Chapter 12

28 2 0
                                    

TW: mention of suicide and depression

Chapter 12

Kinabukasan ay hindi ko na naabutan si Papa, maaga ata siyang pumasok ngayon. Dahil nga may one week vacation kami, wala rin kaming pasok dalawang araw bago kami umalis, para rin daw makapaghanda kami.

Nadatnan ko ang kapatid ko na karga ang anak niya. Tulog pa ata si Loren. Ngumiti ako nang maliit nang masulyapan ang natutulog na mukha ni baby Lorence.

Hindi na ako lumapit sa kanila dahil baka makasira lang ako ng araw, kaya dumiretso na lang ako sa kusina para magtimpla ng kape.

Nang malaman ko ang dahilan ng galit sa akin ni Florence, namuo ang hiya sa dibdib ko. Hiya, dahil ang lakas kong magtanong kung bakit nga ba siya galit sa akin, kung ang tanging sagot ay ako naman pala.

It was my fault.

"Good morning, ate!"

Ang boses ni Loren ang nagpabalik sa wisyo ko. Ngumiti ako sa kaniya at inalok siya ng kape, na agad niya ring tinanggihan.

"Nga pala, ate. Mag-enjoy ka sa sa pupuntahan niyo. 'Wag mo kaming alalahanin muna dito," sabi niya nang lapitan ako. "Try mo rin maghanap ng magiging boyfriend doon."

Natawa ako. "Susubukan ko 'yan."

Tinawanan niya rin ako. Nagtimpla lang siya ng gatas ni Lorence habang nag-uusap pa rin kami.

"Kung okay lang sa'yo, p'wede mo ba akong tulungan mamaya mamili ng susuotin na dadalhin ko?" tanong ko.

"Sure! Pagkatapos natin kumain tutulong ako, tutal si Florence naman daw muna ang bahala sa anak namin."

Kaya nang matapos kaming kumain ay umakyat na rin kami sa itaas. Ramdam ko p rin ang panlalamig sa akin ng kapatid ko kanina. I should start accepting the consequences of the things I did to him.

"Marami ka bang dadalhin, ate?" sabi ni Loren nang makapasok kami sa kwarto ko.

"Hindi naman. Konti lang talaga ang balak ko, hindi lang ako makapili kung ano."

Dumiretso na siya sa cabinet ko at inisa-isa ang mga damit ko na nakasabit sa hanger. Ako naman ay pumasok ng cr para kumuha ng mga toiletries ko na dadalhin.

"Ang dami mo namang pera, ate. Bakit nakaipon lang dito sa wallet?" si Loren nang makita ako na lumabas ng cr, hawak niya nag wallet ko.

"Nakita mo pala 'yan."

"Oo, nasa gilid lang kasi, akala ko kung ano," aniya, bago inabot sa akin.

Tumango ako. Dito ko tinatabi ang kalahati ng sahod ko... halos lahat pala ng sahod ko. May pinag-iipunan kasi ako gaya ng gift ko kay Nympah, at para sa panggastos sa pag-aaral nila Loren at Florence.

Halos patapos na ako sa paglagay ng gamit ko sa maleta nang pumasok si Loren kwarto ko. Naagaw ng atensyon ko ang hawak niyang light blue one-piece swimsuit.

"Ate, dalahin mo 'to. Hindi ko pa naman nagagamit!"

"hindi na kailangan iyan, Loren."

"Ano ka ba, ate. Para mas lalo kang maganda sa picture taking niyo!" Halos iwagayway niya pa sa akin ang hawak. "Bagay kaya sa 'yo ito. Mas lalo kang puputi sa kulay na ito."

Napanguso ako. One strap lang ang swimsuit, pero makapal naman ito. May cut na circle sa baywang nito, kaya kita panigurado ang tiyan at pusod, pati na rin ang likurang bahagi.

Nakita ko ang pagkagusto ni Loren kaya naman pumayag na ako. Halos yakapin niya pa ako at mag-send daw ako sa kaniya kung anong itsura ko suot-suot ito. Tanging pagtango na lang ang ginawa ko.

Light Under The Glooms (MPS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon