Part 87

93 11 0
                                    


First points of view:

"W-what are you talking about?" di makapaniwala pang sambit ng ina kong si Anastasya. "Did you really think na maniniwala ako sa mga sinasabi mo?" dagdag pa niya.

"Oh., wala ka bang mata Anastasya?" napaikot pa ang mata ni mommy sa kanya. "Look at them." baling pa nito sa amin ni Miracle na ikinatingin din ng ina namin sa aming dalawa. "Can't you see their resemblance? Magkamukha silang dalawa.. the nose.. they're skin.. the shape of their eyes.. ano pa ba ang gusto mong malaman, hmm?" nakangising sambit ni mommy sa kanya.

Bahagya pa itong napailing bago pa man sambitin ang hindi makapaniwala niyang salita.

"No. T-that's not true.. s-stop fooling me Prim.." giit pa nito na nagpatawa na namang muli kay mommy.

"Hahahahahaha!! ..hindi mo pa ba nakikita ang ebidensya Anastasya? O hindi mo lang talaga tanggap na nagawa mong pahirapan ang sarili mong anak?" tahasan nitong sambit na ikinailing ni mama.

"No! This is not true! No! . .First?" baling pa nito sa akin. Mariin kong nakagat ang labi ko sa tagpo naming ito. Hindi ko alam kung ano ang mas mabigat sa nararamdaman ko. Ang hindi ba pagtanggap ng ina ko sa katotohanan o ang pagsabi ni mommy ng totoo. Pareho akong nasasaktan sa dalawang bagay na iyon. Parehong nadudurog ang puso ko sa mga sandaling ito dahil sa dalawang ina na nasa harapan ko ngayon.

"No! I'm not." pabulong kong sambit na nagpahalakhak ulit kay mommy.

"Really? Hahahaha.. it's now a tie. Hindi mo tanggap na anak mo si First Anastasya.. at si First naman ay hindi ka tanggap.. hahaha.. the best show ever!" natutuwa pang saad ni mommy.

"Mom.." baling ko sa pagtawa niya.

"What?" sarkastiko naman niyang baling sa akin. "..I'm not your mom First.. ang babaeng ito ang tunay mong ina.." sambit niya habang tinuturo si Anastasya.. "Bakit hindi mo siya matawag na ina ngayon? .. call her mom First.. c'mon." nakangiti niya pang panghihikayat sa akin. Alam kong pinaglalaruan lang niya ang damdamin ko ngayon. Alam kong alam niyang nasasaktan ako ngayon. This is what she wants.. hurting me hanggang maramdaman kong walang nagmamahal sa akin.. na wala akong kwentang tao.

"M-mommy please.. t-tama na po." pigil ko pa sa kanya.

"STOP CALLING ME MOM!! Hindi kita anak at kailanman hindi kita tinuring na anak!" sumbat niya pa sa akin na pinipigilan kong huwag umiyak sa harap niya. Alam ko naman iyon. Matagal ko ng tinanggap ang katotohanang iyon. Pero 'yung hapdi dito sa puso ko ay hindi pa rin nagbabago.

"First. ." napalingon ako sa pagtawag ng ina kong si Anastasya sa akin. "I-. .I'm sorry." humagulhol siya sa harap ko ng mabanggit niya ang katagang iyon. Mabilis siyang inalalayan ni Miracle habang ako ay nanatili lang sa kinatatayuan ko.

"Cry now Anastasya.. pagsisihan mo ang pagpapahirap na pinaranas mo sa sarili mong anak. Ang masasakit na salitang sinabi mo sa kanya noon. Ang paglayo sa kanya sa sarili niyang pamilya. . Alam mo bang mas masahol pa ang ginawa mong kasamaan sa kanya kaysa sa akin? Hahahahaha.."

"Hayop ka Prim!" galit na sigaw ng ina kong si Anastasya kay mommy.

"Mas hayop ka Anastasya!" balik din nito. Hinarap niya akong muli bago pa utusan ulit ang mga tauhan niyang nakatingin lang sa amin.

"Get her out of here! Bilis!" sigaw pa ni mommy sa mga tauhan niya upang ilabas ako sa kwartong ito.

Wala akong lakas upang magpumiglas pa kaya hinayaan ko na lang silang dalhin ako kung saan. Napalingon pa ako kay Miracle ng magbalak itong pigilan ang pagkuha nila sa akin.

"First!" tawag pa nito sa akin na bahagya ko lang na inilingan.

"D-darating si Craige.. he will save you.. Just hang on, okay?" sambit ko sa kanya bago pa ako bumaling ng tingin sa umiiyak kong ina.

"First. ." pabulong pa nitong tawag sa akin. Sa unang pagkakataon ay ngayon ko lang nakita ang emosyon niyang iyon. Ang pagsisisi at pangungulila na hinding-hindi ko nakita noon habang pinagmalupitan niya ako.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya kapagkuwan. Rinig ko ang paglakas ng hagulhol niya na bakas ang pagsisisi doon. Kasabay din nun ang malakas na halakhak ni mommy habang nakasunod ng lumabas sa akin sa kwarto.

Tuluyan ng tumulo ang pinipigilan kong mga luha ng makalabas na ako. Pinipilit kong huwag mapahagulhol upang hindi lang makita ng iba ang panghihina ngayon ng kalooban ko. Sobrang bigat ng nararamdaman ko sa oras na ito na tahimik kong ikinahiling na sana tuluyan na lang akong nakalimot. Higit pa ito sa takot at lungkot na mabulag ako.. dahil ang pagkabulag ay mata lang ang may deperensya pero ang hapdi ng puso ko ay umaabot hanggang sa kaluluwa ko.

Ramdam ko ang unti-unting pagkawala ng natitira ko pang pag-asa. Hindi ako nakakapag-isip ng tama na kahit pagpalag sa mga nakahawak sa akin ay hindi ko na nagawa.

Hinayaan ko lang silang dalhin ako sa kung saang lugar. Tahimik akong sumunod kung saang direksyon nila ako dinadala. Hindi ko rin naririnig na nagsalita si mommy na nasa likod ko lang sa mga sandaling ito. Pero mabuti na din iyon. Mabuti na ding tahimik siya dahil baka isang masakit na salita lang na lalabas sa bibig niya ay tuluyan na akong humagulgol.

Nakarating kami sa isang maliit na stage. Nasa tabi kami nito kaya hindi pa kami napapansin ng mga bisita niya. Pansin ko ang nakasulat na pabati sa kanya sa kaarawan niya. Pansin ko rin ang iilang pamilyar na mga taong dumalo ngayon sa party niya.

Happy birthday mama.

Sambit ko habang lihim na lang na bumaling sa kanya ng tingin.

Napatingin ako sa mga kilala kong tao kapagkuwan. Bakit pa sila pumunta? Hindi ba nila alam na mapapahamak sila?

Nakangiting umakyat si Mommy sa stage. Masaya siyang bumati sa mga dumalo.

"I'm glad that you came Lovie." sambit pa nito habang nakangiting nakatingin sa ina ni Clover kasama si tito Oliver na ama niya.

Naroon din sina tito Rigor at tita Mariette na mga magulang ni Craige. Si Tita Pam din na ina ni Acid ay nakihalubilo din sa kanila.

Halos lahat ng pamilya ng mga kaibigan ko ay narito. Pati si Ate Sage ay naririto din. Nagpapasalamat na lang ako na hindi niya kasama si Jelly maging ang iba ko pang kaibigan at ang daddy niya.

Pumalakpak ang lahat matapos magsalita ni mommy. Hindi ko na namalayan pa kung ano ang sinabi niya dahil nakatuon sa mga taong kilala ko ang isip ko.

Mula sa kinatatayuan ko, napansin ko ang pagdating nina Clover kasama ang mga Dark Knights. Gusto kong sabihin sa kanila na hanapin nila si Tork at ibang mga kaibigan ko pero natulala na lang ako ng bumukas ang isang monitor na nagpalabas ng mga imahe ng mga kaibigan ko habang nakatali sila sa isang upuang bakal.

Napatayo ako at ngayon ko lang binalak na magpumiglas sa mga humahawak sa akin.

"No!"

Ano ang ginawa nila kay Tork? H-hindi ito maaari. Hindi siya pweding matulad sa akin! No! Not him!

***

Author's Note: Not an epilogue.. haha sorry.. few page pa pala.. huhu.. matsura kasi kapag ginawa ko 'tong epilogue..

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Thank you.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon