Chapter 11

30 1 0
                                    

Chapter 11

There is really a time when you make a mistake without knowing or expecting it. At totoo nga na nasa huli ang pagsisisi.
 
Gusto kong humingi nang paulit-ulit na tawad kay Nympah. Pero alam ko sa sarili na kahit patawarin niya ako, hindi na mabubura nito ang mga sinabi ni Tita sa kaniya.

My heart felt heavy while I was doing my work. I tried distracting myself at work just not to get sad.
 
"Bakit may umaway ba sa'yo?" si Aura, nasa labas kami, pinaglalaruan niya ang yelo sa baso ng shake niya. "May umaaway ba sa'yo? Gusto mong kausapin namin ni Anna?"

I laughed heartedly. Ngumisi lang siya sa akin bago humigop ng shake.

"Sino naman ang aaway sa akin?"

"Malay ko, baka meron at hindi ka lang nagsasabi sa akin." Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit kasi gano'n boses mo kanina? Parang malungkot."

"May mali ba sa boses ko? It was actually my normal tone," pagtanggol ko. Napansin niya pa rin iyon? Ilang beses ko na ngang prinactice ang boses baka siya tawagan. "Walang umaaway sa akin, okay?"

"Pero may gumugulo sa isip mo, Fiorella."

"Wala nga." I rolled my eyes at her, trying to tease her. "It was just a thought that came into my mind... kung naging masama ba ako sa inyo, especially sa'yo."

"Sa akin marami!"

My eyes widened, making her laughed so loud. "Ano? Totoo ba?"

"Charot! Wala naman," pagtawa niya.

Nakahinga naman ako nang maluwag. Akala ko talaga meron. Kung merom man, baka immature pa ako nun.

"Naging mabuti ka sa amin, Fiorella. Kami nga madalas ang inuuna mo kaysa sa sarili mo. So paano ka naging masama?"

"Naisip ko lang," mahina kong sagot. Nagbaba ako ng tingin sa inumin ko, nag-iisip kung ano pa ang sasabihin. Tumahimik na lamang ako ng wala na.

"Kung may problema ka sabihin mo sa amin. Kami naman ang makikinig sa'yo," seryosong sabi niya at hinawakan pa ang kamay ko.

Ngumiti ako bago tumango.

"Bakit mo nga pala ako pinuntahan pa? P'wede naman tayong mag-usap through phone," pag-iiba ko sa usapan. It worked dahil umayos na ang itsura niya.

"Break ko rin. Ayoko ng ulam sa canteen kaya nagpaalam ako na aalis muna," sabi niya. "Minsanan lang naman ako kumain sa ganito," pagtukoy niya sa fastfood.

Ngumiti ako. "So you missed me?" I teased her. Tiningnan niya ako na para bang isang kadiring salita ang sinabi ko.

"Masarap pala 'tong shake," aniya, hindi sinagot ang tanong ko kaya naman ngumuso ako. Nakita ko kung paano tumaas ang sulok ng labi niya at ngumiti ng maliit. "Oo na, 'te! Miss na miss kita kaya payakap naman sa leeg."

We laughed together. Nakaka-miss din palang gumala kasama sila. Ang kaso lang ay may kaniya-kaniya rin kaming responsibilidad kaya naman bihira rin kaming magkita-kita.

"Maayos nga ako sabi, Fiorella," aniya dahil kanina ko pa siya tinatanong nang matapos kaming kumain. Pinagkrus niya ang kamay sa dibdib at tiningnan ako ng seryoso. "Tanungin mo rin 'yang sarili mo. Wala bang nagpapagulo sa isipan mo?"

I stopped. I gulped hard to remove the lump on my throat. Kahit ilang beses kong tanungin ang sarili ko, ang maisasagot ko ay maayos ako.

Nginitian ko si Aura na agad niyang kinangiwi. Napainom na lang ako sa shake at sinubukang umiwas sa mga mapanuring mga titig niya sa akin.

"I'm happy," mahina kong usal.

"Hi, Happy," sarkastikong aniya. Napanguso na lamang ako at inubos na lang ang shake. "Nakikita ko maganda ang trato sa 'yo sa pinagtatrabahuhan mo," pag-iiba niya agad.

Light Under The Glooms (MPS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon