Chapter 5
Hanggang sa makauwi ako ng bahay ay hindi nawala sa isipan ko ang mukha ni Jinoh. Sa paraan niya nang pagkakatingin kay Issabela, masasabi kong may gusto ito sa dalaga. His eyes say it all.
Hindi ko rin masisi si Jinoh kung bakit niya magugustuhan si Issabela. Issabela is the epitome of sunshine, with her bubbly appearance that can make you smile without her trying to. Na kahit masungit man, mapapalambot niya ang puso.
Bagay rin naman silang dalawa.
'Saka wala rin naman akong gusto kay Jinoh, at hindi rin alam ni Issabela na kakilala ako ng lalake. Eh, alam ba ni Jinoh na kaibigan ako ni Issabela? Pero... mukhang hindi rin, dahil miski siya ay gulat nang makita ako.
"Sabi sa'yo gwapo," bulong ni Anna kay Aurelia. "Kaso hindi gan'yan ang tipo ko."
"Mukha ring mabait. Ayoko rin sa gano'n," ganti naman ni Aura. "Gusto ko 'yong kayang pumunit ng bedsheets."
Nagtawanan silang dalawa habang ako ay napa-iling na lang ng ulo. Kahit saan talaga kapag magkasama itong dalawa ay hindi ligtas ang kabastusan.
"Ate ko, galaw-galaw baka pumanaw," sabi ni Anna sa akin, hinigit ang bewang ko palapit sa kaniya. "Ang puti mo talaga. Para kang papel."
Napalunok ako nang malalim nang magtama ang mata namin ni Jinoh. Nakita ko ang gulat sa kaniya, na nawala rin bigla, 'saka nag-iwas ng tingin sa akin.
I composed myself.
"Kaibigan namin ni Anna, Jinoh," sabi ni Issabela kay Jinoh, lumapit pa siya sa lalaki at hinatak palapit sa amin. "Ito si Aura," tukoy niya kay Aura na ngumiti lang nang maliit, saka bumaling sunod sa akin. "Ito naman si Fiorella."
Ngumiti ako dahil gano'n ang ginawa kanina ni Aura. Kita ko ang malalim niyang paglunok dahil umalon ang bilog sa lalamunan niya.
"May jowa ka na ba, Jinoh?" tanong ni Aura, na ikina-iling ng huli. "Weh? Kahit fling?"
"Wala rin," malalim ang boses na sabi nito.
"Nice naman!"
"Naghahanap ka ba, Jinoh?" pagsiko ni Anna. "Marami akong kakilala... single pa."
"Taray! Tara at hanapan natin si Jinoh!" si Issabela na hinampas naman si Jinoh bago tumawa.
Okupado ni Jinoh ang isip ko habang nag-uusap kaming apat. Ang lalaki ay busy lang sa pakikinig sa amin dahil nasa phone ang focus niya. Hindi ko magawang sulyapan siya dahil natatakot ako na baka mahuli niya ako, at kapag nagkataon iyon, magugulat ang mga kaibigan ko kapag binalik ko ang payong niya.
Hindi na ako nagtangka pa na tumingin kahit gusto ko siyang silipin. Ang lakas kasi manghatak ng presensiya niya.
Napanguso ako. Wala atang balak na ipaalam si Jinoh na magkakilala kami. Well, hindi na rin ako magsasalita pa. Kung ayaw niya, I understand it.
"Ingat," sabi ni Jinoh kay Issabela nang halos matumba ito sa pagtawa.
It cuts... me.
But, it was fine. Hindi naman masakit.
Napahawak ako sa dibdib ko, banda sa puso, nang huramentado ang puso ko. Nakahiga na ako ngayon sa kama habang pinapakiramdaman ang tunay ko bang nararamdaman para kay Jinoh.
Baka naman happy crush ko lang siya. Right! He was just my happy crush. Walang masama roon, 'di ba? 'Saka mawawala rin ito kasi may iba siyang gusto. Tama! Tama!
"Good morning, Pa. Good morning, Florence," bati ko sa kanila nang bumaba na sila para mag-almusal.
"Good morning, anak." Si papa lang ang sumagot sa akin at niyakap ako. "Pasensiya na, ako dapat ang nagluluto ng almusal."
BINABASA MO ANG
Light Under The Glooms (MPS#2)
RomanceMALA-PRINSESA SERIES #2 Fiorella Elein Rivera, a woman with a kind heart who always thinks other than herself, witnessed how the light takes her mom away from her. Despite her trauma, she pursued her passion for baking. As she pursued the dream, she...