Chapter 3
"Ang aga mo naman magising, anak. Ano bang ginagawa mo?"
Natigil sa ginagawa nang marinig ang bagong gising na boses ni Papa. Binitiwan ko ang whisk 'saka inayos ang suot na apron bago humarap kay Papa.
I gave him a smile. "Good morning po. Gagawa po ako ng cake."
Naglakad ako papunta kay Papa para yakapin ito. Hinalikan niya pa ang tuktok ng ulo ko bago bumitaw sa akin.
"Nag-almusal ka na ba at gumagawa ka na riyan?" aniya at dinapuan ng tingin ang kitchen counter. "Tulog pa nga ang mag-asawa."
6:00 A.M. pa lang naman, saka inagahan ko talaga para mamaya ay mag-ri-ready na lang ako. Baka kasi traffic. Maraming tao dahil Valentine's Day pa man din.
"Kumain na po ako bago mag-bake. Nakapagluto na rin ako ng almusal."
Napailing na lang si Papa. "Ako dapat ang magluluto," aniya.
Ngumiti na lang ako.
"Gusto mo po bang ipagtimpla kita ng kape?"
"Hindi na. Magbalik ka na lang sa ginagawa mo, okay?" Ginulo niya pa ang tuktok ng ulo ko bago amo talikuran. "Gawan mo rin si papa niyang ginagawa mo," pahabol niya.
"Babaunan po kita," sabi ko na agad niyang ikinailing. "Bakit naman po?"
"Nako! Ang mga kasamahan ko lang din ang kakain. 'Yong puto nga, aba! Agad nilang nilantakan. Iisang piraso lang ata ang nakain ko."
Natawa na lang ako dahil parang bata na nagrereklamo si Papa.
"Nagtatanong din sila kung saan ko raw ba nabili," masayang kwento niya. "Aba! hindi ko sinabi at baka dagsain ng mga tao ang Fiorella ko."
Naghalo ang saya at excitement sa puso ko. Tuloy, para akong nakalutang sa ulap habang nagawa ng cake.
"Para kanino ba 'yang cake? Order?" tanong ni Papa, tapos na mag-almusal. Tanging kape na lamang ang hawak niya bago maupo sa stool chair at pinapanood ang ginagawa ko.
"Hindi po." Hindi pa ako handa sa gano'n. Siguro sa pag-bake lang muna ako ngayon. "May pupuntahan po kasi ako. Naisipan ko lang na gawan siya ng cake," sabi ko habang naglalagay ng icing sa gilid ng cake.
"Kanino naman?" Natigil ako at nilingon si Papa na nakataas na ang dalawang kilay. "Sino iyan at may pa-cake.
Kinagat ko ang ibabang labi. "Special, Pa..."
"Siguraduhin mo lang na tatapat sa kagwapuhan ko." Napatakip ako sa bibig at pigil ang tawang nakatingin sa kaniya.
"Mas gwapo ka, Pa," ngingiti kong sabi.
Sinagot niya lang ako na 'matagal ko ng alam' kaya hindi ko na napigilan ang tawa. Napakamot na lamang ako sa kilay bago lumabi at magpatuloy.
"Maayos naman po ba?" pagtukoy ko sa cake nang makabawi sa pagtawa.
"Ang ganda ng gawa mo, anak!" Mas lumawak ang ngiti ko nang makita ang kislap sa mga mata ni Papa habang sinasabi ang katagang iyon. "Natutuwa ako, Fiorella..."
"Pa..."
Suminghap siya ng hangin at nginitian ako. "Natutuwa akong makita na nagpapatuloy pa rin kayong dalawa ni Florence... Na ipinagpatuloy mo ang pag-bi-bake sa kabila ng nangyari."
Napapikit ako nang pumasok sa isipan ko ang nakaraan. Mabilis kong pinawi ang namasang mga mata at huminga nang malalim.
Kapag naaalala ko si Mama ay tila inaalisan ako ng hininga. Parang pinipiga ako hanggang sa mawalan ako ng hangin. Ang sakit.

BINABASA MO ANG
Light Under The Glooms (MPS#2)
RomanceMALA-PRINSESA SERIES #2 Fiorella Elein Rivera, a woman who is the epitome of kindness, was once called a light because of her soft and pure heart. With her past trauma, her inner light began to dim. Despite her scarred heart, she continued to pursue...