First pov;"Ano 'yan First, pangkanto at hagdan ka lang talaga?" tatawa-tawang sabi ni Jelly sa akin habang paikot-ikot siyang lumalangoy sa harap ko..
Gusto niya atang gumawa ng ipo sa tubig. Kanina pa siya diyan eh.
Ako naman ay nakahawak lang sa kanto ng swimming pool.. Ano bang pakialam niya? . .sa nag-momodel ako ng kanto eh!
Swimming lesson namin ngayon sa physical education subject at ang hindi ko alam sa paaralang ito kung bakit kelangan talagang umattend ng lintik na lesson na ito. Pwede namang iba katulad na lang ng taekwando, gun shooting lesson o kaya driving lesson.. Huwag lang itong paglangoy dahil pang- 3 feet lang talaga ang kaya ko.
Nakakaasar! Yung feeling na ikaw lang 'yung hindi marunong lumangoy. Pangkanto at paupo-upo ka lang talaga sa hagdan habang ang mga kasama mo ay kanina pa pabalik-balik lumangoy hanggang sa kabilang banda..
Sila na ang serena. Lagyan ko silang hasang eh..
"Hayaan no na lang siya Jelly.." sabi ni Butter na tinatampisaw ang mga kamay niya sa tubig. Enjoy lang? "Pang- 3 feet lang talaga 'yan!" tumatawa na din nitong sambit.
Pinamukha pa talaga! Eh kung lunurin ko kaya siya sa 3- feet!
Mabilis siyang lumayo sa akin dahil ramdam na niya ang talim ng tingin ko sa kanya at baka masabunutan ko pa siya.
Maya-maya ay dumating na din ang Coach ng swimming lesson at kaagad na pumunta sa gitnang bahagi ng pool..
"Okay girls! Line up here!!" sigaw ni Miss Jerry ang Coach ng lesson namin ngayon..
Nakalinya na ang lahat ng kaklase ko at ako na lang ang natitirang nanatiling nasa kanto kaya nasa akin ang tingin ni Coach pati na din ang mga kaklase ko.
Nahihiya akong tumungo at napilitang dahan-dahan na naglakad papunta sa gitnang bahagi. Tinatantiya ko pa kasi ang lalim ng tubig baka lagpas 3-feet na.
"Miss Villera you didn't know how to swim?" striktong tanong ni Miss Jerry. Nakalimutan ko pa lang isa siya sa mga striktong teacher dito sa St. Lucas.
Ang sarap niyang sagutin ng pabalang sa tanong niya. Kita na niyang hirap na hirap akong maglakad papunta sa gitna tapos magtatanong pa siya.
Napairap na lang ako sa mga kaklase kong nagtatawanan sa may pila. Lagot kayo sa akin mamaya. Kakaliskisan ko kayo ng buhay! Mga Lintik!
Hindi talaga ako mahilig sa swimming. Kung pwedi nga lang sana ay hindi na ako makakita pa ng malawak na lugar kung saan napapaligiran ng tubig. It's not only a phobia,— but a traumatic experience from my childhood.
"Swimming is a great workout because it keeps your heart beat up and takes some of the impact stress off your body."paliwanag ni Miss Jerry.. Naalala ko tuloy si Mommy noon. Stress din kaya siya kaya araw-araw siyang lumalangoy sa pool?
"You need to move your whole body against the resistance of the water— Miss Villera!" malakas na tawag ni coach sa akin.. Napansin niya atang hindi ako nakikinig sa iba pa niyang paliwanag.. Hayst.. hirap kapag may phobia ka sa isang bagay. Ang hirap mag-focus..
Breaststroke ang pinakamadaling style sa paglangoy kaya iyon lang ang ginamit kong style.. May ibang pabida at butterfly stroke ang ginamit nila.. Sila na ang paru-paro. Ang hirap kayang imaster nun.
Natapos ang swimming lesson sa araw na ito at sa susunod na linggo na naman ang susunod. Gusto ko na lang i-drain ang pool para mawala na ang lecheng lesson na ito..
BINABASA MO ANG
Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-
Teen FictionFirst Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in live #1 in Bookmark I'll carve the secrets between you and I. (From Fiction to Bookmark to MATVIP) Page Series 1: *First Villera, Clover...