Chapter 9

37 2 0
                                    

Chapter 9

"Kumusta naman ang relasyon niyo ni Nate?"

Lia asked me with a smile when I arrived. Ni hindi ko pa nga nailalapag ang gamit ko. Tuloy, miski si Lori na busy sa pag-aayos sa sarili ay napatingin din sa gawi namin.

"We're good," sagot ko at ibinaba ang gamit. "Wala kaming relasyon, Lia."

Humaba ang nguso nito nang sabihin ko iyon.

"Maayos lang kayo?" Tumango ako sa tanong ni Lori. "Goods na 'yan," tatango-tango ang ulo na sabi niya.

"Ang hina naman ni Nate," tila dismayado ang boses na sabi ni Lia.

Nginitian ko lang siya.

"Ilang araw pa lang naman kasi silang nag-uusap, Lia," si Lori. "Hindi dapat mina-madali ang lahat."

"Alam ko. Nakakapanlumo lang dahil parang walang improvement na nagaganap sa kanilang dalawa," hirit pa ni Lia.

Nakikinig lang ako sa dalawa. Mabuti nga maaga pa kaya may oras pa kaming tatlo rito. Si Luis din ay wala pa.

"Ano bang improvement?"

"Kung nanliligaw na ba si Nate! Ano ba 'yan, Lori, napakahina mong pumick-up."

"'Te, ang sabihin mo minamadali mo ang lahat. Minamadali mo si Lein."

Sabay silang napatingin sa akin. Nginitian ko na lang sila at sinabing tumigil na baka kasi magkapikunan pa.

"Hindi siya nanliligaw sa akin, Lia," sabi ko para matigil na ito. Ngumuso lamang siya at naupo. "Magkaibigan lang kami, wala ng iba."

"Kaibigan. Doon din naman nagsisimula ang lahat," sabi niya pa.

I just shrugged it off. Kung pagbabasehan ko ang sa amin ni Jinoh, sana nga... tama si Lia.

I erased my thoughts.

Suminghap ako ng hangin bago tumayo para dumiretso na sa cr at makapagbihis na rin. Inayos ko rin ang buhok ko bago maglagay ng hairnet dito. Isang beses ko pang pinagmasdan ang sariling repleksyon sa salamin at ngumiti.

"Akala ko lumabas na kayo," sabi ko nang makalabas. Nginitian lang ako ng dalawa. "Wala pa si Luis?"

"Wala pa nga, e. Pero bihis na rin naman iyon kung pumasok kaya walang problema sa kaniya," si Lori at dumiretso sa may counter. Si Lia naman ay nag-ayos na ng mga lamesa.

Inayos ko muna ang suot na apron bago tumulong kay Lia sa pag-aayos. Maya-maya ay dumating na rin si Luis na agad na dumiretso sa pwesto niya para maghanda ng mga kape.

"May nararamdaman ka ba sa kaniya?" tanong ni Lia.

"Kanino naman?"

"Kay Nate siyempre! May iba pa ba?" She laughed.

Yes, may iba pa akong nakausap at si Jinoh ito.

"Si Nate lang naman ang lately na kausap mo o na kasama."

Tumango na lamang ako sa kaniya. Ayoko namang idamay pa si Jinoh dito sa usapan namin dahil baka magtaka lang sila.

May nararamdaman nga ba ako kay Nate?

Kapkapan ko man ang sarili, masasabi ko na wala talaga. Ni wala akong maramdaman na kakaiba tuwing kausap siya, hindi gaya kay Jinoh. Bakit ko ba sila kinukumpara?

"Wala akong gusto kay Nate, Lia," sagot ko at ngumiti nang maliit.

Ayoko naman na magsabi kay Lia na hindi ko kayang panindigan sa huli. Baka isipin lang nila na pinaglalaruan ko ang damdamin ng binata kung sa huli ay hindi ki naman pala siya gusto talaga.

Light Under The Glooms (MPS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon