Chapter 26

25 1 0
                                    

Chapter 26

"Happy New Year sa maganda kong anak!"

I was surprised when I saw Papa in front of my room, smiling so big with a gift on his hands. It looked like he was waiting for me to finally go out of my room.

December 31 ngayon.

Napangiti ako. "Happy New Year din po," I said, hugging him. Inabot niya sa akin ang small box. "Thank you po."

"Pasensiya na at ngayon ko lang naibigay sa'yo."

"Don't worry po. Wala pong problema sa akin," I laughed lightly. "Buksan ko na po, ah."

He nodded. Nang buksan ko ang box ay tumambad sa akin ang nasa loob nito. Isang pearl earrings. Ang ganda!

"Gagamitin ko po ito nang maayos," ngingiti kong sabi. Hindi pa rin maalis sa labi ko ang ngiti habang tinitingnan nang mas maayos ang hikaw.

"Gamitin mo 'yan ngayon. Aalis tayo."

"Talaga po? Kasama po ba sila Florence?" excited kong tanong. I can't wait to have a photo together with them!

"Umalis silang tatlo."

My hope instantly broke into pieces.

"Maghanda ka na at hihintayin kita sa baba. Pupuntahan natin iyong gusto mong puntahan, anak."

Hindi ko pinahalata kay Papa na nadismaya ako na hindi kami kumpleto ngayon. Tumango ako at ngumiti kay Papa bago ako pumasok sa kwarto para mag-ayos na.

I was humming a song while doing my make-up. I just put light makeup on my face. Iyong buhok ko naman na umaabot hanggang balikat ay kinulot ko ang dulo. Hinayaan ko rin na nakabagsak sa likod ko.

I once watched myself in the mirror, smiling as I saw the pearl earrings complement my looks.

"Ang ganda talaga ng anak ko! Bagay na bagay sa'yo ang hikaw!" tuwang-tuwa ang boses ni Papa nang makita ako sa hagdan.

"Thank you po," sabi ko at ngumiti.

"Ang laki laki na ng princesa ko." Lumapit sa akin si Papa, hinawakan ang kamay ko; inalalayan pababa ng hagdanan. "Halika na mahal na prinsesa at may date pa tayo."

I giggled. I messaged Jinoh earlier that we can't meet today since I have a date with my father.

From: Jiovanni💙✨
Enjoy your date, ganda.

Sa mall kami pumunta na Papa para kumain sa isang buffet. Seafood ang gustong kainin ni Papa kaya ayon ang in-avail namin.

"Damihan mo ang kain mo, Fiorella, sulitin mo ang bayad," bulong niya sa akin, natatawa. "Ito tikman mo ito," abot niya sa hipon na inalisan niya na ng balat.

"Ang sarap po," sabi ko nang makain. Ilang beses niya pa ako na pinagbalatan ng hipon bago siya kumain. Miski pagbukas ng crabs ay siya na ang gumawa.

"Tama na, Pa," natatawa kong pigil nang akma siyang maglalagay sa plato ko ng bagong hipon. "Ikaw naman po ang kumain niyan." Kumuha ako ng hipon at nagbalat, matapos ay nilagay ko sa plato niya. "Iyan po kainin niyo."

Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Hindi na nga namin namalayan ang oras at naparami rin ang kain. Miski tuloy ang pag-picture ay nakalimutan namin gawin.

Sunod ay nanood kami ng sine. Horror-comedy ang napili namin kaya aliw na aliw si Papa habang nanonood. Ako naman ay masaya rin dahil kahit papaano ay masaya si Papa.

Nag-aya rin siya mag-shopping nang matapos namin manood. Hindi ko ramdam ang pagod sa sobrang tagal naming paglalalad ni Papa.

"Pumili ka na, Pa. Ako ang magbabayad. Kahit ilan pa po," ngiti ko. Wala kasi siyang binili para sa kaniya.

Light Under The Glooms (MPS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon