Page 26

201 57 85
                                    



Craig pov:

"What's the matter Craig? Bakit sinasabi mo ito ngayon?" nagtitimping tanong ni Dad na kaagad namang hinawakan ni Mommy sa braso nito.

After the party pumunta kami sa mansyon ng mga Villera upang pag-usapan ang pag-urong ko sa pagpapakasal namin ni Miracle. Hindi ko na kaya pang magkunwaring okay lang sa akin ang arrangement dahil ayokong mawalan na talaga ng pag-asang magkasama kami ni First.

"Dad please understand, mahal ko si Miracle pero bilang kaibigan lang. Ayokong dumating ang araw na pareho naming pagsisihan ang desisyon niyong ito." mahinahon kong paliwanag. Napatingin ako kay Miracle ngunit nakayuko lang siya habang nakaupo katabi ng mga magulang niyang seryoso lang na nakatingin sa akin.

"Is it because of First again?" mapang-uyam na tanong ni Tita Anastasya , ang ina ni Miracle.

Napayuko lang ako sa tinanong niya. Ayokong sagutin ang tanong niya dahil ayokong mas lalo pang masaktan si Miracle. Alam kong alam na niya ang dahilan ko ngunit mas lalo lang siyang masasaktan kung sasabihin ko pa iyon ngayon sa harap niya.

"Mom." mahinang awat ni Miracle sa ina niya.

"No!" matigas pa nitong sambit. "Hindi pweding hindi matuloy ang engagement ninyo." sambit nito sa akin at tsaka seryosong tumingin sa aking ama. "Alam mo kung anong mangyayari sa negosyo niyo kung papayag ka sa gusto ng anak mo Rigor." baling nito kay Daddy na napabuntong hininga lang bago tumingin sa akin.

"Craig, stop this nonsense dahil kahit anong gagawin mo matutuloy at matutuloy pa rin ang pagpapakasal niyo ni Miracle. Napag-usapan na natin ito noon kaya huwag ng matigas ang ulo mo." tiim-bagang nitong sita sa akin.

Mapait akong napangiti kay Dad. Mas mahalaga ba ang negosyo kaysa sa kasiyahan ko? Napapailing naman na tumingin si Mommy sa akin. Alam ko namang kampi si Mom sa desisyon kong ito pero hindi siya makapag-react kapag nauunahan na ng galit ni Dad.

"Dad I can't. Ayoko nang ipagpatuloy pa ang arrangement namin ni Miracle dahil ayokong masaktan lang siya sa akin." napatingin ako kay Miracle at ramdam ko ang lungkot niya sa desisyon ko ngunit ayokong dagdagan pa ang pasakit na mabibigay ko sa kanya dahil hindi ko nakikita ang sarili kong makasal sa kanya. Kaibigan kami at ayokong pati iyon ay mawawala pa sa aming dalawa dahil lang sa sapilitang pagpapakasal ko sa kanya.

"Craig!" galit ng baling ni Dad sa akin. Natatakot din naman ako sa tuwing nagagalit siya ngunit kelangan kong panindigan itong desisyon ko ngayon.

"Tito, tama po si Craig." mahinang sambit ni Miracle at malungkot na napatingin sa akin. "Ayoko din naman ng arrangement na ito kaya hayaan na lang natin si Craig sa gusto niya.

"Are you crazy Miracle??" bulyaw ng ina niya.

"Stop it Anastasya." pigil ni Tito Anton sa asawa niya. "Let them decide what they want, malalaki na sila kaya hayaan na natin kung anong gusto nilang mangyari." mahinahon nitong paliwanag.

"Pero—

"Mom! Please.. kahit ngayon lang, pagbigyan mo na ako sa desisyon ko." pakiusap ni Miracle sa ina niya ngunit galit lang itong napabuga ng hangin at napabuntong hiningang napabaling kay Tito Anton na nakahawak sa kamay nito upang mapakalma.

"Mapuputol ang ugnayan ng mga negosyo natin sa desisyon ninyong ito Craig." banta pa nito sa akin.

"No. Magpapatuloy pa rin ang ugnayan nang mga negosyo natin sa kanila Anastasya. Magkaibigan pa rin naman ang mga anak natin kaya huwag namang matigas ang puso mo Honey." pakli ni Tito Anton kaya nakahinga ako ng maluwag. Tahimik lang na nakikinig ang mga magulang ko dahil alam ko namang kelangan pa rin ng business ni Dad ang negosyo ni Tito Anton. Isa sa pinaka-successful businessman ang pamilyang Villera kaya malaking kawalan sa negosyo ng pamilya namin kung tuluyan talagang maputol ang ugnayan namin sa kanila.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon