Part 78

90 8 1
                                    



First points of view:

Pagpasok ko pa lang sa unit ko ay nakaupo na si Dr. Hiroshi sa sofa ko na parang hinihintay talaga nila akong sumunod sa kanila. Si Mama naman ay nililibot ang paningin niya sa loob ng unit ko.

"Nagawa ka bang busugin ng mga stocks na nilalagay ko sa ref mo noon First?" nakangising sambit ni Mama na nagpaalala sa akin sa mga pagkaing laman noon ng ref ko. Inakala ko talagang si Aleng Helena iyon na kasambahay ng mansyon ng mga Villera.

"Naisip mo din ba kung paano mabilis na naaayos ang mga gamit na sinisira mo sa condo mong ito?" patuloy pa niyang sambit na nagbibigay sa akin ng realisasyong siya ang may gawa ng lahat ng iyon. Naalala ko din ang sinabi ni Ivory na nakita na niya si mama sa loob ng condo ko noon.

"Bakit niyo po iyon ginagawa?" mahina kong sambit sa kanya na ikinangiti niya sa akin.

"Dahil anak kita First.. ayaw kong nagugutom ka.. ayaw ko ding nahihirapan ka." sambit niya. Ilang segundo pa siyang nanatiling tahimik na nakangiti bago dumagundong ang malakas na tawa niya sa loob ng unit ko.

"Hahahahaha! Na-touch ka ba sa kabaitan ko?" halakhak niya na nagpakunot ng noo ko. Lihim na lang akong napabuntong hininga dahil sa kabaliwang sumusumpong sa utak niya.

"Iniisip mo din bang baka nag-aalala ako sayo kaya ko ginagawa iyon?" tunog sarkastiko niyang dagdag na tanong. Nanatili lang akong tahimik na nakatingin sa kanya. Sa kabilang banda ay tama siya, kahit ilang segundo lang ang dumaan habang sinasabi niya iyon lihim akong umasa na may malasakit pa rin siya sa akin kaya niya iyon ginagawa.

"Ginawa ko iyon dahil dito First." sambit na naman niya habang may pinapakita siyang isang maliit na camera sa akin.

"Kapag gusto kitang bisitahin ay nagdadala ako ng pagkain upang makapasok lang sa entrance ng hotel na ito.. what a brilliant idea, right? .. sobrang galing ng naisip ko upang malaman lang ang bawat galaw mo.. kung sino-sino ang nakasalamuha mo.. ang mga plano mo at kung pinupuntahan ka ng ama mo!" bumagsik ang hitsura niya ng mabanggit si dad. Napalingon pa ako kay Dr. Hiroshi na nanatiling tahimik lang din na nakaupo sa harapan ko.

"Sa tuwing nagwawala ka ay alam ko.. sobra akong natutuwa kapag naririnig ka habang parang baliw na sumisigaw sa galit dahil alam kong umeepekto sayo ang dievil drug na tinurok namin sayo. Sa tuwing nagagawa mong saktan ang sarili mo ay parang isang magandang tanawin sa mga mata ko. Ang mga galit mong sigaw ay parang musika sa pandinig ko.. Your a true monster First.," proud niya pang dagdag dahil sa kinahinatnan na ngayon ng buhay ko.

"Ano ba talaga ang gusto mong gawin sa akin Mama? Alam kong hindi pa sapat sayo ang nangyayari sa akin ngayon.. sabihin ko sa akin, ano pa ba talagang gusto mo?" tahasan ko ng tanong sa kanya na nagpabalik ng ngiti niya.

"Let me tell you my story before that, hmm.." sambit niya habang umuupo na sa upuang kaharap lang din ng kinatatayuan ko.

"To tell you the truth.. Before I met your father ay nagtatrabaho na ako sa ama ni Hiroshi.." binalingan pa niya ng tingin si Dr. Hiroshi na walang ibang ginawa kundi ang tumango lang. "Bago niya din maimbento ang dievil drug ay nakaplano na iyon noon pa.. ang isang dahilan kung bakit nila gustong maimbento iyon ay upang gamiting human weapon ang mga taong na-inject ng drogang iyon.. particularly.. kayo ng mga kasama mo ang naging successful sa eksperimentong iyon.."

"And we are here to tell you na kailangan niyo ng gampanan ang bagay na iyon para sa organisasyon." nagtataka akong napabaling kay Hiroshi ng sumingit siya sa pagsasalita ni mommy.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"The first experiment was successful kaya I'm sure na magiging successful din iyon sa inyong apat." dagdag na naman nito na hindi ko pa rin lubos na naunawaan.

"Sa madaling salita, kailangan niyo na ding magtrabaho sa organisasyon."

"What? No! Hinding-hindi kami papayag sa gusto niyo." mariin kong tutol sa kanila.

"3 days from now ay kaarawan ko na First.. magandang regalo ang pagdadala mo sa akin ng tatlo mo pang kaibigan.." nakangisi pa ring sambit ni mama na patuloy ko lang na inilingan. Hindi ako makakapayag na mapasailalim kami ng kung anong organisasyon meron sila.

"No! Hinding-hindi iyon mangyayari." baling ko sa kanilang dalawa.

Ngumisi lang silang dalawa sa akin bago ulit magsalita.

"Kahit kapalit ng buhay ng pamilya mo.. ng mga kaibigan mo.. at ng mahal mong si Clover?" nakangising tanong ni mama na nagpaiba ng emosyon ko.

"You can't hurt them."

"Paano mo naman nasabi?" ngumisi pa si Mommy bago siya may kinuha na kung ano sa kamay ni Hiroshi na di ko na napansin kung ano iyon. "..dahil ba kaya niyo ng makipaglaban ngayon?" sambit niya pa kasabay ng pagpindot niya sa isang remote control. Biglang sumakit ang sentido ko na kumalat pa sa buong ulo ko, sinabayan pa ng animo'y kuryente na biglang ding dumaloy sa mga ugat ko. Hindi ko maintindihan kung saan iyon nanggaling o kung paano iyon nangyari pero alam kong may kinalaman iyon sa pinindot niyang control..

Inulit pa iyon ni Mama na impit kong ikinahiyaw dahil sa sakit ng buong katawan ko. Maging ang utak ko ay parang sasabog dahil sa di ko malamang koneksyon ng control na iyon.

"Ahhhhhhhhh!!! Stop it m-mom.. please." makaawa ko pa sa kanya na ikinalakas ng halakhak niya.

Nanghihina akong bumagsak sa sahig habang animo'y namanhid ang buo kong katawan.

"This is the effect of human manipulation controller First.. hindi lang utak mo ang kayang manipulahin ng naimbento kong droga dahil pati katawan at kaluluwa mo ay magiging sunod-sunuran din sa gusto ko." rinig kong sambit ni Hiroshi.

Gusto ko siyang balingan ng masamang tingin pero ramdam ko ang sobrang panghihina ng katawan ko ngayon. Kahit nga ang paghinga ko ay animo'y may pumipigil sa hangin na pumasok sa katawan ko. Minamanhid nito ang lahat ng parte ng katawan ko pati ang utak ko. Animo'y pinipigilan din nito ang pagdaloy ng dugo sa ibang parte ng ugat ko. Kahit nakapikit ako may mga imahe na animo'y anino na nakikita ng mga mata ko. Eto pala ang tinutukoy nila ni mommy. Totoo ngang kaya nilang manipulahin kung sinong tao man ang nainject ng drogang iyon.

Nakaramdam ako ng pag-aalala ngayon dahil hindi lang ako ang kayang manipulahin ng imbensyon niyang ito dahil pati mga kaibigan ko ay alam kong wala ding magagawa laban dito. Alam kong malalakas sila, kaya nilang makipaglaban, mano-mano man yan o may sandata pero sa sitwasyong ito, imposibleng makakayanan nilang lumaban pa.

Bago pa man ako ganap na mawalan ng malay pansin ko pa ang paglapit ni Dr. Hiroshi sa akin at paghawak nito sa buhok ko.

"I know where you can find Cane." halos pabulong na lang na rinig ko sa sinabi niya.

"You will meet her in your mother's birthday. Tell it to your friend." dagdag pa nito patungkol kay Cane na nakasama namin noon sa isla niya.

Si Cane ang kasama naming hawak pa rin niya hanggang ngayon. Alam kong ginagawa nina Ivory at Blue ang lahat upang mahanap lang siya at makuha sa baliw na doctor na ito. At ngayon ngang personal na nitong sinabi ang kinalalagyan ni Cane, malaki ang posibilidad na mababawi namin ito. Ngunit malaki din ang posibilidad na siya ang tinutukoy na unang success human experiment ng baliw na doctor na ito. Sana nga lang ay hindi pa huli ang lahat.

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Thank you.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon