Chapter 14

32 2 0
                                    

Chapter 14

"I have to go. Thank you for a warm welcome."

Naglingunan ang mga kasamahan ni Zach sa akin nang tumayo ako. Ang iba ay natigil sa tawanan at usapan. They all nodded their head to me while smiling. They looked all friendly to me.

"Thank you, Fiorella. I hope we meet again," Amalia said, almost whispering when she go near me. Niyakap niya ako kaya naman gumanti ako. "You're so beautiful, Fiorella. I mean it!"

Nginitian ko siya. "You, too. Thank you."

Inayos ko ang baso ko sa lamesa na tanging juice lang ang laman. Matapos kasi naming mag-picture taking ay inaya nila ako sa cottage nila. Wala na akong nagawa kun'di ang pumayag. I can't resist them.

"Bye. Thank you again."

Akmang maglalakad na ako nang may humawak sa palapulsuhan ko. Huminto ako at nilingon iyon. Si Zach pala. "Ihatid na kita," mahinang usal niya sa akin.

"Hindi na."

"I insist," matigas niyang sabi at ngumiti nang wala na akong naisagot. Nginitian ko pa si Amalia bago ako tuluyang lumabas ng cottage. Mabuti hindi na gano'n kainit. "I'll be back," I heard him saying that to his friends.

"Be sure that you're going to come back, asshole," natatawang saad ng isa niyang kaibigan.

Nilingon ko si Zach na pinakita lamang ang gitnang daliri sa binata bago sumunod sa akin sa labas. Kumaway pa ako kay Amalia at tuluyang umalis papalayo sa cottage.

Walang nagsalita sa amin ni Zach habang sabay na tinatahak ang papunta kina Lia. Hindi niya naman na kasi kailangan pang ihatid ako. Kaya ko naman ang sarili ko.

Huminto kami saglit nang malapit na kami kina Lia. Hinarap niya ako at ngumiti. "Thank you for allowing us to take a picture with you. Don't worry we will just post it. Gusto mo bang i-tag ka namin?"

Umiling ako. "Hindi na kailangan. Mauna na ako, Zach. Thank ulit," mahina kong sabi sa kaniya. Nginitian ko pa siya bago ako tumalikod para maglakad papunta sa may dagat kung nasaan ang tatlo.

Napangiti ako nang maramdaman muli ng paa ko ang maligamgam na tubig-dagat. Kahit pahapon na ay hindi ito malamig. Gusto ko na tuloy lumangoy ngayon.

"Ang tagal mo roon!" sigaw sa akin ni Lia. Kinawayan ko siya dahil malayo ito sa akin. Umahon ako sa tubig at nakangiting pinapanood ang tatlong tumatakbo papalapit sa akin. "Kumusta naman, Fiorella?"

"Maayos lang," sagot ko at naupo sa may buhangin. Nakangiting pinanood ko ang dagat at ilang mga bangka sa malayo. Gusto kong sumakay roon. "Nagkaayaan lang sa cottage."

"Uminom ka?" Naupo sa tabi ko si Lori at mistulang inaamoy ako. "Hindi ka naman amoy alak, girl!" bulyaw niya.

"Juice lang naman ininom ko," sagot ko nang hindi tumitingin sa kanila. Tumabi rin sa akin si Lia at kung ano-ano pa ang mga tinanong. Na para bang isa siyang reporter at ako ang ini-interview niya. "Si Zach iyon," sabi ko sa kaniya nang tanungin ang pangalan ng lalaki kanina.

"Zach. Mukhang fuckboy naman ang pangalan," sabi niya. Natawa kaming tatlo nila Luis at Lori dahil sa sinabi nito. "Parang lang."

"Pati sa pangalan may nasasabi ka? Iba ka, Lia," pang-aalaska ni Luis.

Umakyat din kami sa taas bago mag-ala sinco ng hapon. Naabutan namin si Ms. Bubbles na nasa balcony at nakatingin sa tanawin. Humarap siya sa amin at ngumiti.

"Kitang-kita ko na nag-enjoy kayo," malumanay ang boses na sabi nito.

"Yes, Ms. B! Super kaya. Ka-excite ngang lumangoy, e." Hindi pa rin nauubusan ng enerhiya si Lia kahit ilang beses silang naghabulan ni Luis sa ibaba.

Light Under The Glooms (MPS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon