Chapter 22

17 1 0
                                    

Chapter 22

Kapag kasama talaga natin ang tao na nagpapasaya sa atin, hindi natin namamalayan na mabilis lumilipas ang oras. Na sa sobrang bilis matapos, naghahangad pa tayo ng isa pang pagkakataon.

Sa mga nagdaan na araw, wala kaming inaksaya na araw ni Jinoh. Lagi kaming magkasama. Kahit ang mga kasama ko ay hindi na rin ako tinatanong pa dahil busy rin sila.

Jinoh and I roamed the resort. We spent our time together. We went to a different place here on this small island. We tried different water activities that we both really enjoyed.

"Natatakot ako," bulong ko kay Jinoh, we were trying scuba diving. "Ikaw na lang kaya. I'll wait you here."

"No, if you're scared, then we won't do it anymore," he said as he held my cold hand.

"Paano 'yong binayad natin?"

"Okay lang 'yon. Marami na rin naman tayong nagawa."

"Pero..." I exhaled a large air. I gave him a nod, signaling him to do it together. "Let's go."

He smiled. "Are you sure?"

Tumango ako sabay ngiti. Magkahawak kamay kaming lumubog sa tubig. Nang tingnan ko siya ay halata ang saya sa mga mata niya.

Unti-unting naalis ang pangamba sa dibdib ko at napalitan ng excitement. I giggled when I saw a little clownfish swimming. Ang cute pa ng mga isda na nagtatago sa corals. Ang cute nila lahat!

Jinoh squished my hand, then he pulled me slowly closer to him. Our bodies touched each other. Pakiramdam ko ay nag-init ang buong mukha ko kahit malamig naman ang tubig.

He signaled the photographer to took us some pictures. Nagkatinginan kami ni Jinoh sabay ngiti. We made a big heart using our arms. Kung anu-ano pang posing ang ginawa namin, and I can't wait to see all the pictures and put it on the frame.

"Ipapasa na lang daw sa atin ni kuya ang pictures mamaya," sabi ni Jinoh nang makabalik kami sa bangka. Mabilis niyang inabot sa akin ang towel. "Did you enjoy?"

I nodded like a kid. "Sobra! Salamat, Jinoh!"

Naging routine na namin ang magkita sa umaga. Kagaya ngayon, he was waiting for me outside the hotel. He was standing with a flower on his hands. He was smiling sweetly as he saw me walking towards him.

"How was the coffee? Masarap ba?" he asked. We were on the coffee shop near the lighthouse.

"Hmm. It was good," I beamed at him.

Dahil nasa mataas na lugar kami, kanina pa nililipad ang buhok ko. Nang makita niya akong inaayos ang buhok ko ay siya na ang gumawa nun. Hinayaan ko na lang siya na ipusod niya ang buhok ko.

"Paano mo nahanap ito? This is the best place here in the resort. Ang ganda ng tanawin dito, kitang-kita ang dagat," sabi ko.

"Magaling ako maghanap, eh!" aniya, nagmamayabang.

"Weh? Siguro..." I teased him.

"This is my first time here, Elein. Nagdududa ka ba sa akin at nahanap ko ang coffee shop na ito?" he raised me an eye brow.

Tumawa ako nang makita ang reaction niya. "Baka itulak mo ako. Nagbibiro lang ako."

He scoffed exaggeratedly. "Bakit ko naman gagawin 'yon? Hindi ako siraulo para gawin 'yon, 'no?"

I bit my lower lip to stop myself from laughing. "Are you mad at me? Sorry."

"No," he laughed. "I'm just acting, Elein. Sorry sa words ko."

Light Under The Glooms (MPS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon