Chapter 6

38 2 0
                                    

Chapter 6

Sa tagal kong paghihintay sa mga in-apply-an kong kumpanya o restaurant man, ni isa sa kanila ay wala akong natanggap na balita. I can't help but feel bad, yet I still have hope in my heart.

All my batchmates were lucky, kasi naman natanggap agad sila. Seeing their posts on my newsfeed wearing their uniforms and looking professional makes my heart feel a little bit of envy.

Still, I always looked at the bright side. I was actually happy seeing them successful because I've seen how they worked hard just to achieve what they've got, and I got motivated to do well more.

Nang marinig ko kay Ms. Bubbles na tanggap ako ay hindi ko napigilan ang sarili na yakapin siya. Finally, someone accepted me now!

"Thank you talaga, Nympah, sa pagsama sa akin," sabi ko, pauwi na kami. Niyakap ko pa siya. "I won't stop thanking Him for giving me a friend like you."

"Para saan pa't naging kaibigan mo ako kung hindi kita tutulungan o susuportahan?" She laughed.

Kumain muna kami at nilibre ko siya bago kami tuluyan na umuwi sa amin. Hinatid ko rin siya hanggang sa kanila at nginitian pa si Tita bago aki umuwi sa amin.

"Hi, Florence," bati ko nang makauwi sa bahay. Sinulyapan niya lang ako saglit ay sinamaan ng tingin. "Nasa kwarto ba ninyo ang mag-ina mo?"

"Oo," sagot niya nang hindi ako nililingon.

Ngumiti lang ako, 'saka umakyat para puntahan si Loren. Nang kumatok ako ay sumagot siya na pasok kaya binuksan ko ang pinto at sumilip.

"Hi," bati ko.

"Bakit, ate? May kailangan ka?" mahina ang boses na tanong niya, pinapatulog kasi si Lorence.

"May trabaho na ako..." kinagat ko ang labi. "Start na ako bukas na bukas..."

"Talaga?!" excited niyang sabi, nagising pa si Lorence. "Shhh, tulog na tulog na..."

Naglakad ako papasok at lumapit sa kanila. Hindi ko n hinawakan si Lorence dahil galing ako sa labas. Kamukhang-kamukha talaga siya Florence.

"Nasabi mo na ba kay Florence, ate?" pagkuha niya ng atensyon ko.

"Hindi, eh," pag-iling ko.

Hindi ko alam kung sa pa'nong paraan ko sasabihin dahil ayaw niya naman akong kausap.

"Ako na lang ang magsasabi, ate."

"Thank you," ngiti ko. Nagtipon ang saya sa puso ko at parang unti unting umaapaw. "Baker na ako bukas, Loren."

Baker

Ayon ang isa sa pangarap ko maging. At nang sabihin ni Ms. Bubbles na baker na ako katulad niya, sobrang tuwa ko, dahil pakiramdam ko ay achievement na ito sa akin.

"Matutuwa nito si Papa, ate." Ang lawak ng ngiti sa akin ni Loren. "Sobrang saya ko para sa'yo, ate, dahil may trabaho ka na. Natutuwa ako na makitang naabot mo na pangarap mo."

Nag-init ang puso ko dahil sa sinabi niya. Malaking bagay na nandito si Loren sa bahay dahil isa siya sa mga sumusuporta sa akin bukod kay Papa. Siya rin ang madalas kong ka-kwentuhan dito dahil hindi naman ako gusto ng kapatid ko.

"Nabanggit mo sa akin noong isang araw na.... gusto mong mag-aral, 'di ba?" sabi ko, nakangiti, pinapanood ang reaksyon niya.

"Napagtanto ko lang, ate, na magastos pala... kaya baka hindi na. Sa anak ko na lang ipopokus lahat ng gastos."

Nang malaman na nabuntis ni Florence si Loren, ay nagalit si Papa at hindi makapaniwala. Kaya naman, ang akala namin na isang araw na pag-alis niya sa amin, ay tumagal ng ilang taon din.

Light Under The Glooms (MPS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon