Page 61

115 13 1
                                    



First points of view:

"Where are we? It's so dark here Ivory." rinig kong tanong ni Dew kay Ivory na siyang nagmamaneho pala ng sasakyan.

Napatingin naman ako sa paligid at tama nga siya. Kung hindi lang dahil sa ilaw ng sasakyan ay wala kaming makikita sa paligid dahil sa sobrang dilim nito.

"We're going to meet someone." makahulugan naman niyang sagot sa amin.

"Who?" curious kong tanong dito na inilingan lang niya at hindi niya din sinagot.

Muli kaming natahimik habang binabaybay pa rin ng sasakyan namin ang madilim na daang hindi ko alam kung saan papunta.

Isang oras din ang nagdaan ng may mamataan na kaming iilang ilaw sa isang animo'y pabrika o building, ilang metro ang layo mula sa pinagtigilan ng sasakyan namin.

"This is a secret facility of LHA known as Livied High Academy kung saan pinag-eeksperimentohan ng mga doctor ang mga katulad nating nainject ng drugs na gawa ni Dr. Hiroshi." paliwanag ni Ivory habang nakatingin sa malaking building na kaharap namin ngayon.

"How did you know these?" tanong ko sa kanya na sinenyas lang bilang sagot ang tahimik na si Blue.

"Isa ito sa hinahanap ng underground organization kaya nabanggit ni Papa sa akin." sambit naman ni Blue. "Remember Cane?" baling niya pa. "She's in there, and we need to save her." dagdag pa niya na ikinaalala ko kay Cane na nakasama namin noon sa isla ni Dr. Hiroshi.

"Siya ba ang pinunta natin dito?" baling ko sa kanila.

"No. Not only for her First." sambit na naman ni Ivory. Sumeryoso pa siyang bumaling sa akin bago muling magsalita. "Na sa'yo na kung sino pa ang mahahanap mo dito." weird niya pang dagdag na ikinakunot na ng kilay ko.

"Bakit hindi mo pa ako diretsohin Ivory? Stress na nga ako sa nangyari kanina, dadagdag ka pa?" naiinis kong sambit sa kanya.

"You deserved it First. Sa lahat ba naman ng kabaliwang ginawa mo, bagay lang sayo ang ma-stress." walang gana niyang rason sa akin na ikinasimangot ko sa kanya. Kaibigan ko ba talaga ang isang 'to?

"Ikaw lang ang makakapagsabi kung tama ang hinala namin ni Ivory, First." baling naman ni Blue na ramdam kong may alam din sa pinagsasabi nitong si Ivory.

"Tsk! Pa-suspense pa kayo." inis kong sambit habang nakasunod ng maglakad sa kanilang dalawa papunta sa kaharap naming building.

"Maghanda ka First, baka magugulat ka sa makikita mo. Hihi." ngisi naman ni Dew na katabi ko lang sa paglalakad.

Tumaas naman ang kilay ko sa kanya bago siya kausapin. "Ikaw ba Dew, may alam ka ba dito?" pa-ismid kong tanong sa kanya na nakatawa lang niyang inilingan. Wala din siguro siyang alam tungkol sa lugar na ito.

Nagpatuloy na lang kaming sundan ang dalawa. Tahimik naming inakyat ang pader papasok ng building. Hi-tech ang lahat ng gamit na nakapalibot sa pasilidad kaya doble ingat ang ginawa namin. Isang pagkakamali lang ang magawa namin dito ay alam kong tutunog ang alarm na mag-aalarma sa mga taong nandito sa gusali.

"Cane is not here." mahinang sambit ni Blue ng napasok na namin ang halos lahat ng room ng facility na ito.

Aalis na sana kami ng mahagip ng mata ko ang hitsura ng taong familiar sa akin.

"Tita Fem?" mahina kong tawag sa ina ni Acid. Bakit siya nandito? Isa din ba siya sa doctor nag-tatrabaho kay Dr. Hiroshi?

"Siya ba ang iba pang taong makikita ko sa lugar na ito?" baling ko kay Blue ngunit umiling lang siya bago i-senyas ang nasa harap namin.

Automatikong nanlaki ang mata ko sa taong kasalukuyang kausap ni Tita Fem. Pinikit-pikit ko pa ang mata ko dahil baka nananaginip lang ako sa mga sandaling ito.

"M-mom?!" gulat at hindi makapaniwala kong sambit sa ina ko habang nakatitig sa kanya mula dito sa pinagtataguan namin.

Ilang segundo pa ang nagdaan ngunit wari'y nanatili lang akong tulala habang nakatingin lang sa pwesto niya. Bigla-biglang nanumbalik ang halo-halong emosyon na matagal ng nakatanim na sa puso't isipan ko.

"Hindi mo siya napatay noon First." mahinang sambit ni Ivory mula sa gilid ko na nagpabalik ng sarili ko.

"But h-how?- naguguluhan ko pa ring tanong hindi sa kanya kundi sa sarili ko. Buong buhay kong pinagdusahan ang ginawa ko kay Mama noon. Gabi-gabi akong binabangungot dahil sa masamang ala-ala kong iyon.

"She's alive?" patanong kong sambit habang nag-uumpisa ng magtubig ang mata ko.

Gusto kong malaman ang totoo. Gusto kong siguraduhin kung siya ba talaga ang babaeng tinitignan ko ngayon.

"What the hell are you doing First?" mahinang singhal ni Blue sa akin ng magbalak akong umalis sa pinagtataguan namin.

"I.. - i want to t-talk to her Blue.. g-gusto kong sigurohin na siya talaga ang Mama ko." baling ko sa kanya.

"You can't do that gaga! Andito tayo sa kota ng kalaban!" si Dew naman na kahit hindi ko siya balingan ng tingin ay alam kong inikutan na naman ako ng mata niya.

"Who told you na patay na ang ina mo First?" tanong naman ni Ivory. Napalingon naman ako sa kanya sa tanong niya dahil ramdam kong may iba siyang ibig sabihin doon.

"It's dad." sagot ko naman sa kanya. Seryoso siyang bumaling ng tingin sa akin bago siya magsalita ulit.

"Then, ask him.. ask your father about your Mom dahil kung totoong namatay ang ina mo noon, sino ang babaeng nasa harapan natin ngayon?" suhestiyon niya na nagpatigil sa akin upang puntahan ang kinaroroonan ni Mama.

Tama si Ivory. Kailangan ko munang malaman ang totoo at tanging si Papa lang ang makakasagot non.

"Let's go." yaya naman ni Blue sa amin upang lumabas na kami ng building. Tinapunan ko muna ng tingin si Mama at si Tita Fem na seryoso pa ring nag-uusap hanggang ngayon bago sumunod sa mga kasama ko.

Gulong-gulo ang isip ko habang naglalakad palabas ng gusali. Hindi ko alam kung totoo ba talagang buhay si Mama at dumagdag pa sa iniisip ko kung anong koneksyon ng ina ni Acid na si Tita Fem kay Dr. Hiroshi.

Bumalik sa alaala ko ang maraming gamot na nakita ko noon sa bahay nila ng minsan akong dalhin ni Acid doon kasama ng mga impakto niyang kaibigan. Hindi ko lubos maisip na kay Dr. Hiroshi pala nagtatrabaho si Tita Fem. At lalong hindi ko lubos maisip na all this time ay buhay pala si Mama at maaaring noon pa sila magkakilala ni Tita Fem.

Coincidence lang kaya ang lahat ng ito?

***

Author's note: Pasensya kung medyo magulo ang page na ito. Hihi lutang pa rin ako dahil napuyat ako kakapanood ng netflix. Ahahaha kayo muna mag-adjust please lang.

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon