Chapter 16
"Nag-book ka na ng room mo?"
We were sitting again on the white sands, watching the dark sea. Pinatong ko ang pisngi sa magkadikit kong tuhod at pinagmasdan ang side profile niya.
"Yup!" pagtango niya. "Bago ako mag-mala Dora para hanapin ka ay nagbook na muna ako."
Ngumiti ako. "So, you will really stay here for a week?" I asked again.
"I told you I wanted to see you. I'm staying here because you're here, Elein."
My cheeks flushed. "Hindi ka ba hahanapin sa inyo? Or nagpaalam ka man lang ba?"
"Wala sila sa bahay."
"Just message them, kahit naman papaano ay alam nila kung nasaan ka."
"Okay po, I'll message them now."
Hinayaan ko lang siyang gawin ang dapat niyang gawin. Nakita ko kung paano siya mag-type, mahinahon at hindi mabilis. Nang matapos ay pinakita niya pa sa akin ang message na sinend niya.
"Ayos lang ba na hingiin ko number mo?" he shyly asked
"Give me your phone, ako na ang maglalagay."
He smiled at me before extending his hand to me to give me his phone. Tinype ko ang number ko roon at binigay rin sa kaniya nang matapos.
Sinilip ko siya dahil busy siya sa phone niya. Tila malalim ang iniisip niya. "May problema ba?" tanong ko.
"Hindi ako makaisip ng name na ilalagay sa'yo," pagnguso niya. "Ito, p'wede na ba ito? Maganda naman 'di ba? Palitan ko na lang kung baduy."
Hindi ko pa man nakikita ay marami na siyang nasabi kaya natawa na lang ako. He's too talkative. Pinakita niya agad sa akin ang name ko.
Elein💙✨
"Cute..." ngingiti kong sabi bago mag-iwas ng tingin. Ngayon lang aki kinilig sa simpleng pangalan ko. Nakakatuwa! "Ikaw, anong gusto mong name sa phone ko?"
"Ikaw nang bahala. Baka hindi mo magustuhan ang sasabihin ko," ngisi niya.
"Sabihin mo na, Jiovanni."
"Love," he said, directly looking into my eyes, making my smile slowly disappear. "Ikaw na nga ang bahala mag-isip," pagbawi niya.
Nakagat ko ang ibabang labi, hindi pa rin makapaniwala sa narinig. Napatango na lang ako.
"Mr. Madrigal?" I asked, teasing him.
"Masyado namang formal."
"Gilagid?" Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Hindi ko na napigilan ang sarili at tumawa na. "You have gummy smile..."
"Ang bantot naman kung gilagid," parang bata na sabi niya, kaya mas lumakas ang tawa ko.
"Sabi mo kahit ano."
"Gilagid? Ang dami-daming p'wede, bakit gilagid pa?" Ngumuso siya, tila nagtatampo na kaya naman pinigilan ko ang hindi matawa. "Sige, payag na ako sa gilagid."
"Totoo?"
"Oo, basta papalitan ki sa'yo. Gagawin kong ngipin para terno tayo."
Ang kaninang pinigilan kong tawa ay kumawala na. Miski siya ay tumawa rin dahil sa sariling kalokohan. Puro lang ako tawa habang kasama siya!
He bought coffee for us. Suot ko pa rin ang jacket niya kasi lumalamig na rin. I also removed my heels.
"Are you tired?" he asked softly. Uminom siya ng kape niya. "Gusto mo na magpahinga?"
BINABASA MO ANG
Light Under The Glooms (MPS#2)
RomantikMALA-PRINSESA SERIES #2 Fiorella Elein Rivera, a woman with a kind heart who always thinks other than herself, witnessed how the light takes her mom away from her. Despite her trauma, she pursued her passion for baking. As she pursued the dream, she...