Chapter 8

39 2 7
                                    

Chapter 8

Ilang beses akong napakurap, hindi makapagsalita. Na para bang nakalunok ako ng buhangin dahil nanuyo ang lalamunan ko sa gulat.

Nawala ang ngiti niya, napalunok din nang malalim, kinakabahan na ang itsura. Miski ang paglalaro ng mga daga sa puso ko ay hindi tumigil, mas dumoble pa.

Tumalikod siya at dinig ko ang paghampas niya sa noo niya. Palihim akong napangiti na agad kong winaksi, baka makita niya akong ngumingiti sa maliit na galaw niya lang.

"Hindi mo ba ako natatandaan? Namumukhaan man lang?" pagharap niya sa akin, nakataas ang kilay, na tila nagbabakasali na makilala ko siya.

Paanong kita makakalimutan?

"Ah, nalimot mo ako," ngumuso siya.

Gusto kong matawa sa reaksyon niya pero pinigilan ko ang sarili dahil natutuwa ako sa kaniya.

"I'm Jinoh," aniya, nilahad ang kamay sa akin. "Tanda mo na ba? Ako 'yong sa Plaza, 'yong nagbigay sa'yo ng payong... kasi umuulan, 'di ba?"

Tumango ako bago ngumiti nang maliit. Tila nakahinga siya nang maluwag nang makita ang pagtango ko.

"Hmm, naalala ko," sabi ko at kinuha ang kamay niya na kanina pa nakalahad para makipagkamay. "I'm Fiorella."

"I know," pagtawa niya. "Masyado ata tayong formal sa isa't isa, pero okay lang. Nasa getting to know each other pa lang din tayo."

I coughed. Nasa getting to know each other pa lang? So ano next nito?

"Ayos ka lang ba?"

"Okay lang ako..."

Tumango siya ar umayos nang tayo. Nilagay niya ang kamay sa loob ng bulsa ng shorts niya at ngumiti muli. "Gaya ng sabi ko kanina, p'wede ba kitang ihatid pauwi?"

Tuluyan nang nagkagulo ang nalipad sa sikmura ko.

"Wala rin naman akong... kasabay, kaya sige," pagngiti ko.

"Hmm. Sasabay talaga ako sa'yo!" masigla niyang sabi.

Habang naglalakad kami ay hindi mo maiwasan na makaramdam ng saya sa puso. Normal lang naman siguro ito kasi galing ako sa trabaho at ang saya ng trabaho ko. Tama!

"Kanina ka pa ba sa labas?" mahinang tanong ko sa kaniya.

"Hinintay talaga kita na matapos," sagot niya. "Para nga akong multo siguro kasi nakatayo ako sa sulok kanina," pagtawa niya na ikinangiti ko.

"Sana sa tapat ka na lang naghintay. Ang tagal mong nagtiis sa dilim."

"Mahigit isang oras lang naman," ngingiting sabi niya, na para bang bale wala ang tagal ng paghihintay niya.

Tinuon ko na lang ang atensyon sa daan at ngumiti.

"Elein, gusto ki-" naputol ang sasabihin niya nang higitin niya ako palapit sa kaniya nang may taong tumakbo. "Are you okay?"

"Hmm," pagtango ko, kinakabahan dahil muntik na matumba kung hindi niya ako nahawakan. Tumikhim ako kaya naman dali-dali niyang inalis ang pagkakahawak sa akin.

"Sorry, sorry..."

"Okay lang. Wait, naambon ba?" Binuka ko ang palad, pinapakiramdaman kung may tutulo ba roon. "Naambon, Jinoh."

"Tara na, baka maabutan tayo," aniya, ready na tumakbo pero pinigilan ko. "Bakit? Baka magkasakit ka niyan."

"Dala ko ang payong mo," sabi ko at nilabas sa bag ang payong niya. Binigay ko sa kaniya para siya ang humawak dahil mas matangkad siya sa akin. "Tara na."

Light Under The Glooms (MPS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon