Chapter 23

17 1 0
                                    

Chapter 23

"Why are you not replying to my messages, Lein? I was waiting for your replies."
 
Nate was here again, ordering the same drinks for him and his coworkers. I was helping Luis make drinks since I was done with my thing.

"Here's your order," I said, ignoring what he said earlier since I'm at work.

"Now you're ignoring me?"

"Let's talk in other time, please. Nasa trabaho ako," sabi ko, ang mga mata ay nasa cashier. "What's your order, ma'am?"

Nakahinga ako nang maluwag nang mawala siya sa paningin ko. He keeps messaging me, updating me on what he was doing. Nagmamatigas siya na ligawan ako kahit sinabi ko na mayroon akong ibang gusto.

Nang lunch break ay hindi ako sumabay kila Lori dahil nag-message sa akin ai Anna na sabay kaming kumain. Kaya nang magkita kami ay um-order na rin agad kami.

"Careful, mainit 'yan," I warned her. Inabutan ko siya ng tissue nang matapos niyang tikman ang soup. "Masarap?"

"Sobra! Mainit-init din..." ngumisa siya. "ang chismis na nasagap ko."

Natawa ako. "Anong chismis ba 'yan?"

"Ligawan."

"Sino naman daw?" I even put down my utensils, invested to her story. "Sino?"

"Sino pa ba? Eh 'di kayo ni Jinoh!" she rolled her eyes at me. "Ang haharot talaga ng mga kaibigan ko. Nakaka-proud!" she said, wiping her fake tears.

"Nakalimutan kong sabihin sa inyo. Sorry. Na-busy lang kasi ako sa trabaho," sabi ko. "Months na rin ang panliligaw niya sa akin."

My phone vibrated. Napangiti ako nang makita ang message ni Jinoh sa akin. Tuloy miski replyan siya ay hindi naalis ang ngiti ko.

"Sana pala kinain ko na lang ang mentos na nasa cabinet ko," rinig kong sabi ni Anna. Roon ko lang binaba ang phone para tingnan siya. "Inlove lahat ng friend ko. Kanino naman kaya ang sunod na masasaksihan ko?"

"You'll find yours, too," pag-comfort ko. Tinuloy na namin ang pagkain habang patuloy sa pag-uusap. "Anyway, kumusta na pala siya?"

"Sino naman?" lito niyang tanong.

"'Yong binato mo ng yelo."

Naubo siya. "Buti pinaalala mo! Patay na siya."

"You killed him, Annastasia?" mahina ngunit mariin kong tanong.

"Gaga ka talaga! S'yempre joke lang. Nandoon pa naman buhay," aniya, natatawa kaya nakahinga ako. "Yelo lang naman 'yon."

"Bakit ko nga pala kasi ginawa 'yon?"

"Tinawag akong demonyita," inis niyang sabi.

Natapos din kaming kumain at bumili rin kami ng ice cream. Bumalik din agad ako sa shop. Mas dumami nga amg customer namin, kaya hindi na rin kami nakakapag-usap.

"Thank you for your hard work mga anak," sabi ni Ms. Bubbles nang magsara na kami.

Nang marinig iyon kay Ms. Bubbles parang nawala ang pagod ko. Ang sarap sa tenga na marinig na may nakaka-appreciate sa effort mo na ginawa.

Kaya kahit na hindi ako masusundo ni Jinoh ngayong gabi ay masaya pa rin ako. Naiintindihan ko siya na busy siya dahil miski ako ay may araw na super busy rin.

Naiwan ako sa tapat ng shop kasi dito ako inaabangan ni Jinoh. Inayos ko ang bag at pinasok ang phone roon para makaalis na rin.

"Buti naabutan pa kita."

Light Under The Glooms (MPS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon