Page 29

211 56 123
                                    



First pov;

"Are you okay?" mahina kong sambit kay Dad.

Nag-iwas lang siya ng tingin bago tumango.

Kahit nasaktan ako dahil sa paglihis ng tingin niya, pinipilit ko pa ring huwag bumigay at maiyak na naman sa harap niya.

Mataman ko lang siyang tinignan. Natatakot akong lumapit ng husto sa kanya dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mayakap ko na naman siya. Baka magmakaawa na naman ako para tanggapin niya lang akong anak niya.

Tumalikod na ako at mabigat ang mga hakbang na lumabas ng ospital room. Umaasa akong tawagin niya ako pero nakalabas na lang ako sa pinto, hindi ko pa rin marinig ang boses niya.

Sabagay, bakit pa ba niya ako tatawagin kung ako din naman ang may dahilan kung bakit siya naospital.

Napabuntong hininga na lang ako. Nadagdagan pa ata ang kasalanan at konsomisyong binibigay ko kay dad. Nagkasakit pa siya sa puso ng dahil sa akin.

Mabigat ang dibdib kong naglakad palabas ng ospital ng may biglang humawak sa kamay ko kaya napalingon ako dito. Bibigwasan ko na sana kung hindi ko pa napansin kung sino.

Tsk! Bakit ang hilig nitong humawak ng kamay ngayon? Nakakatatlo na ang impaktong ito ah.

—una, sa harap ng magulang niya, pangalawa naman kanina sa loob ng kwarto ni Dad at pinakita pa talaga sa fiance niya at sa impakta kong madrasta.. at ngayon naman umulit pa. Tsk! Nag-enjoy lang?

Tinaasan ko siya ng kilay habang palipat-lipat ang tingin ko sa kamay at mukha niya.

"Where are we going?" tanong nito sa akin at hindi man lang pinansin ang nakataas kong kilay at ang pagtingin ko sa kamay niya.

"Tsk!" singhal ko lang at winaksi ang kamay niya pero ang kulit ng loko. Humawak ulit.

Ngumiti pa ito ng samaan ko siya ng tingin.

"Nawawala ka ba?" mataray kong tanong sa kanya.

"Bakit?" ngisi nito.

"Kanina ka pa hawak ng hawak ng kamay para kang batang nawawala."

Natawa lang ito sa sinabi ko at nakakalokong tumingin sa akin. "Hindi ako bata pero pwedi mo akong maging baby!"

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o mapapatampal sa noo ko kaya napangiwi na lang ako sa banat niya. Banatan ko din kaya ito?

Magkahawak kamay kaming lumabas ng ospital papunta sa sasakyan niya at babanatan ko na talaga sana siya kung hindi niya pa binitawan ang kamay ko.

Pinagbuksan niya muna ako ng pinto bago siya pumunta sa kabilang side.

"So where are we going?" tanong niya ulit sa akin ng makaupo na kami sa loob ng kotse niya. Katunog niya si Dora the Explorer kung makatanong kung saan kami pupunta. Maglabas kaya ako ng mapa. Tsk!

"I want to go home." tamad kong sagot sa kanya at pumikit habang nakasandal ang ulo ko sa bintana. Hinintay kong paandarin na niya ang kotse pero iba ang ginawa niya.

Tsk!

Hinatak niya ako at biglang niyakap. Hinagod pa niya ang likod ko habang nakabaon ang mukha ko sa dibdib niya.

"I'm here First. I'm always here for you." bulong niya sa akin. "I know what you really feel right now kaya wag mo nang itago sa akin kung anong nararamdaman mo ngayon."

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon