Chapter 15
I didn't expect those words coming from him. His words made my heart acts crazy right now. Kung gaano katahimikan ang pwesto namin, kasalungat naman nito ang puso ko, na sa sobrang lakas ng pintig, baka lumabas na ng tuluyan sa dibdib.
"I really like you, Fiorella Elein," he said once again.
Nakagat ko ang ibabang labi.
"Ayaw mo bang magsalita?" puno ng kaba ang boses na sabi niya. He gave me an awkward smile.
"Wait... nabigla ako..."
Nakamot niya ang likod ng ulo. "Sorry kung biglaan ang pag-amin ko sa'yo. Ayoko na kasi pang patagalin kaya pinuntahan na kita dito para umamin."
He did that? Pinuntahan niya ako para umamin? Muli namuo ang init sa pisngi ko kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Elein..." kinalabit niya ako.
Nag-angat ako ng tingin. Ngumiti ako, at hindi napigilan ang sarili na tumawa nang mahina. Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa kaniya — sa mga nangyayari. Sa mga sinabi niya.
"Kaya ka nandito ngayon kasi aamin ka?" tanong ko. He nodded like a kid. "Thank you, Jinoh."
"Bakit ka nagti-thank you?"
I was just thankful for his efforts to go to me, even though it was too late now. His words and even his presence were a great help for me not to get drowned in my own gloom.
"Thank you for the efforts, Jinoh," I sincerely said."Salamat kasi umamin ako? O dahil may gusto ako sa'yo? Ayan na ba ang rejection ko? Thank you?" Ngumuso ito at nag-iwas ng tingin.
"I can't like you back," parang piniga ang puso ko sa sinabi. "Hindi p'wede, Jinoh."
May gusto kasi sa'yo si Nympah.
"No, it's okay. Hindi naman porket gusto kita ay kailangan gustuhin mo rin ako," he smiled. "I just wanted you to hear me confess my feelings to you."
"I'm sorry..."
"Wag kang mag-sorry, ayos lang naman sa akin." Tumingin siya sa langit, tila may iniisip. "Hmm? Ano bang dapat gawin para mawala ang gumugulo sa isip mo?"
Kinagat ko ang ibabang labi. Gusto ko rin sabihin sa kaniya na gusto ko siya. Pero natatakot ako kasi ayokong masaktan ko muli ang damdamin ni Nympah. At nangako ako sa kaniya.
"Elein," he softly called me.
I looked at him. "Hmm?"
"Don't think that much, okay? Okay lang ako. Nasaan na ba iyong Fiorella Elein na nakangiti kanina? Nasaan ang ngiti ng Cinderella na nawawalan ng heels?"
Napangiti ako, at tuluyan nang natawa nang mahina dahil sa kaniya. Miski siya ay tumawa na rin..
"Relax ka lang. Ikwento ko na lang kung bakit napunta sa akin ang heels mo," aniya, natatawa.
Ngumiti ako sa kaniya, hinanda ang sarili na makinig sa kwento niya.
"Habang naglalakad ako, nakita ko iyong heels mo, ni walang kumuha at dinadaanan lang nila. Ako na ang kumuha, balak ko sana na ibenta para may extra pera."
Nagtawanan muli kami. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya nang mag-init ang gilid ng mata ko. I got emotional because he was trying to lift my mood.
"Maayos ka na?" malambing ang boses na tanong niya.Tumango ako. "Thank you dahil dumating ka," para iligtas ako sa kalungkutan, "bitbit ang heels ko."
"You're welcome po."
BINABASA MO ANG
Light Under The Glooms (MPS#2)
RomanceMALA-PRINSESA SERIES #2 Fiorella Elein Rivera, a woman with a kind heart who always thinks other than herself, witnessed how the light takes her mom away from her. Despite her trauma, she pursued her passion for baking. As she pursued the dream, she...