Sa sasakyan na ni Acid ako sumabay..Ang hirap ng walang sasakyan..
Lakas kasi ng trip ni Dad. Pinakuha ang sasakyan ko dahil baka makasuhan pa akong reckless driving. Kaya ang lola niyo. Nabubuhay lang sa pahatid-hatid at sundo..
Buti nga maswerte pa akong may nagsusundo lage kay Butter kaya di ako nahihirapang mag-commute..
Pagdating namin sa school, nakataas kaagad ang mga kilay ng mga schoolmates kong inggetera dahil nakita kaming magkasamang lumabas ng kotse ni Acid.. Mga myembro siguro sila ng fans club nitong impaktong 'to..
Pinanlalakihan ko lang ng mata ang mga nakikita kong nakaismid at napapairap sa akin.
Mas malupit akong umismid at umirap sa inyo mga leche kayo.
Nakarating kami sa room at prente nang nakaupo ang dalawang kumag sa likod ng upuan namin. Kami na lang din pala ni Acid ang huling dumating kaya sa amin ang spotlight ngayon.
Potcha! Sila na talaga ang mga early birds..
Nakaupo na kami sa upuan at maya-maya lang ay dumating na si Sir Jacinto.. dala-dala ang mga test papers na sinagutan namin kahapon..
"Okay class.. There are 2 students who got the perfect score." sabi ni Sir.
Wow! Sila na ang perfect..
"Mr. Clover Dominguez at Mr. Craig Cades.. Congratulations!"
Napalingon ako sa likod ko.. Matalino pala ang mga impaktong ito.. Hindi halata..
"There are 1 students who got almost perfect. Only 3 mistakes." naningkit ang mata ni Sir na nakatingin sa test paper na hawak niya..
"Miss Villera got the 297 score!"
"Oyy Miracle.. galing mo ah.." rinig ko pang sabi ng mga babae kong kaklase..
"Congrats..!"
"Miss First Villera.. you've got almost perfect.. how'd you do that?" di makapaniwalang tanong ni Sir sa akin..
Napangiwi ako sa paraan ng pagkakatanong niya.
Bulungan din ng mga kaklase ko ang naririnig ko.. Para silang mga bubuyog na malapit lang sa ulo ko. Ang sasarap hampasin ng tsinelas.
"Binasa.. sinagutan at sinulatan??" patanong kong sagot kay Sir. Kung makapaningkit kasi ng mata parang may ginawa na akong kababalaghan sa sagot ko..
Tinawanan lang ako ng mga impakto..
Napataas naman ng kilay ang mga ampalaya.. Ayaw talaga nilang malamangan.
"Nice! May iba ka pa lang alam bukod sa pagtulog sa klase ko.. Keep it up Miss First!" sambit ni Sir.. napakamot na lang ako sa ulo ko.. May dandruff na naman siguro ako.. Hindi ko kasi alam kung ini-encourage ako ni Sir o iniinsulto..
Inismidan lang ako ng mga babae.. Tsk! Inggit lang sila..
"Haha.. Galing mo First." natatawang bulong ni Acid..
"Galing kamu ng notes mo.. Buti binasa ko kahapon kung hindi mga panaginip ang naisagot ko sa exam." ismid ko sa kanya.. tumatawa pa kasi..
Happy.. happy?
Nagdiscuss na naman ulit si Sir Jacinto at kagaya pa rin ng dati.. Inaantok na naman ako!
Nahuhulog, nababali at napapatungo na ang ulo ko. Putspa talaga kapag si Sir Jacinto na hinihila talaga ako ng antok..
Napapahikab pa ako sa upuan ko..
Sinisiko naman ako ng katabi kong impakto..
Magpahampas kaya ako sa kanya para magising ang diwa ko..
BINABASA MO ANG
Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-
Teen FictionFirst Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in live #1 in Bookmark I'll carve the secrets between you and I. (From Fiction to Bookmark to MATVIP) Page Series 1: *First Villera, Clover...