Chapter 2
I let out a big air when I'm done preparing the table. Lumayo ako sa lamesa at nakangiting pinagmasdan ang mga nakahain doon. Florence's favorite foods: adobong manok, macaroni spaghetti at ang bi-nake kong carrot cake.
Sana magustuhan niya.
Sumaglit ako sa taas para magbihis. Ako pa lang naman ang tao rito sa bahay dahil wala pa si Papa kaya bawal akong magtagal. Baka pumasok ang pusa. Nagsuot ako ng white dress at ipinusod ang buhok, nag-iwan lamang ako ng ilang hibla sa gilid ng tainga at bumaba na rin.
My eyes glistenned when I heard a knocks outside. Nandito na siya! Binasa ko muna ang ibabang labi bago ngingiting binuksan ang pinto. Tumambad sa akin ang mukha ng kapatid kong si Florence.
"Florence!" Niyakap ko siya at halos mapa-atras pa kami. Hindi siya gumanti sa yakap ko, naestatwa lamang ito. "Na-miss kita," bulong ko sa kaniya.
"Bitaw." Kusa niyang binaklas ang yakap ko sa kaniya dahilan kung bakit bumigat ang dibdib ko.
Okay lang 'yan.
"K-Kumusta ka na?" Tinignan ko siya sa mga mata pero wala akong mabasa na saya roon. I cleared my throat. "Kumain na ba kayo? Pagod kayo sa byahe..."
"Maayos naman kami, ate," si Loren ang sumagot, asawa niya. Pinakita niya sa akin ang tulog na batang karga-karga niya. "Si Lorence, anak namin."
Napangiti ako nang ipakita niya sa akin ang tulog na si Lorence. I caressed his soft cheek, reminding me of Florence when he was a kid. Lagi ko ring hinahaplos ang matabang pisngi niya. Siopao ang tawag namin sa pisngi niya.
"Hi, baby. I'm Tita Fiorella," I softly said. Bumaling ako sa kapatid ko na sumisilip sa loob ng bahay. "Kuhang-kuha ang itsura sa 'yo, Florence."
Tumango lamang siya bago pumasok. Sinundan ko lang ng tingin ang mag-asawa bago ko isara ang pinto. Pagod ba siya kaya gano'n na lang ang panlalamig niya?
"Naghanda nga pala ako ng makakain. Paborito mo ang mga iyon, Florence."
"Nasaan si Papa?" Ilang beses akong napakurap nang iba ang makuha kong sagot. "Nasaan?"
"Nasa trabaho pa," sabi ko sa kaniya. Pinanood ko si Loren na pa-dedehin si Lorence. Nginitian niya ako nang makita ako. "Nag-bake nga pala ako ng carrot cake."
Nagsalubong ang kilay niya dahil sa sinabi ko. "Bake?" sarkastiko nitong tanong.
"Hmm," sagot at tumango.
"Kumain na kami bago pumunta rito. Kung gusto mo ikaw na lang ang kumain niyang niluto mo." Kinuha niya si Lorence at walang sabi na umakyat sa itaas. Naiwan kami ni Loren.
"Magpahinga na kayo. Ako na mag-aakyat ng gamit niyo sa taas," sabi ko sa kaniya.
"Pasensiya na, ate," aniya. Mababasa ang awa sa mga mata niya. "Pagod lang siguro si Florence kaya gano'n umakto. Hayaan mo kakausapin ko."
"It's fine." I nibbled my lower lip when I felt a pang of pain on my chest. "Bukas na lang tayo mag-kwentuhan. Magpahinga ka na rin."
"Salamat, ate. Goodnight."
"Goodnight." I waved my hand a little to her before deciding to eat... alone. Gusto ko sanang hintayin na lang si Papa pero bukas pa raw siya uuwi. Hindi pa kasi alam ni Papa na uuwi si Florence.
Matapos kong kumain ay niligpit ko na rin ang mga natirang pagkain. Hinugasan ko na rin ang mga ginamit ko bago ko maisipan na lumabas para magpahangin. Hindi pa kasi ako dinadalaw ng antok.
I closed my eyes, then smiled when a cold breeze touched my skin. I inhaled some air before I opened my eyes. Naramdaman ko ang presensiya ni Florence kaya nilingon ko siya.

BINABASA MO ANG
Light Under The Glooms (MPS#2)
RomanceMALA-PRINSESA SERIES #2 Fiorella Elein Rivera, a woman who is the epitome of kindness, was once called a light because of her soft and pure heart. With her past trauma, her inner light began to dim. Despite her scarred heart, she continued to pursue...