tuloy na akong pumasok sa kwarto ko. Pabagsak pa akong humiga sa higaan ko habang wala sa sariling napahawak sa suot-suot kong kwentas na bigay ni Clover noon.

Magaan kong pinindot ang pendant 'non at napangiti na lang ako ng umilaw ang pendant na buwan na nagsilbing ilaw na ngayon sa loob ng kwarto ko.

Ilang minuto pa akong nanatiling nakahiga bago mabilis na bumangon at lumabas ng unit ko. Sumakay ako ng elevator papunta sa floor ng unit ni Clover. Late na din kaya alam kong tulog na siya sa mga oras na ito at hindi na niya malalamang pumasok ako sa unit niya.

Nagkalat na bote ng alak ang bumungad sa akin pagpasok ko sa unit niya. Tsk! Impaktong lasenggo. Ilang araw lang kaming hindi nagkita at nagkaganito na siya? Paano pa kaya kapag habangbuhay na niya akong di makikita? Tsk! Pero ang feeling ko sa naisip ko.. malay ko naman hindi pala ako ang dahilan ng paglalasing niya.

Isang mahinang hikbi ang kumuha ng pansin ko mula sa kwarto niya kaya dahan-dahan ko namang tinungo iyon.

Napatakip na lang ako sa bibig ko ng makita ko siyang nakaupo sa baba ng higaan niya habang nakapatong ang mga siko niya sa tuhod niya. At kahit hindi ko siya maaninag ng husto alam kong umiiyak siya.

"First." umiiyak niyang tawag sa pangalan ko. Gusto ko siyang lapitan pero nagdalawang-isip ako. Nagsisi pa tuloy ako kung bakit pinuntahan ko pa siya ngayon.

Di ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Nakagat ko pa ng mariin ang labi ko upang hindi lang ako makagawa ng ingay. Biglang kumirot ang puso ko dahil sa pagtawag ni Clover sa pangalan ko.. Natatakot ako ngayon na baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mapuntahan ko siya na taliwas sa naisip ko ng plano.

Ilang minuto pa akong nanatiling tahimik na nakatingin sa kanya. Gumalaw siya at may hinahawakan sa leeg niya. Natigilan na lang ako ng umilaw din ito katulad ng pag-ilaw ng pendant ng kwentas na binigay niya sa akin.

"Clover." mahina kong tawag sa pangalan niya. May hinala akong couple ang necklace na binili niya noon at sigurado na akong nasa kanya ang isang pares nang korteng crescent moon na katulad ng suot ko ngayon.

Wala sa sariling napahawak ako doon habang hindi ko namamalayang umiiyak na pala ako habang nakatingin lang sa kanya ng palihim.

"Mahal na kita Clover.. mahal na mahal kita kaya ayokong madamay ka pa sa kalungkutan ng buhay ko."


Kinaumagahan, nagising ako sa mahihinang kaluskos na nanggagaling sa labas ng kwarto ko. Dahan-dahan kong sinilip iyon upang tignan kung sino.

Gulat na gulat ako ng mapagsino ko na ang taong wari'y may hinahanap na kung ano sa sala ko. Bumaling pa siya ng tingin sa kwarto kung saan ako naroroon ngayon. Malalim na lang akong napalunok ng humakbang na siya papunta sa kinaroroonan ko ngayon. Mabilis akong pumasok sa secret room ko upang doon magtago. Habol hininga pa akong sumilip ulit sa labas ng pinagtataguan ko. Parang lumalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito habang nakatingin lang ako sa taong nasa loob ng kwarto ko.

"Mama." lihim kong tawag sa babaeng nakatayo lang habang tinitignan ang kamang hinigaan ko kanina. Paano niya nalaman kung saan ako nakatira?

Pansin ko ang pagngisi niya habang nanatili pa rin ang paningin niya doon na nagbigay ng kakaibang kilabot at kaba sa puso ko. Bumabalik na naman sa akin ang takot sa tuwing binabangungot ako dahil sa kanya.

Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko. Pinagpapawisan ako ngunit malamig ang pakiramdam ko.

Please.. somebody help me..

Mariin kong napikit ang mga mata ko habang walang tigil na umaagos ang mga luha ko. Bakit? Bakit mo ako ginaganito Mama? Bakit ganito ang pakiramdam ko sa tuwing naiisip, napapanaginipan at lalong lalo na ang makita ka? Gusto ko lang naman na mahalin mo din ako.

Nanginginig ang kamay ko habang kagat-kagat ko na ang kuko ko. Gusto ko ng may mahawakan dahil pakiramdam ko sa isang iglap lang ay malulunod na naman ako.

Clover..

Napahawak ako sa kwentas ko. Sa mga sandaling natatakot at hindi ko na mahanap ang pag-asa, dito na lang ako kumakapit.

"You already had your friends huh?!" rinig kong makahulugang sambit ni Mama na parang alam niyang nasa paligid lang niya ako. "Alam mong ayaw na ayaw kong may nakakasama ka First.. alam mo na ang susunod na mangyayari kapag sinuway mo ang gusto ko!" galit niyang sambit na automatiko kong ikinabitaw sa hawak kong kwentas.

Lalo akong nangatog sa takot. Unti-unti ding bumabalik sa alaala ko ang pagpatay niya sa ina ng kaibigan kong si Jelly dahil lang sa sinuway ko ang gusto niya. Lumulukob sa akin ngayon ang pag-aalala para sa mga kaibigan ko. No! Hindi pwedeng may mamatay na naman dahil sa akin. Hindi ko na iyon makakayanan pa.

Rinig ko ang malakas niyang halakhak bago ang pagbagsak ng pintuan ng kwarto ko.

Tuluyan na akong natumba sa sahig dahil sa panginginig ng buo kong katawan dahil sa takot. Niyakap ko ang sarili kong mga tuhod dahil sa paglakas ng hagulhol ko.

Bakit ako pa? Bakit niya ba ako pinapahirapan ng ganito?

***

Author's Note: Thank you po sa pagbabasa kahit natatagalan ang update. Please read my other stories po if you have time.

*Me and the Dark Knights (completed)
*Livied High Academy (ongoing)
*Me and the Group 5 (ongoing)

*Lost in the wild (ongoing)

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments.  Kindly follow this account. Thank you.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon