Chapter 4
"Excuse me. You two are blocking the way."
Palihim kong tinuyo ang pisngi bago bumitaw kay Yuel. Nakagat ko ang ibabang labi bago gumilid para makadaan ang babae. Maliit nga lang pala ang daanan.
"Thank you," the woman said. I looked at her, and... she's beautiful! May dinukot siya sa bag niya at nagulat ako ng panyo ito. "Here, you can use this. Don't worry, it's still clean. I didn't use it."
Tiningnan ko pa nang matagal ang kamay niya na nakalahad sa akin. Kukunin ko pa lang ang panyo ay naunahan na ako ni Yuel. Miski ang babae ay nagulat sa inaasta nitong si Yuel.
"Thank you," sabi ni Yuel.
"You're welcome," she answered. Nginitian pa ako ng babae bago niya kami iwan para umalis.
Tiningnan ko si Yuel na hindi pa rin maalis ang tingin sa babae. Kahit malayo na ito ay nakatingin pa rin siya.
"Thank you," pag-gaya ko sa sinabi ni Yuel para kunin ang atensyon niya. Tumaas ang sulok ng labi niya nang sulyapan ako.
"Gamitin mo na itong panyo niya," aniya.
"Meron ako sa bag. Ikaw na lang gumamit." Kinuha ko sa bag ang panyo para ipakita sa kaniya. "Ingatan mo 'yang panyo niya."
Nagtuloy na kami sa paglakad ni Yuel. Ni isa sa amin ay walang nagsasalita at tanging ingay lang ng paligid ang naririnig. Pinapakiramdaman ko na lang siya dahil alam ko na kailangan niya ring mapag-isa muna.
"Are you tired, Yuel?" I asked, without looking at him.
"Hindi naman. Ikaw ba?"
I shook my head. I still have energy for a walk, and I always do late-night walks para makapag-isap. Naging routine ko na rin naman ito kasi kumakalma ang isip ko kahit papaano.
"Late na. Ihahatid kita hanggang sa inyo," sabi niya nang malapit na kami sa sakayan.
"Hindi na." Nginitian ko siya. "Ikaw? Ayaw mo ba talaga sa bahay muna? May extra kwarto naman kami."
"Hindi na talaga, Fiorella," pag-ngiti niya. Tumahimik na lang ako. "Don't worry about me kung 'yan ang iniisip mo..."
"Wala naman akong iniisip," I lied. Pero, natatakot ako iwan siya mag-isa. "We'll get through this, Yuel."
"Hmm..." pagtango niya. "Kanina pala, nakita mo ba 'yong likod ng paa ng babae kanina?"
"Hindi, eh. Ano ba meron?"
"Pasa? Hindi ko sure."
"Pasa?" Naka-dress ang babae kanina at hanggang tuhod ang haba nito. Pero hindi ko naman napansin ang sinasabi ni Yuel dahil sa mukha ako ng babae nakatingin. "Are you sure na pasa ang nakita mo?"
He just shrugged his shoulders. "Hindi ko alam din alam. Baka dumi lang siguro."
Napatango na lang ako. "By the way, nakausap mo na ba ang kaibigan mo kanina?" Naibalik ko na rin kasi sa kaniya ang phone niya na iniwan niya sa akin.
"Oo, tatawagan ko rin ulit maya-maya pagka-alis mo."
Hanggang sa sakayan niya ako hinatid. Nginitian niya pa ako nang makasakay ako at 'saka lang din siya umalis nang makita na nakalayo na ako.
Yuel promised me not to do it again. And I know that he won't break the promise he made to me. I would trust him and his promise.
Wala pa si Papa nang makarating ako sa bahay. Tanging si Florence na lang ang naabutan ko at malamang nasa taas na ang asawa't anak niya."Good evening, Florence," bati ko. Hindi niya ako tinapunan ng tingin man lang. "Goodnight na. Aakyat na ako."
Gusto ko siyang kausapin para magka-ayos na kami. Pero tuwing sinusubukan ko, tila mas dumadagdag lang ang galit na meron siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Light Under The Glooms (MPS#2)
RomanceMALA-PRINSESA SERIES #2 Fiorella Elein Rivera, a woman with a kind heart who always thinks other than herself, witnessed how the light takes her mom away from her. Despite her trauma, she pursued her passion for baking. As she pursued the dream, she...