Page 32

204 46 157
                                    


A/n: this page contains flashback..

kayo na ang mag-isip kung kanino ang flashback na ito. Haha!

P.s: sana hindi kayo maguluhan sa eksenang ito.. I really appreciate kung lawakan niyo pa ang imagination niyo. At sa mga makakaintindi ng pahinang ito—- taos puso po akong nagpapasalamat dahil ibig sabihin lang nun sinubaybayan niyo ang bawat tagpo ng storyang ito ng walang kinaligtaang tagpo mula sa nagdaang mga pahina.

Love lots fireflies..

———————

Third person pov;

"Mom p—please don't h—hurt me. I'll never do it again.. pleasee—— ouchh.. Mom—- s-sorry .. M—mooommm please let me go!! MOM!! Huhuhu..."

Umiiyak ang batang babae habang kinakaladkad siya ng kanyang ina papasok sa isang madilim na silid.


"YOU SHOULD BE PUNISHED!. I TOLD YOU TO ALWAYS OBEY ME PERO LUMABAS KA PA RIN NG BAHAY. Di ba sinabi ko nang bawal kang lumabas? Ang tigas talaga ng ulo mo kaya magdusa ka diyan sa loob ng kwarto."

"Mom, I'm sorry. I just want to see the outside. P—-PLEASE MOM FORGIVE ME PLEASE!! —Huwag niyo po akong ikulong ulit dito." Iyak pa rin ng batang babae.

"NO! KELANGAN KANG MAGDUSANG BATA KA!! SIMPLE LANG NAMAN ANG BILIN KO SAYO DI BA? —DON'T GO OUT! Pero sinuway mo pa rin ang sinabi ko." galit na galit na sigaw ng ina. Mahigpit niyang pinagbilin sa batang babae na huwag na huwag itong lumabas ng mansyon nila, ni kahit ang makipag-usap sa iba ay pinagbawal din niya.

"Mom! I'm r—-really sorry p—please let me out Mom.. I'm s—scared it's so d—dark here Mom." patuloy na pagmamakaawa ng batang babae.

"Then get used to it, dahil magiging madilim ang mundo mo kapag hindi mo ako susundin."

"Mom, I—-I just want to have a f— friend kaya l—- lumabas po ako." pagrarason ng batang babae mula sa loob ng silid. Gusto lang naman nito ang makakilala ng ibang batang katulad niya ngunit mahigpit itong binabawalan ng kanyang ina.

"What?!! ...Friends? Who told you about that word?! Is it your yaya again huh?!" nanggagalaiting tanong ng ina nito. Ayaw na ayaw niyang may nakakausap itong iba maliban sa kanya.

"Mom,—-

"ENOUGH!" — putol niya sa sasabihin ng kanyang anak. "Wala kang karapatan para magkaroon ng kaibigang bata ka! Sundin mo kung anong gusto kong mangyari sa buhay mo. Friends are just useless. Iiwan ka rin nila at kailanman hindi ka nila matatanggap dahil iba ka.. Iba ka sa kanila! At kailangan mong lumayo sa kanila dahil sa oras na makita ko ulit na malapit sila sayo—- I WILL KILL THEM!" mariing banta niya sa anak.

Walang nagawa ang batang babae kundi ang umiyak na lang sa loob ng madilim na silid. Hindi niya maintindihan ang kanyang ina kung bakit siya nito pinagbabawalang makisalamuha sa iba pati na din ang lumabas ng mansyon nila.

"Mom, I am your daughter.." sambit nito sa pagitan ng mga hikbi nito.. "why are you doing this to me? Did you not love me?" mapait nitong dagdag.

"Love? Huh!" pagak na napatawa naman ang kanyang ina mula sa labas ng pintuan.

"Mom—- nagtatakang tawag ng batang babae sa ina dahil hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang reaksyon nito.

"You are just my creation." sambit ng ina niya na mas lalong nagpalito sa kanya. Nagbigay din iyon ng kirot sa kanyang puso.

"Mom I love you. Please tell me you love me too.. Please.." pagdidiin niya dahil nalilito pa rin ang isip niya. Gusto niyang sabihin ng ina niyang mahal din siya nito katulad ng nararamdaman niya dito. Pero imbes na marinig mula dito ang pagmamahal na inaasahan niya, taliwas ito sa emosyong pinadama nito ngayon.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon