Page 69

93 11 2
                                    



Clover points of view:


"A-Anong --

Maging si Acid ay hindi din magawang dagdagan ang salita niya habang nililibot ang paningin niya sa secret room na ito ni First. Hindi ito ang unang beses na nakapasok ako sa kwartong ito pero halos gulat pa rin ako habang tinitignan ang buong paligid.


Nagkalat ang mga basag na bagay na halatang sinadyang basagin. Mga patak ng dugo sa sahig pati na din ang bahid sa pader nito na hindi lang dugo ang makikita kundi ang mga tipak at bakas ng kamao na alam kong kay First iyon.


"Anong nangyayari sayo First? Ano ng nangyayari sayo?" naluluhang sambit ni Craige habang haplos pa nito ang bakas ng kamo ni First sa pader na may natuyong dugo pa dito. "Wala man lang akong naitulong sayo.. you suffered so much.." tuluyan na siyang nanghina habang umiiyak ng napaluhod sa sahig. Bakas sa iyak niya ang pagsisisi na ramdam ko rin sa mga sandaling ito.


Malalim na lang akong napahugot ng hininga habang nililibot pa rin ang paningin sa loob. Hindi ko alam ang lahat ng tungkol sa kanya pero alam ko ring sobra na siyang nahihirapan. Ramdam ko kahit pilit man niyang ipakita sa amin na gusto niyang mapag-isa, alam kong gusto niya ng makakasama. alam kong takot siyang mag-isa.


Huminto ang paningin ko sa isang pamilyar na notebook na naalala kong binayaran ko noon sa camp. Pinulot ko iyon at mariin ko na lang nakuyom ang kamao ko habang lihim kong binabasa ang nakasulat doon.


Hindi man malinaw ang pagkakasulat doon dahil tinakpan niya pa ito ng ibang letra pero sigurado akong 'save me' ang nakasulat doon. She wants to be save, not just from her nightmares but also from her grief.

"She's not crazy." rinig kong sambit ni Acid habang tinitignan ang gulat na hitsura nina Krys at Mickey na nililibot pa rin ang paningin sa paligid. Tahimik naman itong umiling sa kanya na ikinabuntong hininga niya.

"She's not mentally ill, but she's dying here." malungkot niyang tinuro ang bandang puso niya. "My mom told me about First.. after nung dinner natin sa house,," napabuga pa siya ng hangin bago dagdagan ang sinabi niya. "She asked me to not get too close to her pero hindi ko nagawa dahil unti-unti na siyang nakapasok sa buhay ko." bahagya pa siyang bumaling sa akin bago tignan din si Craige na nanatiling nakaupo sa sahig. "She even told me about the mental institution where my uncle works that happened to be First's psychiatrist.." dagdag niya pa.

"My mom also work there, pero kaibigan niya ang binabantayan niya sa mga panahong iyon at ngayon ko lang narealize na ang kaibigang sinasabi niya ay ang ina ni First." dagdag pa nito na ikinalapit naman ni Tork sa pintuan.

"I didn't told you about it dahil alam kong hindi iyon magugustuhan ni First,. and she's really not crazy.." bahagya pa siyang napatawa na hindi naman umabot sa mga mata niya.. "siguro minsan nawawala siya sa sarili niya just like what happened when Miracle fill on her chair.. alam kong hindi siya ang may kasalanan doon.. hindi niya kayang saktan si Miracle dahil totoo silang magkapatid.."


"What are you talking about?" naguguluhan namang tanong na ni Craige na ngayon ay nagtataka ng tumingin sa kanya.


"They're twins dude.. may kakambal si Miracle na inakala nilang patay na at si First ang batang iyon.. Mom told me everything nung umuwi tayo galing sa camp nila Krys kaya ko yun nalaman. And I think alam din ni First ang katotohanang iyon."



"Then why she let her real mother hurt her? bakit hindi niya sinabi ang totoo sa pamilya niya?" naguguluhan ko ng tanong sa kanya na inilingan lang niya.


"I don't know.. si First lang ang may alam kung bakit hindi niya ginawa iyon." iling niya sa tinanong ko na ikinabuntong hininga ko na lang. Alam kong gusto ni First na magkaroon ng ina dahil halata naman iyon kung paano niya pakisamahan ang ina ko maging ang ina ng mga kaibigan ko. Pero hindi ko maintindihan ngayon kung bakit hindi niya inamin ang totoo sa pamilya niya. Kung bakit hinayaan lang niya ang mga itong saktan at balewalain siya.


Napasulyap ako kay Tork na tahimik lang na nakikinig sa likod ng pintuan. Alam kong sa amin lahat maliban kay Craige, mas kilala niya si First. Matagal niya din itong nakasama noon kaya mahirap din sa kanya ang hinihingi nitong pabor na layuan at kalimutan na lang siya na kahit sa akin niya iyon sabihin ay hindi ko din gagawin. Bakas sa hitsura niya ang pag-aalala habang nakikita ko din ang pagseryoso niya. Lumapit ako sa pwesto niya habang ginagaya na din ang ginagawa niya. Rinig ko ang hindi lang dalawang boses kundi may iba pang boses ng babae ang nasa labas ng kwarto kung saan kami naroroon ngayon.


Pinihit ko ang doorknob upang buksan na ang pinto pero naka-lock ito mula sa labas.

"She's in danger." nag-aalala niya pang sambit kaya lalo ko pang pinilit na buksan ang pintuan.


Ramdam ko ang pag-ikot nito mula sa kabilang doorknob kaya napaatras ako ng kunti. Bumukas iyon at seryosong hitsura ng kaibigan ni First na si Ivory ang bumungad sa akin.


Agad akong napasulyap kay First na ngayon ay mabilis ng niyakap ni Craige habang tahimik itong umiiyak.

Naintindihan ko naman ang sitwasyon pero hindi pa rin maiwasan ng puso ko ang makaramdam na naman ng kakaibang kirot dahil sa nakikita ko ngayon.

***


night-firefly


Please vote and leave your comment. Thank you.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon