Chapter 7

41 2 7
                                    

Chapter 7

"Mag-uwi ka sa inyo ng ginawa mo, Fiorella," pagpasok ni Ms. Bubbles sa kitchen, na ikinatigil ko saglit.

"Ms. Bubbles, thank you po, pero..." I want to refuse, but her eyes tell me not to. Napatango ako, kinuha sa kamay niya ang basket. "Thank you po."

"No problem, Fiorella," her voice was soft and sweet as she smiled at me. "It was a gift for you for doing a good job on your first day. I was amazed at how professional you were earlier."

My heart skips a beat. Parang lahat ng pagod ko ay nawala sa katawan dahil sa boses ni Ms. Bubbles.

"Napansin ko na mas dumami ang tao kanina, compared last days. You are a blessing to our shop, Fiorella," she smiled.

"Ms. Blossom, I don't think that I'm the reason for that..."

"You were," pag-iling niya.

Napanguso ako. Wala pa naman ako dito sa shop ay sikat na sikat na ito. Kaya paano nila nasasabi na ako ang dahilan kung una pa lang maganda na ang sales nila noon pa man.

"Mag-ingat kayo, ha!" ani Ms. Bubbles, hinatid kami sa labas ng shop nang magsara na kami.

"Goodnight, Ms. B!" si Lori, ikinawit pa ang kamay sa braso ko. "Hindi lang si Ms. B ang may gift... kami rin."

May regalo rin sila sa akin?

"Thank you," saad ko sa kaniya kahit hindi ko pa naman nalalaman ang regalong tinutukoy niya.

"Ms. B, ayaw mo ba talagang sumama?" pagtatanong ni Luis. Umiling lang si Ms. Bubbles sa amin. "Hahanap tayo ng Mr. B."

"Tigilan mo ako, Luis," aniya at tumaray pa. "Mag-enjoy kayo at mag-ingat sa daan. Alis na! Shoo!"

"Ingat din po!" pagkaway ko pa kay Ms. Bubbles habang paalis kami. Naglakad lang kami papunta sa convenient store dahil mag-iinom daw kami at ito ang regalo nila.

"Ako na bibili," presinta ni Luis at tumayo.

"Sama ako!" si Lia at sumunod sa lalaki na pumasok sa store, naiwan tuloy kami ni Lori kaya naghanap na lang kami ng upuan.

Mabilis lang din na nakarating ang dalawa sa table namin. Naglapag sila ng bottle of soju at chips para pulutan. Sila na rin ang nagbayad as a gift for me.

"Thank you," usal ko nang abutan ako ng baso ni Lori.

"Hep! Hep!" napalingon kami kay Lia. Wala pa man ay parang lasing na agad ito. "Dahil first day ni Lein! Siya ang unang iinom!"

Agad nag-ingay ang dalawa na sinabayan pa sa pagsigaw ni Lia nang 'inumin' paulit-ulit. Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi matuwa.

"Okay, iinumin ko na," pagtawa ko bago inumin ang baso. Naghiyawan naman sila kasabay ng pagguhit ng pait sa lalamunan ko. "Let's enjoy this night."

Puro katuwaan ang namutawi sa table namin. Paubos na rin ang dalawang bottle ng soju na binili nila at ito na ang last dahil may pasok pa kami bukas.

"May boyfriend ka na ba?" tanong ni Luis sa akin.

Umiling ako. "Wala, eh," mahinang sagot ko.

Nagkibit-balikat na lang ako nang maalala ang mukha ni Jinoh. Nag-uwian na rin kami nang malinis na namin lahat ng kalat sa table.

"Isa lang po iyan," sabi ko nang makasakay ng jeep. Nang may makita ako na matanda na namamalimos ay binawasan ko ng ilang piraso ang basket, mabuti na plastic ang bawat tinapay. "Para sa inyo po iyan, nay. Goodnight po."

Light Under The Glooms (MPS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon